CHAPTER 3

138 4 2
                                    

Brion's POV

Sabado ngayon kaya nakahiga parin ako sa kama kahit anong oras na. Nabobored na naman ako, matawagan nga nalang yung mga barkada ko.

Pagkatapos ng dalawang ring ng cellphone ay sinagot naman kaagad ni Nath yung tawag.

"Oh pare napatawag ka ata." Nathan

"Pumunta kayo dito sa bahay."

"Bakit naman?" Nathan

"Wag ka nang magtanong, mamaya ko nalang sasabihin kung bakit. Dalian niyo dahil nabobored na ko dito."

"Hahaha oo na, sasabihan ko nalang yung dalawa." Nathan

"Sige."

Pagkatapos kong tawagan si Nath ay naligo na ko atsaka kumain ng agahan  nagugutom na ko eh.

**Dingdong!!!**

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakita kong papasok na dito si Nathan kasama sina Hunter at Tyler.

"Wassup bro." Tyler

"Samahan niyo ko."

"Saan naman tayo pupunta?" Nathan

"Kahit saan, nabobored na ko dito wala akong magawa."

"Hahaha sige tara na." Hunter

Pagkatapos ng usapan ay napagpasyahan namin na sa mall nalang gumala.

@Mall

Habang naglilibot kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Well normal na naman sa amin yon, sa gwapo naming ito sino namang babae ang hindi magkakandarapa? kami lang naman ang definition ng salitang "perfect".

"Guys punta tayo sa arcade." Tyler

"Sige sige, magbasketball tayo ang may pinakamababang score may consequence. Ano game?" Nathan

"Geh sali ako dyan." Hunter

"Ikaw Brion sasali ka?" Tyler

"Syempre naman."

Pagkatapos naming mag-usap ay dumiretso na kami sa arcade para umpisahan na ang laro.

"Whoooooo let the game begin!!!".

Pagkasabi ko non ay nagumpisa na kaming mag shoot ng bola. Habang patagal ng patagal ang laro namin ay mas dumarami naman ang nanonood hanggang sa ang iba ay nagchicheer na.

Ngayon naman ay mas grabe na ang pagpapakitang gilas namin at kahit mahahalatang pagod na ay wala paring nagpapatalo, syempre walang may gustong gawin ang consequence eh.

"Clyndelle hintayin mo nga ako, ang bilis mong maglakad!"

"Hindi ako mabilis, mabagal ka lang talaga."

Wait, is she here??! Hindi ako pwedeng magkamali. Nang dahil sa curiosity ko ay bigla nalang akong napalingon at hinanap ng paningin ko kung nasaan yung may-ari nang boses at tama nga ako nandito nga siya, kasama niya ang kaibigan niya.

"Pare."

"Brion."

"Tyrone Brion Monteverde!"

"Hoyyy!!"

"Ha???"

"Pare kanina pa tapos ang laro, nagmumukha ka nang tanga kakashoot ng bola dyan pffftt hahaha." Hunter

"Oh shit!, ba't di niyo kaagad sinabi?"

"Kanina ka pa kaya namin tinatawag."
Tyler

"Binanggit ko na nga buong pangalan mo pero hindi mo parin narinig." Nathan

The Day I LOVED YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon