Chapter Six - Talk with the ex-girl

13 0 1
                                    

Travis's Point of View 

Kanina ko pa nililingon ang wrist watch ko, at ibabalik ang tingin sa pinto. Sobrang nagpapawis ang kamay ko, at napakalakas rin ng tibok ng puso ko. Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim, mas kumalma ang sistema ko pero parang naghuhuramentado na naman ako ng maamoy ko ang isang pamilyar na pabango. 

Pagbukas ng mga mata ko ay tumambad sakin ang masayang mukha ng ex-girlfriend kong si Krystal, inimbitahan ko sya sa lunch. “Akala ko di ka na sisipot.” sabi ko habang pinagdadaop yung namamawis kong palad. 

“No need to be awkward, Travis.” biro nito sakin, pero di ko alam kung bakit hanggang ngayon ay tense pa rin ako. Pawis na pawis pa rin yung kamay ko, at rinig ko ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko. Buti na lang at dumating na yung waiter, para kuhain ang order namin. Madalas kaming kumakain dito ni Krystal nung kami pa, brings back memories. 

“I'll have the usual please.” sabay naming sabi kahit medyo matagal kaming nakatingin sa menu, dahilan para matawa kami sa pinagagawa namin. “Sige po Maʻam at Sir.” natatawang responde samin ng waiter at dumiretso na sa may kitchen para i-prepare yung order namin, kaya magkakaroon pa kami ng oras para mag-usap. 

“I've heard about Michelle kay Kara, yʻknow her aight.” sabi nito na nailing pa. “I know you too well, Travis.So let me talk first, alright?” dahan-dahan akong tumango at huminga sya ng malalim, just like her bestfriend Kara pag mahaba yung sasabihin nya ay nahinga sila ng malalim.

“You love her Travis, you're just unsure of us kasi natapos tayo ng walang formal closure. You're still thinking that you love me, you're still stuck, and sorry that it took me this long para lang ibigay sayo yung hinihingi mong closure. I moved to Canada so suddenly dahil kay Mommy na sobrang kailangan ako during that time, sorry to say pero mas mahalaga ang buhay ng mommy ko kesa sa relasyon natin that time. And I was about to come back, hindi ko naman sinabing forever na ako sa Canada diba? It took me five years dahil habang iniisip ko yun ay fresh pa rin yung sugat na nagawa mo sakin, it hurt me. Then Jacob came, sobrang sungit ko sa kanya nun. Which is unusual dahil friendly ako, pero ewan ko. Ikaw lang ang tumatakbo sa'kin nung mga panahon na yun, you were my world. Everytime na nagc-chat kami ni Kara or di kaya ni Jared ay nagmumukmok, or nag-eemo ako sa kanila, dahil mabait naman sila dinadamayan nila ko. Then you and Michelle got together, sobrang na-shock ako nun at nasaktan. It took me three months to digest that, one day I woke up na hindi na nasasaktan or iniisip man lang kung kumain ka na ba. Dun nagsimulang pumasok si Jacob sa buhay ko, nung una hindi ko sya nagustuhan dahil sobrang iba ng approach nya sakin, hindi katulad ng iyo. Yung tipong pasimpleng hawak, tapos nagbblush, ganon sya. Eh ikaw makapal na mukha mo ng mga panahong 'yun at pinamumukha mo sa mga taong 'tayo' at naglalandian pa tayo.” she paused a little and let out a laugh. “Sabi ko sa sarili ko nung una, hindi kami magtatagal. Pero malapit na kaming mag-three years, nakakaproud kasi kahit quiet ang relasyon namin ay parehas kaming kuntento na sa isa't isa.” tinignan nya ako at nginitian. 

“Hindi mo dapat pakawalan ang mga bagay na nagpapasaya sayo, mutual kayo. Mahal nyo ang isa't isa, ba't nyo yun sasayangin para sa isang baka sakali? You're more than this, kahit alam kong nakakatanga ang pag-ibig. Yung iba nga dyan, hindi mahal ng mahal nila. Samantalang kayo, andyan na o. Papakawalan pa ba?” ramdam kong gustong-gusto nya akong sipain o ipamukhang ako ang pinakatangang nilalang sa mundong ito, pero pinipigilan nya ang sarili nya.

“W-what if she don't take me back?” pilit kong sabi habang nakayuko, dama ko ang pagpat nya sa shoulders ko at tinignan sya. “You'll never know unless you try, pag ayaw ka nyang tanggapin? Kulitin mo, ligawan mo ulit, kasi hindi naman talaga tumigil ang pag-suyo kapag naging kayo na eh. Dapat nga mas maging matatag kayo for each other, dahil hindi kaya lang ng isa 'yung bigat ng relasyon. Hirap kaya 'nun.” sabi nya at buntong-hininga. 

“Yun lang maipapayo ko sayo.Sige alis na ko, may date pa kami ni Jacob, hihihi.” sabi nya at kumikilig na umalis sa harapan ko. I was wrong all this time? How could I do such things? Pero ngayon ay mas gumaan ang pakiramdam ko, mas naliwanagan ako sa bagay-bagay. This is it, it's now or never this time. 

Second Chances : Next Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon