Chapter 9 - Into The New World

468 9 0
                                    

Sooyoung's POV

  What's up people?! It's a new beautiful day.

Dismissal na kaya nandito na kami ngayon sa Old Music Room kasi diba dito meeting place namin ng Girls Generation, and today we have a meeting with the group, pag-uusapan lang namin yung sinabi sa amin kahapon ni Miss Marian.

*FLASHBACK*

Nandito kami ngayon sa Old Music Room kasi diba sinabihan ni Miss Marian ang Exo na sabihin daw sa amin na may meeting kami ngayon, hindi kasi kami nakita kanina ni Miss Marian kaya ang Exo na lang sinabihan niya. Kaya ngayon nasa Old Music Room na kami.

"Ano pong sasabihin niyo sa amin Miss Marian?" -Taeyeon

"I want to tell you that may performance daw sa lahat ng groups on June 28." -Miss Marian

"Really? Birthday ko po yon eh :)." nakangiting sabi ni Seohyun, excited na siguro sa birthday niya.

"Oh really? What a coincidence!" nakangiting sabi ni Miss Marian. Ngumiti din kaming lahat pero except kay Yuri at Jessica ewan ko ba kung bakit sila ganyan sa amin, ang alam ko kasi ang may kasalanan lang sa kanila ay si Tiffany at Sunny dahil dun sa past nila at sila Taeyeon at Hyoyeon dahil naman dun sa nabangga sila ng kambal dati, pero parang ayaw din nila sa amin ni Yoona at Seohyun eh. Pero dapat kalimutan na nila yung mga nangyari sa kanila dati kasi past is past pero I can't blame her kasi baka nasaktan nga siguro sila dahil sa ginawa nila Tiffany at Sunny dati.

"Para saan po ba yung performance?" -Tiffany

"Kasi marami kasing new groups and you're one of them. Kaya naisipan ng Principal na mag perform lahat ng groups kasi gusto nila makita ang lahat ng groups, kasali na din yung dati pang groups." -Miss Marian. Ahh kaya pala.

"Oh I see." -Tiffany. Tumango-tango naman si Tiffany.

"So matagal tagal pa naman yun kaya you still have more time to practice." -Miss Marian

"Uhm Miss Marian what song are we gonna use?" -Yuri

"You need to make your own song and gagawa din kayo ng dance steps ng song na nagawa ninyo." -Miss Marian. So I think magiging busy kami for the coming days.

"So first gumawa muna kayo ng kanta and pag nakagawa na kayo ng kanta, ipakita ninyo sa akin ang song na nagawa niyo para kung hindi ko na gustuhan I can help you, pero pag nagustuhan ko gumawa na kaagad kayo ng dance steps at pag nagawa niyo na yun ipapakita ninyo sa akin ang nabuo niyo at titignan ko kung may hindi ako nagustuhan sa dance steps na ginawa ninyo, para kung hindi ko nagustuhan tutulungan ko kayo." -Miss Marian

"What kind of song are we gonna make?" -Sunny

"Kayo na ang bahala basta yung maganda at hindi boring." -Miss Marian. Tumango naman kaming lahat.

"Saan po kami mag pa-practice kung nakabuo na kami ng kanta?" -Tiffany

"Duhh! Tinatanong pa ba yan, edi dito sa Music Room, diba dito meeting place natin." -Jessica. May pagka-maldita nga talaga tong si Jessica inirapan niya pa si Tiffany, napayuko tuloy si Tiffany.

"Yes, dito kayo mag-papractice pero kung gusto niyo sa mga bahay niyo that's totally fine pero make sure na mag-papaalam kayo sa mga parents ninyo." -Miss Marian

When They Met (EXOSHIDAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon