Chapter Five - Confrontation

17 1 0
                                    

Travis's Point of View

Dapat susunduin ko si Michelle ngayong araw, may date kasi kami. Pero laking gulat ko ng abutan ko syang naghihintay sa sala, prenteng nakaupo sya sa couch at matiyagang nag-aantay.

"Wait, ligo lang ako." paalam ko pa sa kanya, at saka dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos nun ay dumampot ako ng gray na t-shirt, jeans, at dark blue na sapatos. Di ko na sinuklay pa yung buhok ko, gulat pa rin ako sa pagpunta nya ng biglaan rito.

"Tara na?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sa mata ko ng ilang saglit, tila may hinahanap pero agad ring pumikit at tumango. I led her inside the car, at nagmamadaling sumakay sa driver's seat. Inayos ko ang seatbelt nya at yung akin rin, dinala ko sya sa may pinakamalapit na mall dito sa lugar namin. Hindi sa nagpapakacheap ako, perp dahil mukhang may gustong sabihin si Mich sakin

Pinili kong puntahan ang isang disenteng restaurant, pero mula sa byahe hanggang rito ay tahimik lang sya.

"May problema ba Mich? May dapat ba tayong pag-usapan?" pagbring-out ko ng topic. Nanginginig nyang binuksan ang labi nya at agad rin naman iyong sinarado, parang kung ano man ang lalabas sa bibig nya sa mga oras na yun ay pagsisisihan nya habang buhay.

"L-let's cut the crap, Travis." naguguluhan ko syang tinignan. Pero nakikita ko ang malungkot nyang mata, desperadong boses na malapit ng mabasag. "Ha?" paglilinaw ko sa sinabi nya, mamaya kasi mali lang ang rinig ko sa sinabi nya.

"Itigil na natin 'to. Pagod na pagod na kong umintindi at kahit anong anggulo kong tignan ito, hindi lang talaga magwwork-out." sabi nya, at mariing kinagat ang labi nya. "B-but I love you." giit ko rito.

"No Travis, you don't. Because you don't hurt someone you love, yet you're hurting me so much." may pumatak na mangilan-ngilang luha sa pisngi nya. Sinubukan kong punasan 'yon pero tinapik nya paalis yung kamay ko, and gave me a weak smile.

Yung tipo ng ngiti ng isang taong sobrang basag na, yung kahit anong buo mo ay kitang-kita pa rin yung lamat.

"We're over Travis." sabi nya at tumakbo papalayo sakin. Pero bakit ganon? Hindi 'to kasing sakit nung iniwanan ako ni Krystal? Totoo kayang mahal ko pa sya? Well, isa lang naman ang rason para malaman yun eh. Ang kausapin sya, para matapos na 'tong lahat.

Second Chances : Next Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon