Chapter 10

26 2 2
                                    


Violet Mahleen Santiago's POV

3:02pm

Last subject na namin ngayon which is MAPEH, nagpakilala lang naman ang teacher namin at nag bigay ng requirements para daw bukas makapagsimula na kami ng tuloy tuloy. Saglit lang naman ang pagpapakilala at pagbibigay ng requirements kaya sa ngayon we can do whatever we want as long as we're inside the classroom and quiet hanggang 3:30 which is uwian namin.

May mga lumipat ng upuan para magsama sila ng mga kaibigan nila at mag kuwetuhan, may naglalaro naman ng phone, at may natutulog, kaantok kasi. Syempre wala pang balak magaral itong mga ito, kasama narin ako, kasi first day noh! Ano naman pag-aaralan namin? Welp.

Pero ako? Nakikinig lang muli sa mga kanta sa phone ko habang nagbabasa ng libro, pampagaan lang ng loob. And sana nga gumaan. Masyadong madaming nangyari ngayong araw na ito, kakastress sa totoo lang. Hays.

About dun sa babaeng nakabunggo ko? Wala sa sariling sinabing uulitin ko nalang mga papers niya, papatulan ko pa nga sana kaso nakaramdam ako ng takot without knowing exactly why pero parang ang dahilan siguro ay ang pagiisip ko mula sa panaginip. Tsk. Basta, magulo din ako minsan eh. Madalian ko pa ngang gagawin itong mga papers kasi bukas naraw deadline kaya mukhang magpupuyat ako mamaya, ang dami eh. Wala nman ako magagawa na, hay nako.

Tbh buong araw ako nawala sa mood, napansin nga nila Phia at Lily yun. They asked me why pero sinabi ko nalang that I'm fine at puyat lang yun. But I know that they know na nag sinungaling ako kaso mas pinili nilang hayaan nalang ako kasi alam rin nilang maiinis lang ako at lalo mawawala sa mood pag paulit ulit silang nagtatanong. Magiging ok din naman ako. Just give me some time and space.

Tapos isa pa, itong lalaking katabi ko naman ay kanina pa nakatingin sa akin? Ayoko mag assume pero mukhang kanina pa nga ito nakatingin sa akin. Siomai! May dumi ba sa mukha ko? Ang uncomfortable. Hindi ko naman ito katabi kaganina kaso nagkaroon ng sitting arrangement base sa surname kaya yun, I end up sitting beside him. But not exactly na magkatabi kami, parang may one seat apart space pa kami with each other. Kaso sa lahat ba naman na pede ko maging katabi itong creepy dude pa talaga?

*knock knock*

Biglang may kumatok sa lamesa ng upuan ko, yup upuan ko bakit ba? At tumingala naman ako para malaman kung sino ito. So siya yung creepy dude na kanina pa nakatingin sa akin, nakangiti pa ito na abot hanggang mata na para bang wala ng bukas. Welp, I kinda feel relief narin nang malaman kong hindi naman pala lahat ng studyante dito ay mataray, maarte at para bang may galit sa mundo atsaka... parang gustong pumatay ng tao... jusq.

But- Hm? Why does he look like- Neh, impossible.

I don't know he's name, hindi kasi ako nakikinig kaganina dahil nga sa pagkawala ko sa mood chuchu.

Itinaas ko naman ang isa kong kilay na parang sinasabing "what the hell do you want?" Yeah... Tumaray ako. Wala nga kasi ako sa mood tapos biglang susulpot itong lalaki na ito.

"Hi, I'm Lucas Cameron Salazar, Nice to meet you" I think that's what he said. I can barely hear him dahil sa lakas ng volume nitong pinapatugtog ko at naka earphone pa ako. I'm supposed to ignore him ng maalala ko sinabi niya. Takte- Lucas!? Did I hear it right!? Nandito nga siya! At ngayon nasa harapan kopa!

"Lucas!?" Mas malakas pa ata sa busina ng truck ang pagsigaw ko kaya naman napatingin ang mga kaklase ko at ang guro namin sa amin. Oof. Tumingin naman ako sa guro namin ng halata sa mukha niya na gusto akong sawayin kaso hindi pa alam mga pangalan namin, Paano ba ean? Sige na ma'am, tutulungan na kita.

"Santiago po" mahinahon kong sagot.

"Ms. Santiago! Can you please lower your voice!?" pag suway nga sa akin ni Mrs. Basilio. As expected...

Why?Where stories live. Discover now