Chapter Eight: Second Heartache

105 1 2
                                    

Chapter Eight:

Charles' POV

Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magtatapat na ako sa kaisa-isang babaeng nagpatibok ng puso ko..Mula ng dumating siya dito sa Pilipinas sumaya ulit ako.. MAsyado ko siyang namiss...Namiss ko ang pagiging masayahin niya, ang pag aalaga niya sakin, ang pangungulit niya, ang presensya niya, basta namiss ko siya....Halos dalawang taon rin siyang nawala dito..Di ko alam ang tunay na dahilan pero sabi niya desisyon ng family niya... Nung mga time na yun sobrang lungkot ko....Kaya nga tuwang tuwa ako ng nabalitaan kung uuwi siya..

Dati hindi ko alam ang tunay na ugnayan namin sa isa't isa pero ngayon...Handa na ako na magtapat sa kanya. Handa na ako na patunayan ang sarili ko kung gaano ko siya kamahal...Gagawin ko lang ang lahat mapasaya ko lang siya...Di ko kaya na mawala siya sa buhay ko kaya eto ako ngayon magtatapat sa kanya......

Sa Heaven Resort ko,  napiling isagawa ang plano ko nasa Laguna ito...May sentimental value kasi ang lugar na ito.. Dito kasi sila nagkakilala ni mama at papa..Kaya yun ,...Pero di naman ako nagsisisi na piliin ito kasi napakaganda ng lugar.. bagay sa Babaeng minamahal ko....Pinaalam ko kay Laurence yung plano ko para matulungan niya ako., di kasi ako sanay gawin ang mga ganito eh.. Sa totoo lang First time ko tong gagawin...Sinama ni Laurence yung girlfriend niya, si Rica... Speaking of Rica minsan napapansin ko parang nakatitig siya sakin palagi, tapos parang iba kasi yung kinikilos niya... Nahhhh! Baka imagination ko lang masyado lang siguro ako naeexcite  para sa gagawin ko, kaya kung anu- ano na ang naiisip ko..

Dumating na ang Oras,, Six pm na mamaya maya lang , Magiging isa na kami, di ko na talaga siya pakakawalan ,. Di ko alam ang nararamdaman ko, Kinakabahan ako na natutuwa na naeexcite na nanginginig sa takot, na ewan,.! Basta mix emotions yung nararamdaman ko...

Tiningnan ko muna ang paligid kung maayos na...Nakacarpet ng red yung entrance with petals ng roses sa sahig... tapos may mga ibat ibang bulaklak na pink, sa paligid... Favorite niya kasi yun eh...Tapos may mesa sa gitna na may nakasinding kandila...At may mga pusong nakasabit sa taas, maging sa pader...Lahat ng paligid ay may petals ng Roses ...Tapos yung mesa namin nakaharap sa dagat... May malaki kasing bintana yung restaurant namin..glass window siya kayang kita kita mo ang dagat lalong lalo na ang napakagandang sunset..Tamang tama palubog na ang araw....Sumilip ako sa bintana nakikita ko na sila...Sinulyapan ko si Yohjille, malungkot siya... siguro dahil di ko siya kinausap ngayong araw dahil gusto ko talaga siyang esurprise pinatugtog ko na yung Love song ..Alam ko medju badoy yung napili ko pero eto kasi ang gustong sabihin ng puso ko sa kanya eh...

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako, 

Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko

Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko

Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo

 Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako

Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo

Bakit kapag nandito ka nababaliw ako

Nababaliw sa tuwa ang puso ko

Pumasok na sila,.. Nakatayo lang ako sa harap ng mesa habang may hawak hawak na Roses para sa kanya., Lumalakad na siya sa carpet,.Napakaganda niya kahit nakashort lang siya at t-shirt....Nasa likuran niya sila  Rica at Laurence..Pero biglang tumakbo si Rica, ewan ko kung bakit....Sinundan naman siya ni Laurence..Ngayon dalawa na lang kami ni Yohjille.,,,

A Stalker turns to a LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon