PROLOGUE

129 10 1
                                    

Prologue

Sumabog sa aking mukha ang sariling buhok nang umihip ang malakas na hangin. Papalubog na ang araw at ang mga alon ay mas lalong nagiging agrisibo.

Ibinaon ko ang aking paa sa puting buhangin, saka kinuha ang polaroid upang kuhaan ito nang litrato. Gumuhit ang tipid na ngiti sa 'king labi nang makita ang larawan.

Halos magkakulay na ang balat ko at ang buhangin. Kay Mamá ko namana ang maputing balat. Halos lahat ng aking facial features ay nagsisimbolo kay sa kanya. Mapulang labi, matangos na ilong at ang kilay. Katulad kay Papá ang aking mata, singkit.

Niyakap ko ang sarili nang muling umihip ang malamig na hangin, kulay kahel na ang langit.

"Mash!" Rinig kong sigaw ni Lean at Galli.

Nang lumingon ay gumuhit muli ang aking labi nang tipid na ngiti. Kita ko ang kislap ng saya sa mata ni Lean.

"Hey? You okay, Mash?" Tanong n'ya saka sila tumabi sa akin.

Pinagmasdan ko lang ang mga dahon na sumasayaw at tila galit na alon, I didn't answer her.

Naramdaman ko kaagad ang pagyakap n'ya sa akin kaya't napatawa ako.

"Don't worry, Lean. Hindi na ako nasasaktan." Saad ko sa kanya, walang bakas nang ngiti ang aking labi.

Narito kami ngayon sa isang sikat na resort sa La Manoc dahil kasal n'ya. Kasal nila. Kasal nila ng Ex-boyfriend ko.

"Sorry, Mash." Aniya.

Kita ko ang pekeng ngiti sa kanyang labi. Hindi ko naman rinig ang pagiging sinsero n'ya. Nagkibit-balikat  ako bilang tugon.

Nagsimula kaming magkwentuhan. Binalikan ang nakaraan. Napatawa na lamang ako sa mga kalokohan namin noon.

Tumigil sila sa pagtawa nang narinig ang pekeng ubo mula sa likod ko. Napatigil din ako.

Kunot-noo ko silang tiningnan, nagtataka sa pagtigil sa pagdaldal at pagtawa.

May ngiti pa rin sa akin labi, 'di tinatanggal.

Sabay nang aking paglingon ang unti-unting pagkawala ng aking ngiti.

He's back. He's finally back. They're back.

Notre Destin (La Manoc Series #1) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon