Kabanata Four

18 3 0
                                    

Kanina pa ako nahihilo. Ang sikip-sikip sa backstage kung saan nakahilera ang mga contestant sa ‘beauty contest’ kuno na gaganapin ngayong hapon sa University.

Tinangnan ko ang ibang mga contestants. Gusto kong tumawa sa mga hitsura nila. Kulang nalang ay isahog ang mga ito sa pinakbet dahil sa suot na mascot na iba’t-ibang klaseng gulay. Tumingin ako sa salamin. Tengene. Nakakasuka ang hitsura ko. Kahit na lumuhod pa si Orlando Bloom o si Chris Evans para lang magpaselfie sa akin ay tatanggihan ko. As in no way! over my sexy and drop dead gorgeous body.

Haay…Feeling ko ay any moment from now ay darating na ang fairy god-mother ni Cinderella para gawin akong kalesa.

Kaya pala body and brains ang contest. Kailangan pala ay malaki ang katawan ng representative ng section namin, para makayanan ang bigat ng pagdadaanan ng pagiging isang kalabasa. Tsk! Bakit ba naman kasi kalabasa? Pwede namang pipino o talong. Tsk!

Bakit ba kasi naimbento pa ang nutrition month?

Bakit ba kasi ako pa sa section namin?

Nangangawit na ang mga kamay ko. Gusto ko ng matapos ang araw na ‘to para masakal ko na si Sepong. Kasalanan ng lalaki ang lahat ng kalbaryong pinagdaanan ko. Akala ko pa naman ay mag-aala Shamcey Supsup ako ngayon. Iyon pala ay hanggang Squashy Supsup lang pala ako. Gusto kong umiyak. Pero matatanggal ang fake eyelashes ko kung gagawin ko ‘yun. Kaya tiis ganda nalang muna ako.

“Wow! Ang ganda mo Kirara! Hubog na hubog sa’yo ang suot mo. Kitang-kita ang curves at humps. Hahaha”.

Speaking of the devil. On-duty na naman si Sepong para asarin ako. Wala ako sa mood para makipagbangayan sa kanya. Hinang-hina na talaga ako sa sobrang init.

“Tumahimik ka. Hindi ka nakakatawa. Kasalanan mo ‘to!”

“’Di nga! Bagay nga sa’yo eh. Sino ba ang nakaisip na chop suey ang theme ng pageant ngayon? Galing! Genius!” ani Sepong na hinagod pa ang tiyan kakatawa.

“’O ‘ayan. Dinalhan kita ng chocnut at tubig.” Iniabot niya sa akin ang chocnut at tubig.

Kinain ko ang chocnut at ininum ang tubig nang mapansin kong parang walang balak si Sepong na umalis sa harapan ko. Tinitigan niya ako ng husto. Na-conscious tuloy ako. Kaya itinaas ko ang kilay ko.

“Ano ba’ng hinihintay mo? Shooo…” pagtataboy ko kay Sepong.

“Ano ba!!!!” tinulak ko pa siya para umalis na siya. Nacoconsious na ako eh. Kung makatingin ba naman kasi’y parang crush na crush niya ako. Hahaay… Ako na talaga!

“Fourteen pesos ‘yan lahat.” Sagot ni Sepong na nagpawala sa lahat ng hangin sa ulo ko. Ano ba naman kasi ang naisip ko at feeling ko’y crush na niya ako. Akala ko pa naman tumatalab na ang alindog ko sa mga guys. Tsk.

“Hah?” ang sabi ko nalang para hindi obvious na napahiya ako.

“Hindi mo pa ako binabayaran. At dahil mabait ako. Sige pauutangin kita. Sisingilin nalang kita mamaya.”

Choke Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon