Mandy's POV
Aiiisshh Why Why? huhu Lagot ako nito sa nanay ko pag nalaman niya. Bakit kasi kailangan kami pa ang magshoulder sa nawawalang pera na yan iihh.
" Di ko talaga maintindihan yung matandang hukluban na yon. Nag-aral ako dito para matuto hindi para mamroblema sa nawawalang pera. Di ko naman pinangarap maging isang pulis psh. "
Kanina pa reklamo ni Art di kasi kami makauwi kakaisip dun sa nawawalang pera.
" oh talaga, nag-aaral ka pala? " pang-asar na tanong ni Kyline Mag-ex kasi yang dalawang yan kaya wag na kayong magtataka kung palagi silang bitter sa isa't isa.
" Who you?? Kilala ba kita? ''
" Aish ewan ko sayo. "
" Tignan mo to ikaw mauuna tapos ikaw pa ang mapipikon."
" HINDI AKO PIKON !!!! " Luh hindi daw siya pikon eh halos napatakip nga kami ng tenga dahil sa pagsigaw niya. Kailangan ko ng kattaahhiimmikkaan ! huhuhu.
" Alam niyong dalawa etong gunting oh, magsaksakan nalang kayo. " biglang singit ni Ayen. Haha yang babaeng yan talaga walang paliguyligoy. Kung anong gustong gawin niyan gagawin niya talaga.
" Eh?! "
" Wag kayong mag-alalang dalawa magpapatawag na lang kami ng punerarya. " sabi pa niya. Bigla namang natahimik yung dalawa at lumipat ng pwesto si Kyline Thanks to Ayen haha.
" Alam niyo imbes na nagpapatayan kayo diyan, bakit di nalang natin simulan ang problemang to ng matapos na. " malamig na sabi ni Keith. Masyadong tahimik yan at minsan lang kung magsalita.
" Oo nga kasi uwing uwi na ko. " sang-ayon naman ni Chester.
Umayos na kami ng upo at binilog yung mga upuan.
" Oh san ka pupunta Yen?? " tanong ni Chester kay Ayen na biglang tumayo
" Iihi ako bakit gusto mong sumama? "
" H-hindi ah " bigla siyang namula at nautal?! haha anong meron Ches.
" Hindi pala eh. "
" Ako sasama ! " sabi ko at tumayo rin. Kanina parin ako ihing ihi haha nakalimutan ko lang umihi kakaisip ng mga problema.
BINABASA MO ANG
Science High ( Ongoing )
Teen Fiction'' The important thing is to never stop QUESTIONING '' - Albert Einstein