[I LOVE THE SOUND OF RAINDROPS]
Ako nga pala si Innah Torres. Simple lang, di kagandahan. Pero sabi ng iba kapag sinusuri ako ng tingin maganda din ako. ^_____^
ohlalala.. Sabi nila un huh! Di ako.. hehe..
Siguro ang best asset ko sa sarili ko mata!
MATA??? Hehe..
Chinita kasi.. kaya para sa akin un ang best asset ko.. sabi din nila eh.. ^__^
WALA AKONG IDEA ABOUT "FALLING INLOVE"
ohwws.... wala nga ba??? ^___^
Okay! sabihin na nating meron...
Pero dahil lang yun sa mga palabas sa t.v...
Sa mga taong kinukwento sayo ung pakiramdam kapag nakakasama o nakikita ung taong mahal nila.
Sa mga kwento na nababasa sa libro, sa WATTPAD, (oh sumi'segway, haha) at sa mga fairytale books.. (sana lahat ng love story katulad ng fairytales)
Pero kung ako mismo ang tatanungin niyo..
______________________________________
yan ang sagot ko!
blanko.. -.-
Hindi ko pa naman kasi talaga nararanasan ung ganung klase ng pakiramdam.
Ung tipong parang solb ka na daw makita lang ang taong mahal mo.
Ung tipong marinig lang ung boses niya gagaan na ang pakiramdam mo... At ung tipong maiisip mo pa lang siya eh napapangite kana daw ng ganito (^______^) ng di mo namamalayan.
Parang baliw naman ata un? haha.. :D
Sabi nga nila, kapag nai'inlove ang isang tao, nawawala ito sarili niya..
(katakot naman pala mainlove kung ganun, haha :D)
Kasi mas nagiging prioridad na nila ang kanilang minamahal kesa sa sarili nila, na minsan eh umaabot pa kung saan nalilimot na nilang magtira ng pagmamahal para sa sarili nila.
Sinabi ko sa sarili ko....
kapag ako nagmahal,...
hindi ubos-ubos biyaya
magtitira AKO para sa sarili ko!
Hangang may dumating sa buhay ko....
oh ano iniisip niyo? na minahal ko siya ng SOBRA?
hindi ah... ^____________^
kayo talaga....
HINDI KAYO NAGKAKAMALI!! haha..
Nabusog ako!!
Kasi kinain ko lahat ng sinabi ko.. :(
Dumating din sa point na gusto ko na siyang kalimutan, pero ba't ganun?
Lahat na lang ng bagay naaalalako siya..
haay.. buhay... parang life...
Eto ang aking nakakawindang na kwento... ^____^
DATE STARTED OCTOBER 1,2012 ♥