#Chapter 2: The Bidding

105 5 7
                                    

*Kendra's P.O.V.*

Nung magsimula na ang Bidding umakyat na sa stage sina Tita Sapphire, Tita Indira at Mommy. Hindi na ko nagugulat na sila ang host. Pang ilang taon na din kasi nila tong ginagawa. Bidding for a cause. Tita Sapphire own this school.  Ang bidding na ito ay para sa pagpapaaral ng mga batang ulila na. Dati humihingi lang sila ng donasyon pero dahil hindi sila masyadong natutuwa sa ganun umisip sila ng 'FUN' way daw. 

"This year kasama sa bidding natin ang isa sa mga grupo ng hinahanggaan nating mga performers.  " Nakangising sabi ni tita Sapphire. Maraming babaeng tumili. Malamang ibibid sina Akira eh. Pero hindi kasama si kuya Reniel dahil College na yun eh. Si kuya? Same year level lang kami. Masyadong naadvance ang utak ko kaya ayun nagskip ako ng isang taon. 

"Wag na nating patagalin pa ang paghihintay. Simulan na natin ang Bidding. "Nakangiting sabi ni Mommy.  Tapos may babaeng lumabas. May hawak itong fishbowl.  Si tita Indira ang bumunot, Napangiti siya agad nung mabasa niya ang pangalang nasa papel. 

"Unahin natin si Mr. Akira Timothy Smith. " Nakangisi niyang saad. at Lumabas ang anak niya. Confident itong naglakad papunta sa unahan. Maraming tumili ng ito'y kumindat. 

"Kinakabahan ka ba ngayon? Kasi baka walang magbid sayo? " Tanong ni tita Indira sa anak niya. Haha. 

"Ofcourse no. I'm confident na may magbibid sakin. " Nakangiti niyang saad.

"Ok. Simulan na natin. Mukhang magkakaroon nanaman ng nakakatakot na bagyo kapag pinagpatuloy ko pa ang pagiinterview sa anak kong namana ang kayabangan ng tatay niya. " Sabi ni tita Indira. Natawa ng konti sina tita Sapphire pati ang crowd.

"So Let's start the bidding. Bidding price starts at 10,000. " Sabi ni tita Sapphire. Maraming nagtaas ng mga kamay nila. Tumaas ang bidding price niya hanggang 100,000. Ang mahal ng price para lang sa isang date no? Haha. nagtataka nga ako kung bakit hindi nagbid si Sakura. Nakita ko siya dito kanina eh. Sayang naman. Malaki pa namana ng chance niya na maipanalo tong bidding. 

If you won the bidding pwede mong makadate ang napanalunan mo sa Bidding. Wala naman kasing mahirap sa school nato. We all came from a rich family. maliban na lang dito sa bestfriend ko. Sabi kasi niya ulila na daw siyang lubos she grew up in some orphanage sa US. 

Ang sunod na nabola ay si Kiah. Umabot sa 200,000 ang bidding price niya. Ayaw kasing paawat ni kuya Ren eh. Hahaha Kung hindi pa siguro tumigil yung lalaki baka umabot na sila ng milyon. Haha. Sumunod namang ibid yung mga popular na senior din. Naiinip na nga ako dahil ang tagal namang mabid nina Kuya Raven at Jayden. haha. 

"Since may sakit ang anak kong si Raven ngayon. Humanap kami ng sub para sa kanya. " Nakangising sabi ni Mommy. Maysakit pala si kuya? Kaya pala hindi ko siya nakikitang lumabas ng kwarto niya. 

LoveLife For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon