Kiki's POV
Pamilya ang nakakasama natin sa bawat paghakbang sa hagdan. Hagdanang puno ng matutulis na bagay na humahadlang sa atin sa patuloy na pagakyat. Sila ang umaalalay sa atin at nagsisilbing sandalan kapag di na natin kaya. Ahh kaya naman pala nahulog ako sa hagdan e tsk tsk.
Simula pa lang ay nandyan na sila para sa atin. Nagkakaron man ng pagkukulang ay bumabawi naman sa pagmamahal.
Maswerte ako dahil nagkaron ako ng pamilyang katulad nila. Hindi nila ako pinabayaan kailanman. Kasama ko sila sa lahat ng laban, mapasabunutan man o suntukan. Sila ang nakasama ko sa maraming karanasan. Karanasang hindi ko malilimutan. Ngunit sa isang iglap ay nawala sa akin ang pamilya ko.
Simula nang malaman kong patay na talaga sina mommy at daddy ay hindi na ako lumabas sa kwarto ko. Hindi ko parin lubusang matanggap na wala na talaga sila.
Apat na araw na ang nagdaan ngunit hanggang ngayon ay nagmumukmok parin ako dito sa kwarto. Diba sabi ko naman sa inyo to be continued ang iyakan session. Tinupad ko na ha? Happy?
Humiga ako sa kama at napabuntong hininga. Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon pero hindi na kaya ng mata kong umiyak ulit.
Inilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng kwarto. Nahagip naman ng aking paningin ang isang refrigerator malapit sa may pintuan. Oh my Kiki! May ref nga pala sa kwarto ko ano ba yan! Binuhat ko nga pala ito pagkagising ko nung nahulog ako sa hagdan.
Agad kong nilapitan ang refrigerator. "Bastos kang ref ka! Nung isang araw pa ako nagtitiis ng gutom nandito ka lang pala." hinalungkat ko ang ref at nagningning ang aking mga mata nang makakita ako ng kisses at chuckie. Waaaah! Mah peboriiit.
Kisses' POV
"Chuckiee" pagtawag ko kay chuckie. "Nakita mo ba si Ate Kiki? Parang gutom na gutom sya patay na tayo neto huhuhuhu."
"Shhh. Wag ka na lang maingay baka marinig pa tayo ni Ate Kiki e" pagsaway sakin ni Chuckie
"P-pero g-gusto ko pang mabuhaaay waaah" patuloy kong pagngawa.
"Magtiwala ka lang sakin di tayo kakainin nyan ni Ate Kiki"
"Sige ha sabi mo yan. Pag lang talaga, nako nako ako una kakain sayo rAwrr." pananakot ko kay chuckie
"Hihihi ang wild naman puu." hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ni chuckie. Ha? Bakit? Ano bang mali sa sinabi ko?
"Anong wild? Sinong nagsalita ha? May tao ba dyan? Hala t-teka baka may magnanakaw! Hoy ikaw magnanakaw lumabas ka kung ayaw mong m-masaktan. T-tatawag ako ng pulis."
"Pfft HAHAHAHA" agad kaming napatawa ni chuckie dahil sa sinabi ni Ate Kiki. May saltik naman pala ang isang to e hahahaha.
Tumayo si Ate Kiki at nagsimula nang magtingin tingin sa pwedeng pagtaguan ng magnanakaw. Ang bangag nya naman, magnanakaw talaga? Hindi ba pwede kidnapper? Hayst bahala na nga sya diyan.
Kiki's POV
Kanina pa akong naglilibot dito sa kwarto ko para hanapin ang magnanakaw. Tiningnan ko na sa damitan ko pero walang tao dun. Nagtingin na din ako sa drawer kong lagayan ng panty pero wapa din sya dun. Alam ko na! Baka naman nasa cr. Nagtungo agad ako sa banyo para hanapin kung nandoon ba yung magnanakaw pero nabigo ako dahil naalala kong wala nga palang cr dito sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Can't Say Yes
FantasyPaano kung isang araw magising ka na lang na may dala dalang sumpa? Sumpang makakapagpabago sa buhay mo. Isang hindi pangkaraniwang sumpa dahil hindi ka maaaring sumang-ayon sa kahit ano at higit sa lahat hindi ka maaaring magsabi ng salitang "oo". ...