Sweet Lies•The Pretty Revenge
ⓒBlackPenHolderRheese's POV
At napagpasyahan ko na sa bahay nalang muna sina Insan at Allia magpalipas ng gabi, total lasing na din naman sila pareho at hindi na rin kaya ni Terry ang mag drive pauwi, ayaw ko namang may mangyari sa kanilang masama at madaling araw narin madaming lasing at adik ang pagala gala ngayon sa daan.
Kaya minabuti ko nang dalhin sila sa bahay para makakasigurado ako na safe silang dalawa pareho. Pinark ko nalang muna sa Bar yung kotse ni Terry at babalikan lang kinabukasan, binayaran ko rin naman ang guard para to look up sa car ng pinsan ko.
Ako narin ang nagbayad ng ininom namin, nilisan narin ang bar na pinunatahan namin.
Umalis na kami don para maka iwas narin sa gulo.
It's 2:45 a.m. narin ng makarating kami sa bahay namin.
Inuna ko ng kinuha si Terry at dinala sa kwarto ko. At pinahiga ko na rin siya. Haysst ang lalakas ng loob uminom hindi din naman pala kaya.
Dali dali din akong bumalik ng kotse ko at pinuntahan si Allia. Di ko mapigilang mapangiti habang tinitigan lang ang magandang dilag sa harap ko. Habang himbing itong natutulog dinahan dahan ko siyang binuhat ngunit hindi man lang nakaramdam sa pinang-gagawa ko. Takte! Kaliit na babae pero sng bigat bigat, pero di naman problema yon, kaya ko din naman siyang buhatin.
Kung ibang lalaki lang ang naka sama nito kapag ganito ang sitwasyon niya malamang ginahasa na ito.
Habang mahimbing parin ito sa pagkakatulog dahilan ng kalasingan tinungo ko naman ang kwarto ko para iayos na ito para makapagtulog ng komportable.
Natatawa lang ako sa mukha nito, nakakaawa dahil lasing pero still ang cute at ang ganda niya parin.
Hindi ko din naman maalis sa isipan ko yung nangyari samin sa Bar. It was all my first time, she is my first holding hands, my first dance and my first love. But it breaks my heart kasi di man lang siya nag response when I said I love her, na gusto ko siya. Hindi ko alam kung busted ba ako sa kanya or hindi lang siya handa sa ginawa ko?
Dinahan dahan ko siyang inilapag sa bed ko katabi ni Terry na ang himbing din ng tulog.
Malawak din kasi ang bed ko at sa couch nalang ako matutulog dito sa room ko.
Hinubad ko nadin parehas ang sapatos nilang dalawa, na mistulang walang alam sa paligid nila.
Nag ayos nadin ako at nag half bath, hindi parin mawala sa isipan ko ang pinang-gagawa kong pag confess kay Allia kanina, hindi ako makapaniwala kung bakit nagawa ko iyon. Baka yun pa yung dahilan ng pagkailang ni Allia sakim at rason para iwasan ako, ayaw kong mangyari yan men. Haysst
Naramdaman ko lang kanina na parang nailabas ko yung saloobin at dinadamdam ko para kay Allia at nakatulong sakin yun para makahinga ng maluwag at mabawasan yung tinatago kong saloobin para sa kanya.
Pero at the same time nanghihinayang at nadissappoint din sa resulta ng pag subok kong mapasagot si Allia pero nabigo ako, kung hindi man ngayon baka sa darating na panahon. Alam kong hindi pa handa si Allia sa kung ano man ang magiging resulta ng lahat pero isa lang nasisigirado ko, maghihintay ako - hihintayin kita Allia.
Pagkatapos kong lumabas ng cr ay nagbihis narin ako at bumalik sa bed para tingnan sila Terry if ok lang ba sila.
Pinagmasdan ko ng mabuti si Allia, ang ganda niya, swerte ng naging or magiging kasintahan nito, alam ko na sa kabilang kasungitan nito may kabaitan ding itong tinatago.
BINABASA MO ANG
SWEET LIES Book 1 (The Pretty Revenge)
Teen Fiction"Pilit kong ipinaglaban pero sobra na, na sana hindi mo ko niloko sa paraang ayaw ko" pahagulgol kong sambit kay Jiro. "Siguro napagod kana, at pagod na rin naman ako.." dagdag ko "Tama nga siguro yung sabi mo, na idistansya muna yung sarili ko sa i...