Sino ba siya?!

63 0 0
                                    

Ako si Rosario Mariano Soriano, 'Sari' sa mga kaibigan ko, ayoko talaga sa pangalan ko pagbinabasa ng buo..parang paulit ulit lang kasi yung mga tunog.. Second  year highschool, sakto lang..di maganda, di naman panget..maputi, kulot at medyo maliit..di mataba at di din payat..marunong pero di naman sobra..sakto nga lang! sakto! pero ang best assets ko ay ang marami kong dimples, meron sa pisngi, sa may bandang cheek bone, sa gilid ng lips na pinakacute sa lahat at pansin na pansin kahit nagsasalita lang ako..isa pang asset ko ay ang manipis kong labi..kaya pagngumiti ako kita ang mga dimples ko at naeemphasize ang lips ko.. sabi ng marami, pamatay daw yon at cute daw ako pagnakasmile.. well! at least cute din pala ako kahit di kagandahan..

May mga crushes pero wala namang masyadong seryoso..paiba iba madalas pa nga babae ang crush ko.. madalas tuksuhin sa kung sino sino pano game naman ako.. natutunan ko na kapag tinukso ka at nag-inarte ka di ka na titigilan kaya di nalang ako umaarte..

naintriga lang ako dito sa crush ng kaklase ko sa ibang section..kilig na kilig sya lagi..kainis! lagi kong naririnig ang pangalan nya..

"sino bang Carlito Gomez yan? pangalan palang ang baho na!" sabi ko kay Rhea bestfriend kong kaklase nya..

"matalino kaya si Lito, Sari..saka mabait talaga..kung di lang madaming karibal don bka pati ako sya na din ang isusulat na crush sa mga autograph book." sagot sakin ni Rhea.

'halata namang may crush ka din..bruhang friend ko pinagtatanggol ang isang guy. This is so new, dati rati pareho kami ng gusto..nilalait ang mga mayayabang at feelingerong lalaki sa campus. Ngayon, eto sya at nag-aabogado sa lalaking 'to? errrrr....

"Ah..matalino at mabait? Siguro walang face value kaya di mo nabanggit kung cute or gwapo..knowing you alam kong kung cute yon e nagtitili ka na dyan!"

"Simple lang kasi sya Sari, di mo nga mapapansin halos unless magstart na ang klase at masagot nya na ang mahihirap na linear equation problems sa Math o kaya e matulungan ka nya during group activities sa Science at TLE. Matalino at mabait...at pagnatitigan, cute din naman sya."

"naku ewan ha..baka style nya lang yan para makakuha ng madaming babae" inis na sabi ko

"bakit ka ba naiinis? ni hindi mo pa nga nakikita yung tao…masyado ka namang judgmental dyan! Pangalan lang may assessment ka na agad?"

"basta! pangalan pa lang di ko na kailangang makita! wag na nga natin sya pag-usapan nakakasira ng mood ganitong may problema pa naman ako!"

"at ikaw pa nagsabi nyan, ikaw tong nag-umpisa..at anong problema yan? Di mo ata naishare?"

"I  will tell you later, pagwalang ibang tao, baka may makarinig e."

"o sya! una na ko at tapos na ang recess. bye sis!"

"ok.. bye sis!"

Paalam ko at naghiwalay na kami paglabas ng canteen.

'bakit nga ba ako naiinis sa kanya? at oo nga! ni di ko pa sya nakikita..ano ba yan?

Bumalik na ko sa room and as usual, nakita ko nanaman si Anne na parang maiihi na sa kilig..

"grabe, nag-hi din sakin si Lito.." kilig na sabi ni Anne

"narinig mo ba yung sabi nung classmates niya Anne? never pa daw nagka-gf si Lito at parang wala naman daw siyang crush na girl" sabi naman ni Nica

"baka kasi guy ang crush niya.." bulong ko

"anong sabi mo Sari?" mabilis na tanong ni Anne

"ahh,.ee..wala naman,. baket?" sagot ko

"para kasing may narinig ako.,by the way, diba best friend mo si Rhea? baka pwedeng pakiusapan mo naman siya para pasagutan tong autograph book ko kay Lito?"

Ako at Siya at Sila ~ Autograph BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon