Kabanata Three

18 2 0
                                    

"Kiara! Sandali! Wait! Tigil! As in stop!" Naglalakad na ako papunta sa classroom namin nang may tumawag saken.

"Oh, Janelle? ikaw pala. Bakit?" si Janelle ay isa sa pinakamatalik kong kaibigan. Akala  niyo siguro na loner ako noh? Pero I have two best friends. Kaya lang ay hindi ko na sila masyadong nakakasama simula ng magkahiwa-hiwalay kami ng sections. Sayang at hindi niyo pa makikilala ang makulit kong kaibigan na si Juvy. Busy kasi 'yun para sa swimming competition na sasalihan nito. Ito kasi ang napiling representative ng school nila. Si Janelle naman ay well, ang pangangalap lang ng chismis ang pinagkakaabalahan nito.

"I heard na ikaw raw ang sasali para sa pageant? Girl! I'm so excited for you! At last." Kinikilig na sambit ni Janelle.

"May points kasi. Kaya hindi ko matanggihan. Kaya lang nakakahiya. Bakit ba kasi ako ang kinuha ni Maam." Hanggang ngayon ay nag-wowonder parin ako kung bakit ako ang napiling representative. Marami naman kaming magaganda sa batch. Pero bakit ako?

"Kasi naman. Ang theme ng pageant ngayon ay hindi pagandahan. Kundi palakihan ng katawan. Hahaha"

"Aba't ang kapal ng mukha mo para sabihin yan sa kaibigan ko!" Ani Janelle sa dumaan na si Patty. Sa bumabasa nito. Intindihin niyo nalang kung bakit sumulpot si Patty. Kasi kung nasaan ang bida mayroon talagang kontrabida.

"Hahaha. Kasi yun naman talaga ang totoo." 

Naiinis na talaga ako sa bruhang 'to. Pero ayoko ng gulo. Tama na yung nangyari nung nakaraang araw.

"Let's go Janelle. 'Wag mo na siyang pansinin." Hinila ko si Janelle papunta sa cafeteria.

-----ooo-----

“Kiara. Di ba si Joseph yun?” itinuro ni Janelle si Sepong na noon ay umiinom ng coke kasama si Elaine. Nagbubulongan ang mga ito. Tawa naman ng tawa ang babae sa mga binubulong ni Sepong. Halatang nag-eenjoy ang dalawa sa presensiya ng isa’t isa.

Ilang araw ko na ding hindi nakakausap si Sepong. Simula kasi nung araw na binato ko siya ng ice bag ay hindi na kami nag-imikan. Ewan ko sa kanya kong bakit hindi niya ako pinapansin. Kasi siya naman talaga usually ang unang namamansin. Nahihiya din ako na ako ang unang pumansin noh. At naiinis ako. Kaya pala ito ganun---ay dahil may pinagkakaabalahan itong babae.

Ngayon ay naiinis ako ng bongga sa kanya. Kasi naman. Sa loob ng mga araw na hindi niya ako kinakausap---ay namiss ko siya ng husto.

“Girl? Anyare sayo? Ba’t natahimik ka?” ani Janelle.

“Ba’t mo ko tinatanong kong si Sepong yan? Wala naman sigurong doppelganger ang gagong yun noh? Okay gusto mo akong magcomment? Oh well. Ang landi-landi nilang dalawa. Hindi man lang marunong humanap ng tamang lugar para maglampungan. Hmmpf”

Bigla ay may nakapa akong inis sa dibdib ko. Para akong nahihigh-blood na ewan. Baka dahil mainit lang sa cafeteria kaya nababad-vibes ako.

“Kumain na nga lang tayo Nelle. At nang makaalis na.”

“Oy. Wag mong sabihin na nagseselos ka?” may nakarehistrong malisya sa mukha ng bruhang si Janelle.

“Tigilan mo nga ako!!!”

Dahil sa sigaw ko ay pinagtinginan kami ng mga tao sa cafeteria. Kabilang na sina Elaine at Sepong.

Sa aking pagkahiya ay binarhan ko nalang ng alis si Janelle. Bahala itong mag-isa. o_O

-----ooo-----

“Sabi ko na nga ba dito lang kita makikita eh.” Napadilat ako ng marinig ang boses ni Sepong. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga na bumubuga sa mukha ko. Sobrang lapit na ng mga mukha namin. Isang kembot nalang at pwede na kaming magkiss.

AY LUMALANDI na naman ako. hahaha. Kaya lang. Bigla akong kinabahan. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit ganito? Baka may impeksyon na ako sa puso. Oh no!!!

Pero inaamin ko sa iyo. Kung sino ka man na pinag-aaksayahan ng oras basahin ito. Sa loob ng mga araw na hindi ako kinakausap ni Sepong---feeling ko ay hindi ako buo. Feeling ko, hindi kumpleto ang araw ko. Feeling ko, ang lungkot-lungkot ko.

 “Ano bang kailangan mo?” itinulak ko palayo saken si Sepong.

“Wala. Gusto ko lang matulog dito. Inaantok ako eh.” Iyon lang at umupo siya sa tabi ko at pumikit.

“Asan na si Elaine? Ba’t andito ka” tanong ko sa kanya.

“Wag ka ngang maingay. Natutulog ako” nakapikit pa rin ang lalaki habang nagsasalita.

Sobrang naiinis na ako. Pagkatapos niyang makipaglampungan sa ibang kandungan! Ay dito na naman siya sa piling ko??!Oh men! Pero bakit gusto ko na katabi ko siya?

Nang naramdaman ko ang ulo niya na humilig sa balikat ko ay napatingin ako sa kanyang mukha. Malaanghel pala tingnan ang loko ‘pag tulog. Moreno siya at bumagay iyon sa may pagka-matangos niyang ilong at medyo singkit na mga mata. Kayo nalang ang mag-isip kong paano niyo siya imaginine. Ang masasabi ko lang. Habang tumatagal ay lalo siyang gumagwapo.

Ilalayo ko sana ang ulo ni Sepong. Kaya lang. Bigla siyang umungol at pinagsiksikan ang sarili sa balikat ko. Hinayaan ko nalang siya. Kasi, ayaw ko mang aminin ay gusto ko din naman ang ginagawa niya. Ang sarap sa pakiramdam. Higit pa sa nararamdaman ko tuwing pinapangarap ko ‘nun si Aldrin. Oo nga pala noh? Nakalimutan ko na crush ko pala ‘nun si Aldrin. Hindi ko alam. Pero sa isang iglap lang ay nawala na ang pagtingin ko kay Aldrin. Ewan ko pero bigla nalang ay si Sepong ang parati kong naiisip ngayon. Masyado na ‘tong alarming. Pero bahala na si Lord. Sa ngayon, gusto ko munang maging Masaya.

Tinitigan ko ang mukha ni Sepong at ipinikit ang aking mga mata.

 -----ooo-----

"AHHH! ang hapdi!! Oh my God. Tulungan mo ako." Nagising ako dahil pinagpyestahan na ako ng mga langgam. Sa tingin ko ay isang batalyong langgam ang umatake sa'ken.

ToDaMax ang hapdi. Kinamot ko ang pwet ko dahil 'dun maraming kumagat saken. Umindak  na't tumalon  ako sa sakit.

Nagising naman si Sepong sa tabi ko. Tinulongan niya akong pagpagin ang lagpas tuhod na skirt ko.

 Magkahalong sakit, hapdi at kati ang nararamdaman ko ngayon.

Ngunit nabigla nalang ako nang walang anu-ano’y binuhat ako ni Sepong mula sa kinatatayuan ko.    

"Anong ginagawa mo! Ibaba mo ako!!" Mas pumaimbabaw sa’kin ngayon ang hiya kay'sa sakit na dulot ng langgam.

Baka mahirapan lang si Sepong at mabigatan sa’kin. Naku! Nakakahiya!!! Sana ay lamunin nalang ako ng lupa!

"Huwag ka ngang maarte. Dadalhin kita sa clinic." Nang tingnan ko ang mukha niya ay may nahagilap akong konting pag-alala. Ngunit agad din iyong napalitan ng tawa na ng aasar.

"Ikaw kasi! ang  takaw-takaw mo. Ikaw ba naman ang magtago sa bulsa  ng maraming chocnut. Yan tuloy, kinagat ka ng sangkaterbang langgam. Kung sana ay namigay ka nalang sa akin" Ang natatawang si Sepong.

Dahil dun ay kinapa ko ang bulsa ng skirt ko. Wala na dun ang mga chocnut. At nahulog na pala ang mga 'yun sa lupa kanina nang tumalon ako.

Bumili nga pala ako kanina sa cafeteria ng chocnut. Nakaligtaan ko na namang kainin yun kanina. Ano ba yan. Masyado na akong distracted these past few days ah. This is not good na talaga.

Iyon lang at kasimbilis ni Flash na itinakbo niya ako sa clinic.

-----ooo-----

Choke Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon