KABANATA 2:
DISCLAIMER: This is work of fiction. All Names, characters, places, events and incidents are purely made by the imagination of the author. Any resemblances to the actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.
CLOEE's POV
Pinulot ko ang pasta ng spaghetti na nasa ulo ko at damit at nasa floor na nag ka laglagan. Inilagay ko iyon sa kanang kamay at ng makuha ko ang mga pasta eh walang kagatol-gatol na tumayo ako at malakas kong ibinato sa abnoy na totoy na ito.
Ayoko sa lahat ay ang mga bully.
Nag bulungan ang mga tao sa paligid ko sa nangyari.
"Ohhhhh! Bakit niya binato si Lance?" Parang tangang tanong ng isang babae.
"She's insane! Paano niyang ginawa yun kay Lance my baby?"
"Sigurado akong lagot siya kay Abby." Pakialam ko kung kanino man ako mananagot.
Wala akong pakialam sa mga bulungan nila. Mga Letse silang lahat. Nag lakad ako paalis na sa loob ng canteen at bahagya kong hinawi si totoy para maka daan ako. I hate that man, letse siya! Bwiset!
Diretso akong nag lakad at hindi man lang ako yumuko dahil wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Who cares? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng may spagetti sauce sa buong katawan.
"CLOEE!" Narinig kong may tumawag sa akin pero hindi ko ito pinansin nag tuloy ako sa girls cr malapit sa canteen.
Nag hilamos ako sa may sink. Ilang beses kong hinilamusan yung mukha ko dahil sa inis. I really hate bullies as much as possible ayokong pumatol, pero sobra siya!
"CLOEE!" Nakita ko mula sa salamin ng cr si Angel yung classmate namin na tinulungan ako nung nasa room kami ng mag kainitan ng totoy na iyon. "I'm sorry for what happened." Sabi nito sa akin pero di ko siya pinansin. At tinuloy ko yung pag hihilamos.
Binasa ko yung buong buhok dahil sa puno iyon ng sauce ng spaghetti. Maya-maya lamang ay mula sa likod ko ay kinuha ko ang bimpo na naka sapin doon at iyon ang pinamunas ko sa basang buhok.
"C-cloee! I'm really sor.." Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Angel ng sinenyasan ko s'yang tumahimik.
"Hindi mo naman kailangan mag sorry sa akin!" Tipid kong sabi habang pinupunasan ko yung buhok ko.
"A-ahh! Okay!" mahina nitong sabi. "Wait me here, may damit ako sa locker papahiramin kita." Akma na itong aalis ng pigilan ko si'ya.
"A-ngel!" Tawag ko. "It's okay! May doble naman ako." Sabi ko.
Walang alinlangan kong hinuband yung suot kong oversized long sleeve shirt na naka tuck-in pa. Hindi ako mapakali na umalis ng bahay na wala manlang suot na doble especially kapag ang suot ko ay oversized shirt.
Medyo nakakailang nga lang dahil ang pang doble kong suot ay sobrang fitted kaya kitang-kita yung mga fats ko sa katawan. Tss! I hate this day! Nyeta!
Tiniklop ko yung damit ko kanina at nag lakad na ako palabas ng cr. Pero pinigilan ako ni Angel.
"Cloee! Wait lang si Miggy pa punta dito dala n'ya yung damit ko. I texted him." Sabi niya sa akin. "I know you're not comfortable on what you are wearing now." Sabi nito at nag lakad sa pinto ng cr at sumilip doon. "Thanks Miggy!" Narinig kong sabi nito at naglakad ito palapit sa akin. "Here!" Inabot n'ya saakin ang isang oversized long sleeve na kulay yellow.
Ayoko naman iyon tangihan dahil tama naman siya na hindi ako kumportable sa suot kong damit ngayon.
"This is the least that I can do for you!" Nakangiti ngunit halata mong ilang ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/196762015-288-k782274.jpg)
BINABASA MO ANG
STARRING GAME : MYSTERIOUS LOVE
Teen FictionDISCLAIMER: This work is a fiction. All Names, characters, places, events and incidents are purely made by the imagination of the author. Any resemblances to the actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental. © ALL RIGHTS R...