Chapter 2

3 0 0
                                    

Ang mga empleyado sa kompanyang Tremaine Corporation ay busy sa kanilang paghahanap ng formula para sa ginagawang experiment. Ang goal nila ay makagawa ng extraordinary na drugs na nakakapagpalakas sa isang tao.

Ang korporasyon na ito ay dating guamagawa ng cure para sa mga sakit na hindi pa nahahanapan ng lunas. Ngunit nang nagbago ang namahala rito ay nagbago narin ang kanilang ginagawa. Kailangang makagawa ang mga empleyado ng drugs kung hindi ay papatayin sila nito. Walang nangahas na umalis sa korporasyon dahil sa pagbabanta ng bagong namamahala. Nang tumagal ay nasanay narin sila at nagustuhan narin nila ang mga droga dahil sa paminsan-minsang paggamit nito

Patuloy sila sa paghahanap ng formula nang mamatay and mga ilaw at computers doon. Pumasok ang kanilang CEO na si Nicole Sprouse at galit na galit na sinigawan silang lahat.

"ANONG NANGYARE?! BAKIT NAGBLACKOUT?!" sigaw nito. Nicole Sprouse, 28 years old. Married ngunit walang nakakaalam kung sino ang napangasawa nito. Anak ng Directress ng korporasyon at sang-ayon din ito sa ilegal na paggawa ng droga.

"Madame, hindi rin po namin alam, bigla nalang po nagkaganyan. Ano na pong gagawin natin?" sambit ng empleyadong kabadong kabado at hindi makatingin ng diretso sa mata ng CEO.

"Tonta ka ba? Ang bobo nyo naman! Pumunta na kayo sa generator sa baba!"

"Y-Yes madame"

Akmang aalis na ang empleyado nang may lumitaw na imahe sa lahat ng computers doon. (check the multimedia) Maya-maya pa ay tumugtog ang isang nursery rhyme na nagpakilabot sa lahat. Walang kumakanta na naririnig kundi ang tono lang ng Twinkle-twinkle little star.

Walang gumalaw o nagsalita sa mga sandaling iyon. Lahat ay nakatutok lang sa mga computer maski ang CEO ay tahimik din. Ilang segundo pa ay nakarinig sila ng boses ng babae na sumasabay na sa tono ng kanta.

Malamig ang pagkakakanta nito. Ikinuyom ni Nicole ang kanyang mga kamay. Namimilog ang mga mata't nanginginig ang buong katawan nya.

N-No, she's d-dead.

Paulit-ulit nyang ibinubulong ito sa sarili hanggang sa lumitaw ang isang babae sa screen. Napakalapad ng ngiti nito pati rin ang mata ay naniningkit. Puno ng koloreta ang muka ng dalaga ngunit nangingibabaw parin ang ganda nito.

"DID YOU MISS ME SPROUSE?!" Humalakhak ito nang parang naloloka.

"Y-You freak!" mas lalong humalakhak ang babae sa screen dahil sa sinabi ni Nicole.

"You didn't missed me? That's so sad" ani ng babae na kunwari pang nagpupunas ng luha.

"Stop being a bitch and tell me why are you still alive!?" pilit na pinatatapang ni Nicole ang boses kahit na sa kaloob looban nya ay gusto nya ng batuhin ang bawat computer kung saan may muka ng babae.

"Immortal ako eh" humalakhak ito ng napakalakas nang mas lalong nagpainis sa kanya.

"Since I'm back, I have a surprise for you brat." Ngumisi ang babae ng pagkalaki laki. Lumabas sa screen ang isang timer, four minutes and 30 seconds. "My baby is ticking! You have four minutes and 30 seconds to save your lives!"

Nanginig ang katawan ni Nicole ngunit nagawa nya paring tumakbo pababa para makaalis ng building na iyon. Alam nyang mahihirapan syang makaalis agad dahil sa dami ng empleyado nila at magsisiksikan sila pababa.

Kaya naman ng mapansing sya ang pinaka una pinakamabilis na tumatakbo kinuha nya ang remote control sa kaniyang bag at pinindot iyon. Nagsibagsakan ang mga harang sa bawat pintuan kaya naman nakulong ang mga empleyado sa loob.

Nakangising nakalabas si Nicole s building at tumakbo papalayo rito. Tuwang tuwa dahil ligtas sya at makikita pa ang pinakamamahal na asawa. Nawala ang ngisi sa labi nya ng makarinig ng sigawan kasabay ng pagsabog ng buong building.

Wala syang pakielam sa mga iniwan nyang tao sa loob. Ang mahalaga sa kanya ay ligtas sya. Aalis na sana sya ng may narinig syang boses na nagpanginig sa kalamnan nya.

"I missed you best friend. Why don't we have a little chat?"

Lumingon sya sa kaniyang likuran at nakita nya ang babaeng pinakaiinisan nya sa buong buhay nya. Ang labi nito ay mayroong matamis na ngiti ngunit ang mata nito ay nagpapakita ng galit. Sobrang galit.

Bago pa sya makapagsalita ay may tumakip na sa kanyang ilong ng panyo

______________________________

Next?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wild CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon