THE UNTOLD STORY OF MOTHER EARTH
"Ina ang ganda po!"
Napangiti ako nang biglang lumapit sa akin si Luna. Tuwang tuwa ito habang nilalaro ang maraming paro paro sa paligid ko.
"Gusto mo rin bang magkaroon ng ganito anak?" Masayang tanong ko sa kanya. Tumango ito na parang bata. "Opo! Gustong gusto ko po kaso isa po akong buwan. Walang nabubuhay sakin" Bigla syang nalungkot kung kaya't hinaplos ko ang kanyang pisngi.
"You wouldn't want to have what I have" Bulong ko.
"Po?"
"Wala-- wala. Maganda ka sa iyong sariling paraan anak. Ikaw ang nagbibigay liwanag sa mga tao t'wing sasapit ang dilim. " Pampalakas ko ng loob nya.
Agad na umaliwalas ang kanyang mukha "Talaga po? Pero mas maganda pa rin po kayo kaysa sakin" Aniya na bakas pa rin ang pagkadismaya.
"Ang gandang ito ay may kapalit"
"Ano naman po iyon?" Tanong nya sakin.
Napangiti na lang ako at hinaplos ang buhok nya " Do you want me to tell you the secret of my beauty?"
Mabilis itong tumango " Yes!"
Kumandong sya sakin at masayang tumungin sa isang salamin na nasa harap namin.
"Gladly, -- nagsimula ito sa panahong likas ang kasalanang taglay at kawalan ng disiplina ng m-mga t-tao"
Sa gitna ng aking pagsasalita ay biglang sumakit ang mukha ko.
"Ina ang mukha mo!" Nagulantang si Luna nang masaksihan ang pagbabago ng aking anyo.
Sa isang iglap ay naging kulay itim ang lahat ng luntiang halaman na nakapalibot sa akin. Unti-unting namatay ang mga paro paro at mga hayop sa aking paligid. Natunaw ang yelong bumabalot sa pinakatuktok ng aking ulo at umagos ito patungo sa aking katawan. Natuyot ang aking balat. Umagos ang maraming tubig mula sa aking mukha . Nabalot ako ng masangsang na amoy atlumabas ang usok na itim mula sa aking bibig.
Kagagawan na naman ito ng mga tao. Ang amoy ay galing sa mga basurang nakatmabak sa sa kung saan. Ang itim na usok ay mula sa mga pabtika at sasakyan. Napakawalang disiplina ng mga tao!
Sa isang iglap ay napahandusay na lang ako sa sahig. Namilipit ako sa sakit. Nakita ko ang pagkaalarma ng aking anak.
"Ina! Ina! Anong nangyari sayo?" Pinilit nya akong yugyugin. Nangilid ang luha sa mga mata nya.
"I'm fine Luna" Nahihirapang tugon ko.
Umiling sya "Definitely not! Look at yourself. You're suffering. Tell me who did this to you? Tell me?" Naramdaman ko ang unti-unting pagbugso ng galit ng anak ko.
Kahit nahihirapan ay nabanggit ko pa rin ang may kagagawan nito sakin "H-human B-being"
"What?" Tuluyang sumabog ang galit nya. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo para sa kanila? Ito ang isusulli nila sayo? Pagbabayaran nila ito! Hindi ko sila mapapatawad!"
Hinawakan ko sya sa kanyang braso "Don't" Pigil ko sa kanya. "Don't do it"
Maya maya ay natatarantang dumating ang asawa kong si Dom
"Earth!" Lumuhod ito sa harap ko at inalalayan ako pahiga sa axis.
"Ginagawa na naman nila" Galit na turan nito habang nakatitig sa kalagayan ko.
"Pagbabayaran nila 'to" Lumakas ang init ng kanyang katawan. Nagliyab ang mga mata nya sa galit. "Tama lang sa kanila ang natusta sa init ko!"
Naramdaman ko ang pagtama ng mainit nyang sinag sa aking katawan dahilan para mas matuyot ang balat ko.
Pinigilan ko sya "Huwag mong gawin iyan!"
"Pero sinasaktan ka nila!"
"I'm okay my husband. Don't waste your energy for these filthy humans, eventually they'll suffer naturally because of their wrong habit"
Kumalma sya ng kaunti , napangiti naman ako saka dumako ang tingin kay Luna na hanggang ngayon ay galit at may halong pag-aalala habang nakatitig sa lagay ko.
"Mother! Let father make them suffer!" Inis na tugon nya sakin.
"T-they will L-Luna" Inituro ko sa kanya ang malaking salamin sa di kalayuan. Pareho silang tumitig roon. Sa isang iglap ay naglaro ang maraming imahe ng mga patay na taong namamalagi sa aking katawan.
"A magnitude 6.2 earthquake shook China"
"Landslide hits portoon of Marilaque Highway in Infanta making 105 people died"
"A tsunami devastated the Northern Japan killing thousands of people"
"Hinagupit ng Super Typhoon Yolanda ang Tacloban na ikinamatay ng libo libong residente roon"
"A tornado comes in havoc when it hits the North of Tahoka on US -87"
"Global warming heating up the ocean is the same as explosion of an atomic bomb that would kill billions of people"
Sumilay ang ngisi sa labi ko "See?"
Naguguluhang tumitig sa akin si Luna. "How come--"
Naputol ang sasabihin nya nang biglang magliwanag ang aking mukha unti-unting nawala ang mga lamat sa buo kong katawan at napalitan ng mas makinis na balat. Naging luntian muli ang halamang nakapalibot sa akin, nanigas muli ang yelo sa tuktok ng aking ulo. Pumulupot sa akin ang mga bagong punla, namukadkad ang iba't ibang uri ng bulaklak at iniluwa ang mga bagong silang na hayop.
Muling sumilay ang ngiti ng mga paru paro at nagsiliparan ulit ito paikot sa akin. Biglang tumigil ang pag-agos ng luha sa aking mga mata at umaliwalas ang aking buong mukha.
"Ina! Maganda ka na ulit!" Hindi makapaniwalang aniya sakin. Bakas rin ang pagkagulat sa mukha ng aking asawa.
"Better than beautiful Luna" Saad ko.
Hindi sila nakaimik. Inalalayan ako ni Dom paupo muli sa harap ng salamin.
Nakita ko ang maganda kong repleksyon. Sa likod ko ang nakangiti kong asawa habang hinahaplos ang mga balikat ko. Bahagya nyang hinaplos ang ulo ni Luna.
"Ama, paano pong mas gumanda si Ina?" Tanong ni Luna sa kanya.
Umiling ito at saka napangiti "Your mother is wicked sometimes my daughter"
Napangisi na lang rin ako. "Look at those humans Luna. They are fools for thinking that they can destroy me. Not knowing the fact that I can heal myself. I can regenerate for the better, I did this billion years ago and I will do it again. They all believe that without them I can be nothing but it was the other way around-- without me they are nothing! I can kill them just as I want. Stupid humans!"
Bigla akong niyakap ni Luna "I thought you'll die"
"Nope! They'll die not me!"
Maya maya ay nakarinig sila ng alingawngaw ng matitinis na boses mula sa aking katawan.
"What's that?" Tanong nilang dalawa sakin.
I comb my hair "Don't mind them. It's just a cry in agony of my so-called inhabitants"
Hinawakan ko si Luna na ngayon ay gulat pa rin dahil sa mga hagolgol na naririnig namin. "Humans will suffer as much as they made me suffer. This is not the end of me but the end of their existence in mine"
"Aaaahhh! You tricked me mother!"
Ipinaharap ko sya salamin at ipinakita ang maraming bangkay na kinakain ng mga sakunang ginawa ko. "Luna this is my way of revenge. It's like massive killing. Am I brutal?" Natawa na lang ako na parang demonyo.
"Hindi po Ina" Mabilis itong umiling.
"Now, This is my untold story"
-End