Chapter 12

365 12 0
                                    

*Nancy's POV*

"Maknae magpahinga ka na....wala ka pang tulog oh" sabi sakin ni hyebin unnie

Napatingin ako sa wrist watch ko

Magse-seven na pala ng gabi

Umiling naman ako sakanya

She sighed

"Please nancy, magpahinga ka na kapag may balita na kay yeon, sasabihin agad namin sayo" sabi niya kaya napatingin ako sakanya

"Okay..." pagsuko ko

"Sige na,umuwi ka na at magpahinga" sabi niya

"Eh ikaw?"

"Dito muna ako,maya-maya ay uuwi na rin ako" sabi niya kaya napatango nalang ako at lumabas na ng presinto

Dalawang araw ng nawawala si yeonwoo at hanggang ngayon ay wala parin kaming balita sakanya

Paguwi ko ay dumiretso agad ako sa kwarto ni yeonwoo at pabagsak akong humiga sa kama

Alam na rin ni kuya minho ang nangyari

Buti nga at hindi siya nagalit sakin

Kasalanan ko to eh!

Kung nakinig lang sana ako sa explanation niya edi sana nandito siya ngayon

Kung hindi sana ako umalis nung gabing yun ay hindi niya ako hahabulin at hindi siya mawawala

Kaso naunahan ako ng galit at selos eh

Eto tuloy napala ko

Pumikit nalang ako at mukha lamang ni yeonwoo ang nakikita ko

Kinuha ko yung cellphone ko at nagpatugtog nalang

*ring*ring*

Agad ko namang tinignan kung sino yung natawag

Si mommy?

Sinagot ko naman yun

"Hello mom?"

(Hi anak, kamusta ka?)

"I'm good naman po, ikaw? I mean kayo ni dad?"

(We're fine anak, and may gusto sana akong sabihin sayo)

"What is it?"

(Actually nandito na ako sa pilipinas)

"What?! Seriously?!"

(Yes anak, and nabanggit ko naman sayo noon yung tungkol sa tatlong bata na tinulungan ko noon diba?)

"Yes mom"

(Nakita ko ang isa sakanila anak...)

Napatayo naman ako dahil sa narinig ko

Hindi kaya si yeonwoo yung nakita ni mommy?

"R-really mom?"

(Yes,kasama ko siya ngayon. So you better go home na para makilala mo na siya)

"Sure mom" sabi ko

(That's good, sige na anak. Take care)

Pagkababa ko ng tawag ay agad akong nagbihis para pumunta sa bahay

"Oh? Anong meron ay nagmamadali ka?" tanong sakin ni ahin

"Kailangan kong umuwi,pakisabi nalang sakanila umuwi ako saglit sa bahay. Thanks ahin" sabi ko at bumaba saka pumara ng taxi papunta sa bahay

*Yeonwoo's POV*

Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa mukha ko

Dinilat ko ang mata ko at nilibot ang paningin ko

Into YouWhere stories live. Discover now