Part 11

2.4K 55 7
                                    

"'DAY, maglalaro ang SR GLADIATORS, naaalala mo ba si number 21?" tanong ni Felicity kay Blessie. Dumaan na ang ilang buwan matapos ang hindi malilimutang field trip of the year, ngayon nga ay naghahanda na naman ang lahat para sa darating na fiesta ng Niceville.

"Maglalaro uli siya? Paano mo nalaman?"

"Sa sources ko, nood tayo, a? Tapos mag-cheer ka uli," anang babae na tumawa.

"Ayoko, baka masermunan uli ako ni Seb."

"Ikaw naman kasi, wala namang nag-demand na mag-bold ka noon, e. Cheer-cheer lang, pa-cute ba. Backup mo 'ko." Ang anyo ni Felicity ay iyong nakaisip ng magandang kalokohan.

"Backup din kita 'pag nagalit si Manong Seb, a?"

"Oo naman. What are friends for?" usal nito na nakipag-high five sa kanya.

Pangalawang araw ng liga, halos namalat na naman ang lalamunan ni Blessie sa kaka-cheer kasama sina Felicity at Shiela. Pero worth it naman kasi panalo ang team nila kahit na habulan ang laban. Kahit ginanahan siyang magsisisigaw sa court ay iniwasan niya ang magpasaway, ayaw niyang tamaan na naman ng mala-shuriken na titig ng kuya niyang hilaw. Ayaw niyang maging dahilan ng pagkakaroon nito ng maagang alta-presyon.

Nakaramdam ng matinding pagtuyo ng lalamunan si Blessie kaya niyaya niya ang dalawang kaibigan na bumili ng maiinom. Lingid sa kaalaman ni Blessie ang pagtayo ni Benitez mula sa kinauupuan nitong bench nang makita silang umalis sa court.

Kinalabit niya muna si Tony Boy, ang pinsan ni Seb, bago tuluyang lumabas.

"Pakisabi kay Seb, sa tindahan lang kami sa labas, ha, bibili lang ng tubig." Tumango lang ito, abala ang Wild Doves sa sulok ng court. Nakipag-meeting ang sports committee sa barangay para sa championship game nila, kaya for sure, maya-maya pa ang uwi nila.

"Manong Boy, pabili po ng pop," saad ni Felicity sa tinder.

"Felicity, tigilan mo nga ang katatawag sa akin ng manong, sumasakit ang kasu-kasuan ko sa 'yo."

"Bakit? Ilang taon ka na ba?" tanong ng babae.

"Gawin mo ng tatlong pop, Fel," sabat ni Shiela na dumukot ng pera sa bulsa.

"Twenty-three pa lang ako," sagot ni Boy na dumukwang sa counter ng tindahan.

"Twenty-three? Ang tanda na n'on. Ilang birthday na lang lalagpas ka na sa kalendaryo. Sabi mo nga sumasakit ang kasu-kasuan mo. Tatlong pop daw para I love you." Napapailing na lamang ang lalaki sa pangangatwiran ni Felicity, tumalikod ito at kumuha ng softdrinks sa ref.

"Hi!" Napalingon silang tatlo sa binatang kadarating lang sa tindahan.

"Ay, si number 21!" bulalas ni Felicity. Nakangiting nakatingin ang lalaki kay Blessie kaya pasimpleng umiwas sila ni Shiela at umupo sa katapat na upuan ng tindahan.

"Hello!" ganti ni Blessie.

"Aaron nga pala." Inilahad nito ang kamay sa harap ng dalaga.

"Blessie."

"Blesilda?" pabirong tanong ni Aaron na ikinahagikhik ng dalawang demonyita sa gilid.

"Hindi, Blessie lang, modern talaga," aniya. Kung hindi niya lang kaharap si Aaron, nakurot na niya ang dalawang iyon. "Mga friend ko, sina Felicidad at Shieleleng."

"Hoy!" sita ni Felicity kay Blessie. "Abusado 'to. I'm Felicity," ngiting pagpapakilala ng dalaga kay Aaron.

"And I'm Shiela. Ginawa mo naman akong loka-loka."

"Hello! Nice to meet you," anang binata na natawa sa bangayan nila.

'Ang cute pala ng ngiti ni Aaron. May dimple!' puna ni Blessie.

"Buti na lang talaga nag-decide akong maglaro ng game ngayon, nakita kita," hirit agad ni Aaron na niyaya siyang maupo sa kahoy na upuan sa tapat ng dalawa niyang kaibigan.

