Gabi na nang akoy makauwi.Madilim na kalye,malamig na hangin ang aking tinahak sa pag uwi.Nag-iisa walang kasama.Pagpasok sa bahay bigla ako nakaramdam ng kamay na dumampi sa aking mukha
"anong oras na ngayon kapa,aba san ka ang susuot bata ka ano nakikipagharutan ka na naman sa mga lalake di kana nahiya puro ka landi,sayang lang pagpapakain,pagpapa-aral namin sayo wala kang kwenta palamunin kalang litc kang bata ka"bungad sakin ng mahal kong ina.
"Ma galing po ako kina..." isang sampal uli ang aking natanggap
"aba sumasagot kanang bata ka yan ba nakukuha mo sa pagbabarkada?" sabi na naman niya.Diko mapigilang di umiyak umalis ako at umakyat sa kwarto.❝Salitang masasakit na pilit na mawaglit sa munti kong isip itoy nakaukit❞
Hindi naman paglalandi inaatupag ko nay sabi ko sa isip ko.Humiga ako at inalala ang masasakit na salita na kanina kopa natanggap.
-----Flashback-----
"Ms.Cleo bakit ganito tung classroom natin,President kapa naman napakapabaya mo" ani ng adviser namin."Cleo you have only two days para tapusin ang research paper niyo i hope matapos niyo na yan nakakahiya honor student kapa naman" ani ng teacher namin sa English.
"Dika kase maganda kaya dika pwede dun,tignan mo dika sexy walang maganda sayo Cleo" ani naman ng mga kaibigan ko.
Tinapos namin ang research paper ayoko madisappoint sila sakin.Pero yun nga ginawa kona ang lahat pero kulang padin.Sana andito si papa pakiramdam ko wala akong kasanga,walang taga protekta.
❝Labis na pangungulila ang nadama nang ikaw nawala, sanay maibalik pa ang panahon dahil miss na kita papa❞
Sa bawat araw laging ganyan ang aking natatanggap.Pangungutya,pressure,insecurities at iba pa.Nanliliit ako sa sarili ko,minsan gusto ko nalang umiyak ng umiyak.Nakakasawa na minsan lagi nalang ganito.Sarili kong ina diko ramdam ang pagmamahal niya, pano nalang sa iba.Walang nakakaintindi sa nararamdaman ko walang wala.
❝Lumalalim na gabi ngunit akoy gising pa at nagmumuni muni inisip lahat ng pangyayari at ano ang aking silbi❞
Nakaupo sa sulok ng kwarto diko alam ano gagawin ko.Uminom ako ng gamot inubos ko lahat,hanggang sa nawalan ako ng malay.Sobrang sakit sa dibdib.
❝Akoy napamulat,iba ito di ordinaryo tanging puti nakikita ko oras na nga kinukuha nako ito na ang mundo,walang masasakit na kung ano❞.