Yumi's POV
Ako si Yumiko Saito. 22 years old. Half japanese half pinoy. At isang flight attendant sa isang kilalang airlines dito sa Pinas. Sabi nila ako ay maganda at matangkad.
Ngunit madalas akong tampulan ng tukso ng mga kasamahan ko dahil sa pagiging aloof ko sa mga lalaki.
Siguro ay dahil sa ayoko munang pumasok ulit sa isang relasyon lalo na at sobrang sakit ng first love ko na si Gelo.At speaking of tampulan ng tukso ako ay ito nga nandito kami sa cafeteria at nangunguna pa ang bestfriend ko na si Marly sa panunukso sakin.
"Yumi ano na lagi ka nalang tahimik diyan. Nakita mo napag-iiwanan ka na namin sa lovelife." ani Marly.
"Bakit mo naman kasi binasted si George ke gwapo na ng isang yun." sabi ni Len.
"Ayoko lang na paasahin siya talaga kasi ang hirap naman na lokohin ko itong nararamdaman ko." sagot ko sa kanila.
Pero ang bruha kong bestfriend habang nagsasalita ko ay parang walang nadinig at kilig na kilig na nakatingin sa kanyang phone.
Inusisa ko si Marly kung anong kanyang ginagawa at bigla akong nagulat na may kausap pala siyang lalaki kaya todo ngiti ang bruha. Hahaha
Nakitingin na din si Len at iba pa naming kasamahan.
At itong si Marly ay biglang tumili. Nakakahiya talaga 'tong bestfriend ko e.
"Oy besty ano namang tinitili mo diyan?"
"Inaya ako ni Mark na makipagmeet. Yiiieee. Ang gwapo gwapo niya at mukhang mabango." sagot niya at kilig na kilig pa din.
"Sigurado ka ba na matino yan? At baka iiyak iyak ka ulit." sabi ko.
"Ay oo naman best tignan mo kapogi nito. Sabi ko sa'yo mag-install ka nadin nito at ng makahanap ka na ng labidabs mo."
Napairap nalang ako kay Marly dahil matagal na nya kong kinukulit na magboyfriend.
Hindi ko namalayan na nakuha na pala nya yung phone ko at may nilalagay na kung ano.
BINABASA MO ANG
When Ms. FA meets Mr. Varsity
ChickLitSi Yumi ay isang maganda, matangkad at matalinong babae. Siya ay isang flight attendant. Ngunit mailap sa mga kalalakihan. Madalas tuksuhin ng kanyang mga katrabaho na siya ay napag-iiwanan. Ngunit ito ay balewala lang sa kanya. Si Ram naman isang v...