Simula

9 1 1
                                    

Fey Bliss.

Ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na alam kong hindi ko makakalimutan hanggang sa pagtanda ko. Ang araw na magiging Mrs. Lune na ako.

I'm excited to be his full time wife!

Naiisip ko pa lang na magsasama kami sa iisang bahay ay naeexcite na ako. Tiningnan ko ang aking kabuuan sa salamin, napakaswerte talaga ni Morn na maasawa ako.

Hinaplos ko ang bawat kurba ng wedding gown na sinoot ko ngayon para sa kasal namin ni Morn.  Ang bawat desinyo ay kuhang kuha sa binigay kong example sa isang wedding designer. From my head down to my toe, it screams simplicity. Gusto ko kasi yung tipong 'simple but elegant'

"Hoyyy Fey! Okay ka lang ba? May time pa para magback out" Raely shouted that surprised me as hell.

Muntik na akong himatayin sa gulat. Ang nerbiyosa ko pa naman. Tiningnan ko nang masama si Raely. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina ko pa siya nilibing tsk istorbo! Ano na naman ang ginagawa nito dito?

"Sa pagbilang ko ng tatlo kapag hindi ka pa aalis sa paningin ko, tuluyan na kitang ilibing ng buhay! ISA! DALAWA!" I screamed with all my might with furious tone.

Dagli dagli siyang tumakbo sa labas habang tumatawa. Napakaganda na yung daydream ko eh, sinira lang ng isang unggoy na sa kasamaang palad naging kapatid ko pa.

Tiningnan ko saglit ang aking sarili tsaka ako lumabas para pumunta sa simbahan. Ano kaya ang itsura ng soon-to-be husband ko? Alam ko naman na pogi siya but I think mas pogi kung nakatuxedo siya at naghihintay sa akin sa aisle.

Hindi ko namalayan na nandito na kami sa simbahan. Sa simbahan na magiging saksi sa aming pag iisa. Then wedding jitters hit me like a lightning bolt, I'm scared knowing that this is not boyfriend and girlfriend stage anymore, this is now a lifetime relationship.

Nakakatakot din kasi isipin na hindi na ako gaya ng dati, yung happy-go-lucky lang at walang inisip kundi magsaya at magparty pero alam ko namang magiging masaya ang pagsasama namin ni Morn.

Kung hindi pa kumatok si Mommy sa bintana ay hindi pa ako magigising sa realidad. Ngumiti ako sakanya at lumabas sa kotse.

"Finally! My unica iha is going to be married !" Maluha luhang sambit ni mommy Laeny habang yakap yakap ako. Siya na ang itinuturing kong ina inahan mula noong iniwan niya ako. Hays nakakasira talaga siya ng mood.

"Mommy magpapakasal lang po ako. Hindi ako aalis kaya tahan na ok? Masisira ang make up mo niyan" I said to her as I hugged her tight making her laugh with my sudden reaction.

Kahit iniwan niya na ako, may isang tao pa din na nagmamahal at pinaramdam sa akin na tunay niya akong anak. I'm so blessed for having Mommy Leany in my life. I felt tears in the side of my eyes but I didn't let it drop for it will ruin my make up.

Pinakawalan ko si Mommy at hinarap ang simbahan. Ito na talaga! Walang atrasan nato! Unti unti na akong humakbang patungo sa simbahan ngunit pinigilan ako ni Mommy. Nagtataka akong humarap sa kanya.

"Bliss baby?" malungkot na wika ni Mommy. Bumaba ang aking tingin sa kamay niyang hawak ang kanyang cellphone.

Hindi ko mapigilang makabahan. May nangyari bang masama kay Jon? Umatras ba siya? Naaksidente ba siya?

"Bakit my? May nangyari ba sa kanya? Ano?"

Alam kong may mali eh, di ko lang matukoy kung ano. Humakbang si Mommy patungo sa akin at niyakap ako na para bang nagsasabing 'okay lang ang lahat, nandito lang ako para sa iyo'. Seriously, what is happening?

"He is not coming dear." sabi ni Mommy Juvy na may malungkot at pagkabigong mukha. Pagkabigo dahil sa ginawang kagaguhan ng anak niya sa akin. Unti unti siyang humakbang patungo sa akin para yakapin din ako.

Prinoseso pa ng utak ko ang apat na kataga na hindi matanggap tanggap ng aking sistema lalong lalo na aking puso na unti unting nawawasak sa paglipas ng minuto.

I can't believe he will do this to me? Am I too relieved that I didn't notice that he is not ready to marry me? Am I not enough for him to stay?

Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon ngunit nangingibaw ang sakit at pagkalito.

Then suddenly, it rains very hard. The droplets of rainwater was mixed in my tears that slowly fell in my eyes.

Di ko na alam kung anong nangyari basta ang alam ko lang gusto kong pumikit at hindi na gumising pa. I think God made my wish come true because I feel my vision become blurry until it went black.

My HearthstoneWhere stories live. Discover now