"Bakit? Hindi ka ba dapat maglalaro ngayon?" tanong ni Blessie.

"Oo, may lalakarin sana kami ng family ko, hindi ako sumama. Ngayon alam ko na kung bakit mas pinili kong maglaro."

Kinilig siya sa pilyong pasaring ni Aaron. Kahit alam niyang binobola siya ng lalaki, chos lang kasi effective naman iyon sa kanya. Napakagat siya ng pang-ibabang labi at inipit ang hibla ng buhok sa likod ng tainga.

"Baka nga pala may magalit na nakipag-usap ako sa 'yo," anang lalaki.

"A, wala," iling niya. 'Magagalit ba si Seb? Hindi naman siguro.'

"Sigurado ka?"

"Ah-huh," tango niya.

Behave ang aura ng dalawa niyang chaperone pero alam niyang nanlalaki ang mga tsismosa nitong tainga sa pakikinig ng usapan nila ni Aaron.

Aliw na aliw siyang nakikipagkuwentuhan kay Aaron. Magaan ang loob niya sa binata, joker din minsan. Nagpakawala ito ng punch line kaya medyo natawa siya, sinabayan pa ng malanding hampas sa balikat nito. Da moves niya iyon, bakit ba?

Naputol ang masaya nilang kuwentuhan nang lumitaw si Seb sa harap.

"Bising, tara na. Nag-text na si Tito." Tiningnan niya ito nang masama pero ngumisi lang ito.

'Pahamak talaga ang Seb na 'to! Bakit kailangang banggitin pa ang pangalang 'yon?'

Kahit nangangati siyang sipain ang bagong dating ay ipinakilala pa rin niya ito kay Aaron.

"Ahm . . . Aaron, si Seb nga pala. Seb, si Aaron."

Nagtanguan lang ang dalawa.

"Nag-text na ang daddy mo, gabi na daw masyado, baka siponin ka," si Seb.

"Five minutes." Natutuwa pa siya kay Aaron, ang dami kasing hugot line nito, bentang-benta sa kanya. Huwag nang banggitin pa na cute rin talaga ang guy. Maputi, clean-cut ang buhok, at medyo matangkad din, boy next door ang peg. Hinihintay rin niyang hingin nito ang number niya. Bet niya ang guy kaya iga-grab na niya.

"Sige, five minutes," anito at tumalikod.

After five minutes, walang anino ni Seb ang nagbalik pero si Tony Boy ang lumapit sa kanya.

"Bless, nag-text si Daddy mo. Gabi na daw, ang ubo mo daw." Tiningnan niya ito nang pailalim pati sina Felicity na tatawa-tawa sa harap.

Humirit na lang uli siya ng five minutes kay Tony Boy. Nag-"okay" naman ito bago tumalikod at bumalik sa court. May libreng disco sa loob kaya sigurado siyang hindi maiinip ang mga iyon.

After five minutes, si Carlos naman ang lumapit.

"Bless, kanina pa nag-text si Tito, uwi ka na daw. Ang hika mo daw, baka sumpungin ka."

'Aba't sumosobra na ang mga 'to!' "Hoy! Wala akong sipon. Wala akong hika! Bakit n'yo ba ako binibigyan ng sakit?! Asar talaga 'tong si Seb!"

Panay ang tawa ng dalawang demonyita sa gilid.

"Tara na kasi, Bless. Mamaya niyan, after five minutes, may TB ka na," kantyaw ni Felicity.

Amused naman si Aaron nang tingnan niya.

"Ang cute ng mga kapitbahay mo, lahat sila may contact sa daddy mo?" biro nito at inalalayan na siyang tumayo.

"Pasensiya ka na, a? Kailangan ko nang umuwi, medyo late na rin talaga e."

"Walang problema. Masaya na ako na nakausap ka kahit sandali lang." Nag-blush ang tainga ni Blessie sa sinabi ng binata. "Puwede bang . . . mahingi ang number mo?"

"A, oo. Sige."

They exchanged numbers kaya kahit sumisilip ang litid niya sa asar sa mga kapitbahay ay nakapagkit pa rin ang ngiti niya.

Pinagkukukurot ni Blessie ang tagiliran ni Seb nang maabutan niya ito sa kanto. Panay naman ang tawa ng lalaki habang umiiiwas.

"Crush mo ba 'yon?" anito na hinuli ang braso niya at umakbay.

"Ewan ko sa 'yo!" himutok kuno niya. 'Mas crush kita.'

COMPLETED Once Upon A NeighbourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon