#Chapter 6: Ruined Date

61 4 3
                                    

*Kendra’s P.O.V.*

Tinatamad talaga kong sumama kay Jayden ngayon. Feeling ko hindi na talaga mawawala ang pagka curious ko sa pamilya niya. Tsk.

Kaso maaga pa lang kinakatok na ko ni Mommy sa kwarto ko. Bumangon na daw ako. Binigyan niya pa ko ng dress. Ayos ah. Di ba pwedeng magpantalon na lang? Mas komportable kaya yung mga ganung damit. Tsk.

Hindi ko isinuot yung binigay niyang dress. Ayoko eh. Bumaba ako ng nakapantalon at simpleng t-shirt. Gulat na gulat si mommy sa suot ko. Sa pagkakatanda ko ganito din siya noon manamit. Tsk.

“Ano ba yang suot mo Kendra?! Magpalit ka nga doon! “ Utos niya. Umiling lang ako. Tapos nakipagtitigan sa kanya.

“Puputulin ko lahat ng credit card. Pati kalayaan mo aalisin ko. Hindi ko na rin susuportahan yung charity project mo. “ Nakangisi niyang saad. Wicked. Tsk. San ba niya natutunan yun?

“Fine!” No choice ako kundi bumalik sa kwarto ko at magpalit ng damit. Nagsuot din ako ng isang heels. Yung heels ko na pinakapaborito ko kasi hindi masakit sa paa. Comfortable isuot. Kulay red tong suot kong dress. Ewan ko nga ba dito sa nanay ko. Porket kakulay ko yung tatay kong hilaw. Hahaha. Yun kasi ang tawag nila sa isa’t isa kapag nagkakatampuhan. ‘Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isip ko at pinakasalan ko yang tatay niyong hilaw. ‘ saulong saulo na namin ni kuya ang line na yan dahil yan ang palaging line ni Mommy. Tapos si Daddy overcooked ang tawag kay mommy. Weird di ba? Ewan ko sa kanila.

Pagbaba ko, naabutan ko silang naguusap. Alam niyo ba kung anong pinagtatalunan nila? Kung sinong Paolo ang bagong nalilink kay KC Concepcion. Tsk tsk.

Kung hindi pa ko mageehem. Hindi nila ko mapapansin. Tsk.

“Anak, ikaw ba yan? Nagmukha kang tao ngayon. “Exaggerated na sabi ni Daddy. Tsk.  Binatukan siya ni Mommy.

“Bakit ba kasi ganyan ang ipinasuot mo sa anak natin? Baka magasawa ng maaga yan. “ Sisi ni Daddy kay Mommy. Napairap na lang ako. Buti na lang biglang may nagdoorbell kaya naliwas ang usapan. Si Daddy ang nagpapasok sa bisita. Pero nung asa may pinto na sila. Narinig namin ang sinabi ni Daddy.

“Sino bang sadya mo Jayden? Kung si Raven ang hinahanap mo. Wala siya dito. Nagmamadaling umalis yung kagabi pagkaalis niyo. Nakipagtanan na siguro. “ Sabi ni Daddy. Napailing na lang si Mommy. Kahit ako. Tsk.

“Hindi po si Jayden ang ipinunta ko dito. “ Medyo natatawang saad ni Jayden.

“Kung hindi si Raven. Sino? “ Takang tanong ni Daddy.

LoveLife For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon