Kabanata One

56 3 0
                                    

Kinakabahan siya. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Daig pa ang hinahabol ng isang bilyong zombies ang drama niya ngayon. Hindi niya kayang ipaliwanag ng eksakto ang excitement na nadarama niya.

Yumuko ito at hinawakan ang baba niya. Nahuhulaan na niya ang gagawin nito. Agad niyang ipinikit ang kanyang mga mata. At hinintay ang mga labi nito na dumampi sa mga labi niya.

Sa wakas at matutuloy na rin ang matagal na niyang pinapangarap. Ang mahalikan ng one and only prince charming niya--- si Aldrin.

Yehey. 'Eto na yun. Idinilat niya ang kaliwang mata at sinilip ang mukha ni Aldrin. Ang gwapo talaga nito! Ang swerte-swerte niya at hahalikan siya nito!

Muli siyang pumikit. Ilang segundo nalang at maglalapat na ang kanilang mga labi.

She can't wait.....!!!

On the count of

THREE...

 

 

 

TWO...

 

 

 

 

ONE...

"Hoy tabachoy! Kanina ka pa hinahanap ni Maa'm Concepcion. Huwag mong sabihin na pinapangarap mo na naman ako habang natutulog. At nakanguso ka pa. Nanag-inip ka siguro na hinahalikan mo ko noh? Tsk. In your wildest dreams! hahaha"

 Napadilat ako sa ingay ng kaklase kong si Sepong--- ang pinakapangit at pinaka-walang modo na tao sa buong universe.

Oh well, he's not really ugly, at least physically. Actually, campus heartthrob ito ng St. Ignatius University.  Kaya lang, sobrang nabwibwisit ako sa kanya kaya parating nag-aanyong monster siya sa paningin ko.

Kung alam lang siguro ng mga nagkakandarapa sa kanya na mabantot ang paa at hininga niya. And worst! Amoy patay na daga pa ang utot niya  na wagas kung minsan lumabas!!

Naku!! Ewan! Mukha palang niya ay nasusuka na talaga ako.

Haha, wag ka nga pala maniwala sakin. Hindi totoo yun. Naiinis lang ako sa Sepong na yun. Kaya sinisiraan ko siya sa storyang ito.  (EVIL LAUGH).

Okay. Nagwowonder ka siguro kong bakit parang kilalang-kilala ko si Sepong?Kasi naman, sa kasamaang palad, simula nung hindi pa kami magka-isip ay magkapitbahay na kami. Mga foetus palang ang mga nanay namin ay close na ang family niya at family ko. Iyon ay dahil sa mag-best friends ang mga great grandmothers namin. Maliban din dun ay pareho kami ng school na pinapasukan simula kinder hanggang ngayong fourth year high school na kami.

Anyways, in case you want to ask, nakaupo ako ngayon sa ilalim ng puno ng niyog sa likod ng classroom namin. Paborito kong tambayan dito. Bukod sa nakakarelax, ay dito ko madalas binubuo ang aking mga pangarap. HAHA. TEEN DRAMA.

Pero! Sandali lang! Wait a minute! Kaunting-tiis lang for I am still in the mood for chika minute. Huwag ka munang tumigil sa pagbabasa at ako ay magpapakilala muna. Kasi naman. Muntik ko nang makalimutang mag-introduce myself dala kakatsismis tungkol kay Sepongski. Eh storya ko 'to. Kaya ako ang bida rito. HahA.

Ako nga pala si Kiara Madrigal. At isa akong diyosa---diyosa ng kagadahan. Hindi ako yung goddess na nababasa niyo sa mythologies. Hindi din ako si Anne Curtis dahil mas maganda ako sabi ng nanay ko. (NYAHAHAHA). Hindi rin ako prinsesa na katulad ni Princess Sarah. Mahirap mang paniwalaan pero ang angking kagandahan na meron ako ay kakaiba---medyo katulad ni Mirabella. Kakaiba.

Choke Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon