Chapter 1

103 13 1
                                    

Chapter 1

Sinalubong ako nang malakas na hangin. Kalalabas ko lamang mula sa aming mansiyon.

Mabilis akong nagtungo sa aming kotse, Aston Martin One... at agad na umupo sa backseat.

"Kuya Neil, sa gate na lang po ng university. Kaya ko na naman po." Ani ko.

Pinatakbo n'ya ito sa katamtamang bilis, pinagsabihan kasi s'ya.

First day of my second year college life.
Naging home-schooled ako simula nang mawala s'ya.

S'ya lang ang laging pinapayagan ni Mamá na kaibigan ko na pumasok sa mansiyon. Kahit si Gab na best friend ko'y ni hindi pa nakaaapak sa Terazzo tiles no'n.

"Thanks, kuya." Pagpapasalamat ko nabg buksan pa n'ya ang pinto ng sasakyan.

Tiningnan ko agad ang aking schedule, hindi ko gamay ang mga daan dito.

Nang makita, agad akong nagtanong sa ibang estudyante. 8:30 AM na... 8:20 AM ang simula ng akin.

Tinakbo ko ang distansya patungong building. Ni hindi ko alam kung bakit ako nahuli, maaga akong umalis ng bahay.

Mas lalo pa akong nahirapan. Magkakaparehas ang disenyo ng pinto, hindi ko alam ang papasukan ko.

Muli na lamang akong napatingin sa aking schedule.

Kibit-balikat akong nagtungo sa canteen. Hindi na ako nakatungo pa sa unang klase.

10:00 AM pa ang next class ko. Agad na dumapo ang tingin ko sa aking orasan, 9:10 AM pa lang.

Nang magbell kasi ay nawalan na agad ng estudyante. Wala akong kilala sa mga bago kong kaklase.

Bawat aking daraanan, ay pinagtitinginan ako. Estranghero ako sa kanilang mata... Mas lalong nag-init ang mukha ko. Nakita ko kasing nakatingin ang isang lalaki sa aking hinaharap.

Walang gana akong lumabas ng canteen at naglibot na lamang.

Inalarm ko ang aking phone nang sa gayon ay hindi ako mahuli sa susunod pang klase.

Hindi naman kasi rito nag-aral si Gab. Halos wala na rin kaming kumunikasyon, masyado s'yang busy.

Siguro, ang mga kaibigan ko no'n ay kaklase, o kasama ang kaibigan nila. Pait lang ang aking naramdaman.

Narinig ko na ang ingay ng aking phone. 9:50 AM na... Nagtungo na agad ako. First day kaya't walang lecture at puro pagpapakilala lamang.

Notre Destin (La Manoc Series #1) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon