Chapter 5

72 11 0
                                    

Chapter 5

Nakatingin lamang ako ngayon sa mga punong sumasayaw. Hindi na muli ako bumalik pa ro'n sa canteen, masakit na, e.

"Hey!" Gulat akong napatingin sa kanyang tinig.

"What happened? Umiyak ka ba?" Tanong ni Zam.

Ngumiti lamang ako, naupo s'ya sa aking tabi.

Ang bench na inuupuan namin ngayon ay malayo sa canteen. Sa likod ng building namin ako dinala ng sariling paa.

It's peaceful here...

Nangiti ako nang tumama muli sa aking balat ang malamig na hangin. Hindi masyadong tumatama sa akin ang sinag ng araw dahil sa mga dahon sa puno.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka na bumalik do'n sa canteen, e. Hindi na rin ako kumain dahil hinintay kita..." Nag-aalala n'ya pa ring sambit.

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa kahihiyan.

"I-I'm sorry. Sana, kumain ka muna. Baka magutom ka, 12:30PM ang next class mo." Ani ko.

Natingin ako sa aking relo, it's already 11:50AM.

"Mauna ka na, hindi tayo magkaklase sa next class mo." Saad ko.

"May time ka pa para kumain." Dagdag ko pa.

Sinunod n'ya naman ako, agad n'ya naman akong iniwan.

Tumayo na rin ako matapos ang ilang sandali at pumunta an sa last four class ko.

Notre Destin (La Manoc Series #1) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon