Chapter 2:Flashback

338 10 5
                                    

Julia's POv 

Sammmm !! sigaw ko sa harapan ng balkonahe ng bahay ng kababata ko . maya maya may lumabas na lalaki na naka shorts lang at t-shirt . may dala dala siyang raketa .. lumapit siya sakin

O ano ? tara na ?sabi niya sakin tumango lang ako at tiningan siya bigla siyang ngumiti ..

O Juls ano problema bakit nakatingin ka lang sa kin? sabi niya .

A-- ehhh wala .ahm tara na sabi ko sa kanya tapos hinatak ko na siya para hindi niya mapansin na namumula ako ..

ano ba naman kasi yan hindi naman ako ganito dati ..nakakahiya tuloy ewan ko ba bakit kasi pag nakikita ko ng malapitan si Sam eh .. may iba akong nararamdaman ..Hayy ! pero siyempre dahil kaibigan ko siya hindi ko nalang pinansin yung kakaibang pakiramdam  na nasa dibdib ko.

Habang tinatangal ko sa isip ko yung weird na pakiramdam na yun ..hindi ko namalayan na nasa harapan na pala kami ng court ng Subdivision namin ..Kung hindi pa siguro nagsalita si Sam hindi ko mapapansin na nandito na kami

Uy! Juls nandito na tayo .sabi niya at pagkalingon ko sa kanya nakatingin na pala siya sa kin ..at bumaba yung tingin niya dun sa magkahawak parin naming mga kamay

Ah ! eh . Halika na maglaro na tayo .sabi ko kasi nahihiya ako eh . pagkatapos ko sabihin yon binitiwan ko na yung kamay niya at nagpatiuna na sa loob ng court 

Ano ba tong nangyayari sa kin ? Bakit parang lalabas na yung puso ko sa dibdib ko ..?

maya maya pumasok narin si sam sa loob ng court . at nung makita nya na wala pang tao .. sabi niya 

Juls ! mukhang napa aga tayo ah .sabi niya sakin at tumango naman ako 

Pero ok na rin yon para Solo kita sabi niya pero hindi ko masyado narinig dahil mahina lang yung pagkakasabi niya ..Anu daw ? masolo ako ? 

Anu yon ?tanong ko siyempre hindi ko masyado narinig .pagkasabi ko non parang kinabahan siya 

A--- eh wala sabi ko ok na rin yon para masolo natin yung Court sabi niya ..ahhh kala ko naman kung ano na pero nagtaka ako nung parang nakita kong nag blush siya .. Pero hindi rin ako sure kasi nagyaya na agad siya maglaro..

Habang naglalaro kami .eh mukhang namali ata yung talon ko para abutin yung tira ni sam .. pag-apak ko .. 

Aray !! sigaw ko aray ko ang sakit talaga na sprain ata ako.

JULIA ! ok k lang ba .tumakbo na papunta sa kin si Sam .. tapos hinawakan niya yung paa ko ..

Uy ! ok k lang ba ? anu nangyari ? sabi niya tapos nakikita ko kung paano lumarawan yung concern sa mukha niya.

ah .. ok lang ako na sprain lang siguro sabi ko ..tapos iginalaw ni sam yung paa ko aray !! ang sakit talaga ..

Na sprain nga ata .halika na umuwi na tayo .kargahin na kita sabi niya habang nilalagay yung mga raketa namin sa case 

A-- wag na Sam kaya ko naman eh .sabi ko siyempre ayoko kargahin nya ko mabigat kaya ako. 

Wag ka na makulit juls gusto mo ba lumala pa yan .. halika na ..sabi niya sakin tapos kinarga niya nako na pang bridal style .

hindi nako umimik . ganon kasi si sam gentleman talaga .at pag pinilit mo pa yung gusto mo eh baka magalit pa siya .. eh nakakatakot pa naman magalit si sam kaya pinabayaan ko nalang .

Habang naglalakad kami  napatingin ako kay sam at pinag aralan ang mukha niya..

Medyo pawisan na siya pero hindi mo masasabi na maasim katulad ng ibang lalaki pag pawis na sa halip mabango pa rin siya ..

ang sarap nga niya amuyin dahil lalaking lalaki yung amoy niya.

Pinagmasdan ko yung itim na itim niya na buhok .. hindi niya nilalagyan ng gel yon pero maganda ang pagkakaayos . para bang ang sarap padaanan ng kamay .. ganon ang buhok niya .

tama lang ang kapal ng kilay niya .. may mapupungay din siyang mga mata na dark chocolate ang kulay na mas pinapalutang ng itim na itim at mahahabang pilik mata 

Matangos din ang ilong niya .meron din siyang maninipis at mapupulang labi na parang nang aakit na halikan mo ang mga ito .. namula ako sa aking naisip at parang nahiya ako . ano ka ba naman julia kaibigan mo si Sam at ang kaibigan hindi pinag nanasaan ... 

hindi ko napansin na nasa harapan na pala kami ng bahay namin.. 

binaba nako ni sam .. 

Oh ... Juls pasok ka na .palagyan mo nalang ng bandage yan  kay ate Joyatumango lang ako si ate joya kasi ay yung private nurse namin

salamat sam ah ..sabi ko .. tapos tumango lang ako at nagtaka kung bakit nakatitig lang sa kin si Sam ..

Bye sam .sabi ko tapos nagbbye rin siya tapos hindi parin niya tinatanngal yung tingin niya sa kin nag taka ako kasi kala ko yun lang yung hinihintay niya ..

Uhhhm ? bakit Sam ?tanong ko kasi naiilang nako kay sam .. anu ba nangyari dito ?

Julia .Will you go out with me ? sabi niya habang titig  na titig sa kin 

------------------------------------------------------------

OMO! ano ok ba ? flashback po pla ito ni julia next chapter po yung kay sam na flashback namn... ok lang po ba ? medyo binitin ko po muna kayo para sa next chapter .. 

comment naman po kayo para po maka pag update ako ng mas maaga ... tnx sana  dumami readers nitong story :)) To god be the glory ..:))

                                                                                       -xoxoxo IamMichaela26

You and me forever(julsam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon