Part 3

25 8 0
                                    

"Oh! Andito ka Pala! Nagkita nanaman Tayo" mahinhin na sabi nya saakin Habang Kumakaway

"Paano nya Nakakausap Si Accel?" "Bakit nya kilala si Accel?"
"Ndi ba sya takot kay Accel?"
Yun lang Ang Naririnig Ko sa Mga Kaklase Ko na Parang nakatulala

"That's Great! May kakilala ka na Pala Dito Sa Classroom, Umupo Ka Nalang sa Upuan na Nasa Tabi Ni Accel"  Sabi Ni ma'am Habang Tinuturo ang Upuan malapit saakin

Dahang Dahan syang Lumapit saakin Habang Umiiwas nalang ako ng Tingin sakanya dahil sa Hiya

"Uy, Accel San Mo sya nakilala?  Parang May Something sainyo ha" Tanong saakin ni Josh Habang may Ngiting May Balak

"Wala" Sabi ko nalang Habang Nakatingin ako sa Bintana sa Labas

Pagkalipas Ng Ilang Oras Sa wakas Lunch Break na! Napansin kong Ang Dami Agad Na Lumapit sakanya maslalo na Yung mga kaklase kong Babae.

Gusto ko din syang Lapitan pero nahihiya ako kaya Naglakad nalang Ako paalis Sa Classroom

Malapit Na Ako sa Pinto nang biglang May Mga Lalaking humarang sa Dadaanan ko

"Sino Dito si Accel!?"  Sigaw ng Lalaki na parang naghahamon ng Away

Di maiwasan ng mga Kaklase ko na Tignan Ako

"Ako Si Accel Bakit Ano ba kailangan mo?" Sabi Ko Habang Ako'y Nakangisi

"Ahh So Ikaw Yung sumakal Sa kasama ko kahapon" Sabi ng Lalaki Habang nakatingin ng Masama

"Para lang naman syang Basura Na Nakaharang sa Daan" Sabi ko Habang Palaki ng palaki ang Ngiti ko

Halata Sa Mata nya na galit na galit sya

"Sundan Mo ako" kalmado nyang sinabi saakin

Sinundan ko Sya Hanggang Sa Likod Ng School ndi ko Maiwasan na Mainis Dahil Sa Mga Lalaking Nakapalibot saakin

Bago ko Pa Namalayan Bigla ko nalang naramdaman na parang may sumuntok Saakin Sa Sikmura Tsaka Biglang Sumunod ang isa pang suntok Sa Mukha ko, Di Ko Mapigilan na Magsuka ng Dugo Na parang May Bakal Na Tumama sa Tiyan ko

"Tsk, Yan lang Ba Kaya mo?" Sabi saakin ng Lalaki habang Tumatawa

"Napaka Hina Naman Ng Suntok Mo" Sinabi Ko habang dahan Dahan akong Tumatayo

Nakangiti akong Nakatitig Sa Lalaki Habang Nararamdaman ko na Tumutulo Padin ang Dugo sa Bibig ko

"H-hindi Yan Tao! D-demonyo yan!" Sigaw Ng Kasama nyang isa Na nanginginig at takot na takot dahil Sa Nakikita nya

Sa Paghakbang Ko ng Isa Lahat ng Kasama Nya, bigla nalang nagsitakbuhan Napansin ko na Di sya Makagalaw dahil sa Takot Maslalo akong Ngumiti na Para bang Papatay talaga ako ng Tao, Magkalapit Na Kami sa Isa't isa

"Buti nalang Binuhay Mo Uli ako" Sabi Ko Habang Nakatitig sa Kanyang Natatakot na Mukha

"M-maawa ka sakin!" Nanginginig nyang sinabi Habang Lumuluhod na sa Harapan ko

Binunot ko sa Bulsa ko Ang Cutter na Palagi kong Dala dala at dahan dahang kong Tinutok Ito sa Kanyang Tiyan

"Alam Mo kung anong gagawin ko dito?" Sabi ko habang hinahawakan ko ang dulo ng Blade ng Cutter

"H-Hindi" nanginginig nyang sinabi

"Dahan dahang Kong Bubuksan Ang Bituka Mo tapos Itatali Ko sa Leeg Mo At Isasabit Kita Sa Mismong Gate ng School" Sabi Ko Habang ako'y Tumatawa

Nanlaki ang mga mata nya at maslalo syang Nanginig ng Narinig nya ang Banta ko

"Bibigyan Kita ng 10 Seconds Para Tumakbo pag di ka pa tumakbo..." Dahan dahang kong sinabi Sa kanya

"Isa"

"Dalawa"

"Tatlo"

Bago pa mag apat kumaripas Na sya sa Takbo At nadapa dapa pa, ngumiti ako uli At Naglakad Pabalik ng Classroom, di mapigilan ng mga Tao Na Tignan Ako Dahil Sa Mukha ko na Punong Puno Ng Dugo

Nang Malapit na ako sa Pintuan ng Classroom

Nakita ko nalang Ang Mukha Ni Hikari Na Nag aalala Bago ako nawalan ng Malay.

Daily Life Of a VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon