Kabanata 28

1.9K 48 0
                                    

Haria

Inabot ng tatlong buwan bago tuluyang nakaalis ang buong pamilya ni Harry. Sa tatlong buwan na iyon ay mas naging malala ang bawat atake niya. Ang akala ko nga ay hindi na siya aabot sa ibang bansa. Habang lumalaki ang tiyan ko ay patuloy din ang panghihina niya. Wala akong ibang ginawa noon kung hindi ang manatili sa tabi nya at palihim na umiyak habang tulog siya.

Nag-resign siya sa pagiging mayor at ipinasa kay Loren ang responsibilidad. Maraming nalungkot at nabigla nang malaman nila ang kalagayan ng kanilang pinakamamahal na mayor. Umiyak pa si Harry noon nang makita ang reaksyon ng bayan.

Ang hindi ko makakalimutan ay ang unang beses niyang sumama sa akin magpa-check-up. Apat na buwan na noon ang baby namin, kitang-kita na talaga siya noon.

"I'm nervous about our baby, this is my first time to be with you," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Naku, Harry you're such a gay," sabi ni Dr. Fuertez.

Ibinigay sa akin ni Dr. Fuertez ang lab gown at pinagbihis na ako kagaya ng dati. Ipinahiga nya ako sa kama at may ipinasok ulit sa akin, napakislot ako at kaagad naman akong dinaluhan ni Harry na malamig ang kamay.

Sabi kasi ng doktor ay masyadong malaki ang tiyan ko para sa four months na baby. Hindi naman siya sobrang laki pero hindi lang normal for the fourth-month of pregnancy. Pwede daw na may abnormality sa ipinagbubuntis o baka naman daw kambal. Kaya kinakabahan rin ako.

May nag-flash na image sa screen at nagsimula na ring lagyan ni doktora ng gel ang tiyan ko at may itutok na device.

Maya-maya pa ay nakita kami sa screen na isang maliit na baby. It's a 4d ultrasound kaya may color and hindi black and white ang itsura.

I looked at Harry na nasa screen ang buong atensyon.

"Wala namang abnormalities, wala naman akong nakitang bukol or something. Malaki lang talaga ang baby. You spoiled her so much, that's why," sabi ni doktora.

"Her?" gulat na tanong ko.

"Yes, your baby was a girl. Congratulations! Naku, siguradong kamukhang-kamukha ito ni Harry," excited na sabi niya.

Nilingon ko si Harry na nakatulala lang sa screen.

"Harry? Huy!" tawag ko sa kanya.

"My baby girl, our baby girl," sabi niya at hinalikan ang kamay kong hawak niya. Naramdaman kong nabasa ang kamay ko. Umiiyak na naman ang iyakin na mayor.

"'Wag kang umiyak, masama 'yan sa iyo," bawal ko sa kanya at pinunasan ang luha nya.

"I'm sorry I can't help it. The emotions are overflowing," sambit niya at pinunasan ang sariling luha.

Pinipigilan kong umiyak dahil baka lalo lang siyang maiyak. Masama iyon sa kanya.

Extreme Beats Of Epiphany (EX SERIES 1) Self-Published Under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon