CHAPTER 6

6 0 0
                                    

Clyndelle's POV

A week had passed simula nung nagkasakit ako. As usual wala na kaming pasok dahil puro practice nalang para sa gaganaping sportsfest kaya halos lahat sa mga kaklase namin ay pachill chill nalang habang ako naman heto at nagpapractice para sa Mr. & Ms. Sportsfest. *pout*

Nakakainis naman kasi si Brion eh! Kung gusto niya sumali dapat siya nalang kase pwede naman siyang pumili ng makakapartner niya anytime, di na nga niya kailangang maghanap eh kasi for sure may mag aapply naman bilang partner niya. Hayysstt dinamay pa ko bwiset!!

"Lalim nang iniisip natin ah?? Kasinglalim na ba yan ng dagat?"

"Pake mo?"

The teasing monster is back...-_- Aargghhh!!!

"Iniisip mo ko noh?" *wink*

"Ang hangin mo ah, dinaig mo pa ang bagyo sa sobrang kahanginan mo.... Hindi mo naman yan ikinagwapo."

"Hindi ko naman talaga yun ikinagwapo kasi gwapo na ko since birth." *smirk*

Pwe! Saan banda??!!! Pakihanap nga ng pake ko sa kanya... nawawala eh.

"Nababaliw ka na naman...Tara sa mental ihahatid na kita dun para naman maagapan kaagad yang sakit mo baka kase lumala pa."

"Baliw na ako matagal na........ "

"Edi inamin m---."

"Teka naman.. di pa nga tapos yung sinasabi ko eh."

"Bahala ka na nga sa buhay mo."

Akma na sana akong aalis nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at higitin palapit sa kanya. He let out a deep breath then he look directly at my eyes.

"Oo...baliw na ako matagal na, simula nung unang nakilala kita."

He said those words saka yumuko at napakamot sa batok niya. Nahihiya ba siya??
Eh??? Teka ma-- may saki ba ako sa puso??? Ba't ang bilis ng tibok nito ngayon? Dinaig Pa ang kabayo sa sobrang bilis my ghadd..

"Ta-- tara na... Mag-uumpisa na yung practice."

I just said those words para naman makaalis na ako sa harap niya. Baka maging pipi pa ako sa sobrang pagka awkward na nararamdaman ko. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kase ang tanging naririnig ko lang ay yung malakas na pagtibok ng puso ko.... Huhu may sakit na ata ako sa puso eh.

Few minutes later ay nakita ko na siyang papalapit sa direksiyon ko. Nang makalapit siya ay umupo siya sa tabi ko ngunit walang imik. Parang may katabi nga akong statue dito eh -_-

"Okay guys... Let's continue our practice!" Hayyy heto na naman ang practice na toh... Kasi naman eh!!

Our practice began kaya nag-umpisa nang rumampa ang mga naunang contestants since number 5 naman kami out of 10 contestants. Rumarampa kami by partners at  kaming mga babae ay nakasuot na nang high heels at hindi lang basta heels kundi wedges yung klase na ginagamit sa mga pageant na pang international na.

It's my first time to wear these saka antaas pa nang takong nito huhuhu kinakabahan ako baka di ako makapaglakad nang maayos nito mamaya. Nagsusuot din naman ako ng mga heels ma mataas pero kapag may occasions lang at hindi kasing taas nitong suot ko ngayon.

"Next partner!"

Pagkasabi ng trainor namin ay nag-umpisa na akong maglakad papunta sa gitna bale doon kami magkikita ni Brion sa gitna kasi sa kabila silang mga boys tapos sabay na kaming naglakad papunta sa harap.

Habang naglalakad ako ay kinakabahan na ako dahil feeling ko anytime baka matumba ako.

Nang malapit na kami sa harap bigla nalang akong na out balance. Waahhhh!!!!  Hellpppp!!!!! Dahil sa sobrang takot ko ay hinayaan ko nalang matumba yung sarili ko...a few seconds had passed pero imbis na maramdaman ko yung pagbagsak nang katawan ko sa sahig ay biglang may sumalo sa akin. Oo alam kong natumba ako pero di ako bumagsak sa sahig... ang tanging naramdaman ko lang ay may nakayakap sa akin.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.....then I saw Brion infront of me.

Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala.
He care about me. Parati niya nalang akong nililigtas.

"Are you okay??"

Tumango nalang ako bilang sagot. I can't even say a word dahil hanggang ngayon ay nanginginig padin yung katawan ko sa takot.

"Don't worry....Hindi kita hahayaang mahulog na walang sumasalo sayo. I will always catch you no matter what.. kahit masaktan mo pa ako."

After he said those words ay niyakap niya ulit ako ng mahigpit. I can feel how sincere he is pero di pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Di ko alam kung mahal ko na din ba siya o nabibigla lang ako dahil sa mga ginagawa niya. Ayokong magdesisyon kaagad dahil ayaw ko siyang paasahin. I'll only hurt him kung gagawin ko yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Day I LOVED YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon