BYT: 2 of 2

16 0 0
                                    

Ayoko na rin kasing nagagalit si Alyn sakin. Sa totoo lang, na-appreciate ko yung mga efforts nya sakin para mahinto ko lang yung pagdodota ko eh. Pinasali nya ko sa SCSD (Supreme Council for Student Self-development), yung party namin sa school, para ma-minimize ko ang paglalaro at ma-maximize naman ang school works. Kaso lang, natalo ako, eh. Kaya eto ako ngayon, balik sa bisyo ko. Ang paglalaro ng DotA.

Nagri-ring yung phone ko. Kasama ko sa laro.

"Ano ba yan, bro! Kanina ka pa inaantay! Tatawid ka na nga lang, hindi mo pa magawa?"

"Eto na, papunta na." sabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi yun, pero nakita ko na lang ang sarili ko na tumatawid ng kalsada papunta sa compshop kung saan kami makikipagpustahan.

"Hindi bale, matutuwa naman si Alyn kapag nanalo kami, eh." paulit-ulit kong binabanggit sa sarili ko para hindi ko isipin ang katotohanang tinakasan ko lang sya.

Nag-iwan ako ng note.

"Alyn, dito lang ako sa compshop, ha? May kapustahan kasi. Mabilis lang namin to tatapusin, kaya wag ka nang pumunta dito. Uuwi na rin ako in one hour. Love you!" sabi ko sa sulat.

Sure win nga to. Pinupugo lang namin yung hitter nila. Walang kwenta, hindi pa sila nagkakaisa sa clash.

Sa gitna ng laro, may narinig kaming malakas na busina sa labas. Sa sobrang lakas, napatingin lahat, kahit mga gamers.

"Pause game muna, mga bro!" sabi ng isa sa kanila.

Sinilip namin sa labas kung anong nangyari. Nagtatawanan pa nga kami, eh. "Wala yan, nahirapan lang huminto yan!" sabi ko pa.

Pero nagbago lahat ng yon nang may makita akong nakahandusay na katawan sa kalsada. Si Alyn. Duguan. Walang malay.

Mabilis ko syang nilapitan, tsaka ko dinama yung tibok ng puso nya.

"Alyn.. Alyn! Gising!" naiiyak nang sabi ko. Hindi kasi tumitibok yung puso nya. Wala rin akong maramdamang pulso.

Tinulungan na rin ako ng barkada ko sa pagtawag ng ambulansya. Ako naman, kahit natatakot sa mga maaaring mangyari, tumawag pa rin sa mama nya.

~

"Pumanaw na po si Alyn Felicia. Ginawa po namin ang lahat, pero matindi po ang pagkakatama nya dun sa van, na cause ng death nya. Sorry po." sabi ng doctor.

Nanginig bigla yung kalamnan ko. Is she really.. dead?

"Wala kang kwentang boyfriend! Kasalanan mo ang lahat ng ito, Marc!" sabi ng mama nya. Nasa ospital na kami. Sinasalo ko ang lahat ng hampas sakin ng ni tita habang naiiyak din ako.

"Hindi ko naman po ginusto, eh."

"Ayoko na kitang makita. Umalis ka na dito! At sinisiguro ko, na hindi ka makakapunta sa burol at libing ng anak ko!"

Paupo akong itinapon sa labas ng ospital kahit anong pilit ko, hindi na talaga ako pinapayagang makapasok.

Bumalik ako sa lugar. Maraming tao. May media at may mga pulis. Meron ding mga usisero.

Nakita ko yung note na sinulat ko. Nasa kalsada. May dugo. Kukunin ko yun.

"Ahh.. Sir, bawal po pumasok sa loob ng police line."

"Kukunin ko lang yung--"

"Sir, bawal.."

"TANGINA SABING KUKUNIN KO LANG YUNG PAPEL, EH!"

Pabalik ako sa boarding house, hawak yung note. Nakita ko rin yung kalendaryo, na naka-circle yung February 29, third anniversary namin.

Sorry, Alyn. Kung pwede sana, ako na lang. Kasalanan ko tong lahat, eh.

Pero bago ang lahat, Alyn, gusto kong malaman mo, mahal na mahal kita. Sorry, at paalam.

-

External link back to CGWEAC.! :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BIG YELLOW TAXI (Intermediary One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon