KABANATA 3:
DISCLAIMER: This is work of fiction. All Names, characters, places, events and incidents are purely made by the imagination of the author. Any resemblances to the actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.
JADE's POV
"Hindi!" Malakas kong sigaw kay Cloee. Napa lingon ang mga classmate namin. Mga chismosa.
"Please! Jade! Di ba nag usap tayo kagabi na wag na lang pansinin." Mahinang sabi ni Cloee sa akin.
Badtrip naman akong nag pa hila kay Cloee pa balik ng upuan at nilingon ko yung badtrip na Lance na iyon. Bwiset siya! Bully. Nakipag titigin pa ako sa sa Lance na iyon at ang kapal ng mukha talagang makipag titigan pa sa akin. Kung ako lang talaga ang away-awayin niya ay okay pero si Cloee? Hell no! Hindeeeeeeeeee!
Naputol naman ang titigan namin dahil pinaling ni Cloee 'yong ulo ko sa harapan.
"Wag ng patulan Jade! Bata yan." Mahinahon na sabi nito sa akin. "Okay ba 'yon?" Pag sigurado pa ni Cloee sa akin pero di ko naman siya sinagot. "Jade! Please!" Tawag pa muli nito sa akin.
"Hinde!" Matigas kong sabi. "Sorry Cloee! But I can't promise." Mahinahon ko lang na sabi.
Hindi lang kaibigan ang turing ko kay Cloee para ko na rin siyang kapatid kaya ayaw ko siyang masasaktan. At tsaka sa edad namin na ito ay madami na siyang pinagdaanan kaya naman ayokong masaktan siya o kahit may manakit sa kanya
Hindi na siya yung Cloee na kilala ko. Yung Cloee na konting bagay ay tatawa, konting bagay ay ngingiti...hindi na siya gano'n, kaya ayaw ko talaga na masaktan siya sa kahit na anong paraan. Natatkot ako na baka kung masktan siya ay mas lalo na kami---ako na makita yung dating Cloee.
"Pakiusap ko sayo Jade. Wag na." Nag mamakaawang tingin ni Ikkah sa akin. Hindi ko alam ang isasagot. Ayaw niya talagang nakipag away ako hanggang maari pati siya ay ayaw na mapapaway siya.
"O-okay!" Wala naman sa sarili kong sabi. "Pero ano ba 'yong nangyari?" tanong ko sa kanya. Nakita ko siyang napa buntong hininga at senyales yun na ayaw niyang mag kwento.
Nilingon ko naman si Angel at Miggy na naka tingin sa amin ni Cloee.
"Pwede niyo bang ikwento sa akin kung ano ang nangyari sa kanila kahapon?" Tanong ko sa kanila.
"Well according to my source... Nag kabangaan daw yung dalawa sa canteen." Tumaas naman yung kilay ko. Yun lang banggan lang. "Pero ang papa Lance ay mainit ang ulo kaya naman ang nag kalaglagan na gamit ng iyong lola Cloee eh sinipa daw. At ng mag pang abot sila dito sa room eh deadma daw itong si Cloee kahit asarin ni Lance so ang ending si papa mo Lance eh na badtrip. Ng umupo si Cloee sa last row eh hinatak siya ni Lance sa damit niya na parang akala mo dumampot lamang ng bag." Nag action pa si Miggy sa kwento niya. Kinuwento pa nito ang pag tulak ni Cloee kay Lance na natawa naman ako sa ginawa ng aking frenny. Pati na din ang nangyari sa canteen.
Natawa naman ako sa kwento ni Miggy na ma aksyon pang nag re-enact sa harapan ko at kami ni Angel naman ay na tatawa pa samantalang si Cloee ay yumuko lang sa table. Tss, wala talagang social life.
"Buti nga yan lang ang inabot niyang loko mong pinsan Angel." Natatawa ko pang sabi.
"Ha? Bakit may iba dapat bang ma abot si Lance?" Napa ngiwi ako.
'Ano ka ba naman? Muntik ka ng may masabi. Patay talaga ako kay Ikkah kung nag ka taon'
Pinalo-palo ko yung bibig ko.
"H-hahaha!" Peke kong tawa. "Wala naman yun lang." Nilingon ko si Cloee at para naman wala itong paki alam na naka yuko pa rin sa table.
Hindi naman nag tagal ay nag simula na din ang klase namin tahimik naman kaming lahat hindi naman terror ang instructor namin sadyang tahimik ang lahat siguro dahil advicer namin ang nandito.
BINABASA MO ANG
STARRING GAME : MYSTERIOUS LOVE
Teen FictionDISCLAIMER: This work is a fiction. All Names, characters, places, events and incidents are purely made by the imagination of the author. Any resemblances to the actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental. © ALL RIGHTS R...