BYT: 1 of 2

13 0 0
                                    

"Kill natin mid." sabi ko sa teammates ko. Naglalaro kasi kami ng DotA.

"Uy, Marc, sinusundo ka na ni Commander!" sabi ng bantay sa computer shop.

Nagtawanan yung ibang naglalaro.

Lumingon ako sa pinto. Andyan na nga si Alyn, girlfriend ko.

Lumapit sya sakin. "Ang aga aga, nandito ka na naman sa compshop?"

"Lagot ka! Hahaha!" panggagatong ng isa kong kalaro.

"Tara na, Marc."

"Oh, Chris, ikaw na lang pumalit sakin." sabi ko sa tambay na nanonood habang naglalaro ako.

Tumayo ako, tsaka ko inakbayan si Alyn. Lumabas kami ng computer shop.

Paglabas pa lang namin, inalis nya yung braso ko sa kanya.

"Oh, anong problema?" tanong ko habang nakangiti.

Nagsimula nang tumulo ang luha sa mga mata nya. "Wala! Walang problema. *smirk* Nga naman, maalalahaning girlfriend lang naman ako eh. Hindi naman ako kasing halaga ng DotA eh!"

Lagi kaming ganito ng girlfriend ko. Lagi nya akong iniiyakan sa tuwing sinusundo nya ako sa computer shop.

"Haha, alam mo, ang cute mo habang umiiyak."

"Ano ka ba, Marc!? Hindi ako nakikipagbiruan!" sabi nya habang mahinang hinahampas ang dibdib ko.

"Hindi ako nagbibiro! Ang cute mo talaga. Promise." nakangiting sabi ko.

"Bakit ba ayaw mong makinig sakin? Wala ka nang oras para sakin eh! Laging ako na lang ang umaalala sayo, pero ako, hindi mo na napapansin."

"Ganun ba? Sorry na." Niyakap ko sya. Nararamdaman ko ang mainit na aura nya at ang bilis ng kabog ng dibdib nya.

Tsaka na sya tuluyang umiyak. "Tigilan mo na kasi yan, Marc!"

"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mabigyan kta ng atensyon. Okay ba yun?"

Niyakap nya na rin ako. "Yun lang naman ang hinihingi ko, eh. Attention."

"O sige." Hinalikan ko sya, tsaka ako bumulong, "Alam mo, Alyn, mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita, Marc." sabi nya.

Pinunasan ko yung luha nya.

"Tara na, umuwi na tayo." sabi ko, tsaka umakbay ulit sa kanya.

At tumawid na kami. Dun lang naman sa tapat ng computer shop yung boarding house namin, eh.

Nung tanghali, habang nagluluto sya ng tanghalian namin, ginagawa ko naman yung homework nya.

"Marc, sa Linggo, 36th monthsary na natin."

"Hindi. 3rd anniv.. Ay, tama pala yung sabi mo. Haha."

"Anong plano mo? Saan mo ko dadalhin?"

"Secret! Pero nabili ko na."

"Nabili mo na? So bagay yan?"

"Yep."

"Ano nga?"

"Bahala ka, hindi ko na ibibigay sayo yun pag nangulit ka pa."

"Haha, o sige, hindi na ko mangungulit. Anyway, luto na yung ulam. Kain na tayo."

"Sige, patapos na rin naman tong homework mo eh."

Biyernes ng gabi, nagpaalam sakin si Alyn. Maliligo daw muna sya. Medyo mainit at may pagka-humid kasi yung panahon, kaya medyo nakakairita at nakakapawis.

Nag-text sakin yung tropa ko.

From: Stin

>>Marc, may ka-pustahan tayo. Bilis, medyo malaki yung pusta! Sure win to boy!

Nang marinig ko yung mga salitang, 'malaki yung pusta' at, 'sure win', napaisip ako. Mukhang malaki-laki ang kikitain ko ngayong gabi. Pero nagdalawang-isip ako.

BIG YELLOW TAXI (Intermediary One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon