Part 5

20 10 2
                                    

At Simula nung Hapon na yun, Araw araw na kaming Nagsasabay pauwi
Ndi ko alam pero sa tuwing magkasama kami Nahihiya ako parang di Ako nagiging matino Pag kasama ko si Hikari Di Ko alam pero parang nagugustuhan ko na sya

At kinaumagahan

"Umaga nanaman" tinatamad na Sabi ko

"Ehh Ayos Lang Makikita ko naman si Hikari" Pabulong kong sinabi Sa sarili ko

Pagkalipas ng isang oras, Nakatayo Na ako sa Pinagkikitaan namin lagi Bago Kami pumasok

At sa Di kalayuan Nakita Ko nang Papalapit si Hikari unti unting Lumalaki ang Ngiti Ko

"Oh Andito ka na pala Hikari!" Masaya Kong Sinabi Sa Kanya

"Hehe Sorry kung Medyo na late ako"
Sabi nya Habang Nakangiti

"Ahh Ayos lang yan, Tara na" Sabi ko

Habang naglalakad Kami ndi Ko mapigilang Tignan Sya at Ngumiti Nababaliw na ata ako

At Pagkapasok Namin kami lagi ang pinagtitinginan ng Mga kaklase ko Na parang kinikilig pag magkasama Kaming dalawa, Syempre Di ako nagpapahalata na kinikilig din ako

At habang nagkaklase na kami Nakatitig padin ako sakanya At Biglang PAK! Bigla nalang may Lumipad na Eraser sakin

"Mr. Accel? Are You paying attention?" Masungit na tinanong Ng Teacher Namin sa Math

Di mapigilang humalakhak ang mga kaklase ko, Di Nalang ako nagsalita at sinamaan ko nalang ng Tingin si Ma'am Umepekto naman na parang natakot sya sakin

"N-nevermind Let's get back to the lesson" kinakabahang sabi ma'am habang Nakatitig sya sa Mata ko

After School, Eto Nanaman kami magkasabay Pauwi At nasa Gitna na kami ng daan tapos, Biglang Umulan
Tumakbo Kami sa Isang Coffee Shop Para Magpatila Ng Ulan

"Dito muna Kaya tayo, Saktong Sakto mas magandang Uminom ng kape pag umuulan" sabi ko habang tinuturo ang Coffee shop sa Likod ko

"Sige, Tara" Sabi ni Hikari Habang Nakangiti

Ayun na nga Nagkape Kami Habang inaantay tumila yung Ulan Grabe Ang saya Ang Dami Naming Pinag usapan
Sana Ndi Na Huminto yung ulan para dito nalang kami

"H-hikari May s-sasabihin ako sayo" kinakabahan kong Sinabi sakanya

"Ano yun Accel?" Sinabi nya sakin habang nakatitig sa mga mata ko

"U-umm G-gusto...G-gusto" ndi ko matapos tapos

"Ha? Ano ba kasi yun? Gusto?" Tanong nya na Sinusubukang intindihin ang sinasabi ko

"G-gusto Ko pa ng asukal! Masyado kasing mapait yung kape ee" Hehe Nice Save Accel Sa susunod mo nalang sabihin Pag Handa ka na

Bigla nalang Napatawa Si Hikari saakin At kinurot ang Pisngi ko
Pagkalipas ng Ilang minuto Huminto na yung Ulan

"Tara na Bago pa bumalik Uli yung ulan" Sabi ni Hikari

Bago pa kami maghiwalay ng Daan

"Kita uli tayo bukas " sabi Nya habang nakangiti

Ngumiti nalang ako Dahil sa tingin ko nagustuhan nya ata Yung Nangyari Kanina

Kinabukasan Eto Ako Tuwang tuwa na pumasok eto na! Handa na ako para sabihin sakanya!

Ganun parin nangyari sa School ang Boring...At Yun sa wakas Uwian na eto na Bat parang wala si Hikari Sa Upuan nya? Lumapit ako Sa Kaklase ko at Tinanong Si Hikari

"Oi asan si Hikari?" Sabi Ko na may Malamig na Tono

"D-d-di ko Alam! Nakita ko sya na papunta sa Likod ng School" Nanginginig na sabi ng Kaklase ko

Pumunta ako sa Likod At Ayun! Nakita ko si Hikari Lalapitan ko na sana sya pero may Bigla Akong napansin..
May lalaki na nasa Harapan nya kaya nagtago nalang ako Sa gilid ng building

"Gusto Kita Hikari!" Sigaw ng Lalaki Na para bang Nahihiyang sabi nya pero pinilit

Sumilip ako ng Unti at Nakita Ko si Hikari na nakangiti na para bang Gusto nya din ang lalaki
Di Ko na kaya. Bumalik na Ako Sa Classroom at Kinuha Ang Aking Bag At Dumiretso nang Umalis papauwi

At habang nasa Daan Ako Nakita ako ng Lalaki na Sinuntok ko ng Isang araw

"Hoy! Ikaw Yung lalaki na nanira saamin Ni Ms. Beautiful diba?" Galit na sigaw saakin habang Papalapit sya kasama ang Mga Kaibigan nyang lalaki

Di nalang ako nagsalita dahil sa Nararamdaman ko ngayon

"Ahh Ayaw mo magsalita ha?"

Bigla ko nalang naramdaman na parang may Humampas sakin Napahiga nalang ako at Sunod sunod Nalang na suntok at sipa ang naramdaman ko. Ndi ko na pinuwersang Tumayo pa dahil sa nakita ko kanina

"Heh boy Bawi Ko lang yan dahil sa paninira mo ng Oras ko dapat kay Ms. Beautiful" sabi nya habang Tumatawa kasama ang mga kaibigan nya

At pagkatapos nun Nahirapan Akong maglakad ng May Galos at Duguan pauwi Ndi ko na alam kung anong gagawin ko.








Daily Life Of a VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon