Chapter 27

280 12 7
                                    

*Nancy's POV*

Hindi ko alam kung bakit biglang natanong ni yeonwoo ang bagay na yun

Oo nabigla ako, hindi ko naman kasi inaasahan na bigla niyang ioopen ang topic na yun

Napatingin ako sakanya na nakatulala sa labas habang naka-earphone

Hawak niya ang kamay ko pero parang may sarili siyang mundo

Binaling ko nalang ang atensyon ko na prof namin na nagtuturo sa harap

Kung pipigilan ba kita umalis, hindi ka na tutuloy?

Napapikit nalang ako ng maalala ko yung tanong ni yeonwoo kanina

Mahal ko siya, mahal na mahal pero gusto kong matupad ang pangarap ko

May nirecommend ng trabaho saakin don yung pinsan ko at balak kong kunin yun after kong grumaduate kasi sayang naman yung opportunity diba?

Halata naman na ayaw niya akong umalis pero eto yung gusto ko

Mahirap kasi dalawang importanteng bagay ang pagpipilian ko

It's either si yeonwoo o ang pangarap ko

"Huy nancy....huy!" napatingin ako kay hyebin unnie ng bigla niya akong tawagin

"B-bakit?"

"Kanina ka pa tinatawag ni sir" sabi niya at tinuro ang prof namin na nakatingin saakin

"Sagutan mo daw yun" dagdag niya at tinuro ang whiteboard

Tumayo ako at sinimulang sagutan ang pinapasagot ng prof namin

After kong magsagot ay bumalik na ako sa upuan ko

"Very good Ms. Mcdonie, but please pay attention"

"Yes sir, sorry" sabi ko at kinuha yung ballpen at papel ko para magtake down notes

Napabuntong hininga nalang ako at nakinig sa prof namin

***
"Class dismiss" napasandal ako sa upuan ko after ko marinig ang favorite line ko sa prof namin

"Let's go" aya sakin ng katabi ko

Inayos ko na ang gamit ko at tumingin sakanya "Tara"

Paglabas namin ng room ay dumiretso kami canteen para kumain

"Anong kakainin mo?" tanong niya

"Kahit ano" di na siya nagsalita at agad na umalis para bumili

"Anong meron?" tumingin ako kay taeha

"Huh?"

"LQ?" dagdag niya

Umiling ako at kinuha ang cellphone ko

"Tungkol ba to sa plano mong pag-alis?" napatingin naman ako kay nayun unnie

Kumunot ang noo ko sakanya "Sinabi niya sakin" dagdag niya

"Yep" sagot ko

"Sure ka ba talaga diyan?" tanong naman ni hyebin unnie

Dahan-dahan naman akong tumango

"Tinanong nga niya ako kanina na kung pipigilan ba niya ako umalis ay hindi na ba ako tutuloy" kwento ko

"And?"

Tumahimik ako saglit at tinignan sila

Alam kong ayaw din nila ako umalis dahil bukod sa mapapalayo ako sakanila ay makikita nilang malulungkot si yeonwoo

"Di ako sumagot, ang sabi ko nalang ay huwag na muna niyang isipin ang bagay na yun dahil ilang linggo pa naman bago tayo grumaduate" iwas tinging sabi ko

Into YouWhere stories live. Discover now