Nasa basketball court ako ngayon,nanunuod ng game nila Leo.Crush ko so Leo kaso malabong maging crush niya din ako ang gwapo niya,magaling magbasketball,famous eh ako mukhang dugyutin.
"Woooo Leoo go 3 points nayan"
"Leo akin ka nalang"
"Leo koooo" sigaw ng mga babae sa paligid ko.
Diko maiwasan di mapahanga MVP na naman siya consistent.Natapos ang laro panalo sila Leo nakatingin lang ako sa kanya mula sa malayo."Clara tara na uy wala kang pag-asa diyan" sigaw ng kaibigan kong si Cy.
"Qaqo alam ko,ito na aalis na" umuwi na kami pagkatapos ng laro nila.
Gabi na naisipan naming pumunta sa field,tambayan ito ng mga tao sa lugar namin kapag gabi maganda kase ang tanawin,pwedeng magdate,magpicnic or ano.Kasalukuyan kaming nakahiga ng tropa ko,nakatitig ako sa kalangitan, "grabe ang ganda ng langit" sabi ko sa sarili ko.
Andami kaseng bituin sa langit ngayon,maya-maya may nakita akong shooting star naalala ko ang sabi ni lola napag may nakita daw akong shooting star ay pwede daw akong humiling at magkakatotoo ito.Agad akong pumikit ang hinihiling ko na sana mapansin ako ni Leo.
"Clars tara na gabi na masyado baka hanapin tayo"aya ng kaibigan ko
"Uzg una na kayo susunod agad ako"
"Sige hintayin ka namin diyan" sabi nila at umalis.Pinagmasdan ko muna ang langit bago tumayo.Pagtayo ko biglang nandilim ang paningin ko nakaramdam ako ng panghihilo,matutumba na sana ako nang biglang may kamay na sumalo sa bewang ko.Pagdilat ko isang gwapong nilalang ang aking nasilayan,binatang matagal ko nang inaasam-asam.
"ayus ka lang clara?" tanong niya at agad akong tinulungang makatayo.
"Ah o-oo" nauutal kong sabi.
"Mag-ingat ka sa susunod ah baka mapano ka" sabi niya sabay ngiti,umalis nadin siya pagkatapos nun.Diko.maiwasan hindi sumaya, kilala niya ako? pano kaya yun sa isip ko panay tili na ako."Tara na uwi na tayo" aya ko sa tropa ko.
"Aba lawak ng ngiti ah" ani ni Risa
"Syempre" hanggang sa pag-uwi di parin mawala ang aking ngiti.