Ayen's POV
Tuesday 6:30 am
Haayyy antok pa ko. Kasi naman si Amanda eh. Ang aga aga magpatawag ng meeting.
" Manong yung kuha po nung Oct.15 mga bandang 2:00-3:00 pm yung gusto naming makita. "sabi ni Mandy kay manong na namamahala sa CCTV office.
" Oh eto iha. Ahm sige maiwan ko muna kayo. Mukhang busy kayo sa gagawin niyo eh. " sabi ni Manong.
Pinlay namin yung cctv video na kuha nga nung Oct. 15. Hindi hagip sa video ang pintuan kung saan nakatago ang charity fund pero kita mo yung mga estudyanteng dumadaan dito. Gawa nga ng kapag magccr ka eh madadaanan mo yung office na yun.
" Look guys mukhang bumukas yung pintuan. " pansin ni Kyline.
Oo nga mukhang bumukas yung pintuan pero hindi hagip sa camera kung sino ang pumasok o lumabas doon. Kasabay nga ng pagbukas ng pintuan na yon may dalawang estudyanteng dumaan. Isang babae at kasunod nito ay isa namang lalaki. Pareho silang pumasok sa magkaibang cr. Maaring napadaan lang sila ng mga panahong yun at maari rin na isa sa kanila ang nanggaling sa loob ng office na yon.
'' Aish brownout ?! '' sabay sabay nilang sabi ng biglang mawalan ng kuryente. Ano 'to sabayang bigkas.
'' Hindi guys baka pumikit lang kayo. '' sarkastiko kong sabi. Alam na nga tatanungin pa eh.
( B L A G)
Aypusangkinalbo anubayun.
'' Pasensiya na mga bata, nawalan ng kuryente. Tapos niyo na bang panuorin? '' bigla biglang sulpot ni Manong. Yung tataa haha nakakagulat si Manong ah.
'' Napanuod na po naming kaso hindi pa sapat. Pwede po ba naming hiramin ito? " tanong ni Ches.
" Naku mga bata, kabilin bilinan sa school na to na di kami pwedeng maglabas ng kahit na anong video. "
'' Ganun po ba, sige babalik nalang po kami mamaya. '' sabi ni Amanda. Tumango nalang si manong.
Pagkababa namin sa ground floor, yeah 5th floor pa kami galing eh, bumaba lang kami kasi mag pa-flag ceremony na. Sakto namang may ilaw na.
'' Psh dapat talaga pinilit natin si manong eh. Pano kung maedit na yun. '' sabi ni Art.
'' Mukha namang di kaya ni manong. '' sabi naman ni Keith. Yabang !
'' Oy mamaya ah. Sa SC office tayo mamayang lunch. '' sabi ni Mandy.
BINABASA MO ANG
Science High ( Ongoing )
Teen Fiction'' The important thing is to never stop QUESTIONING '' - Albert Einstein