Una

6 0 0
                                    

"Keycee anak,gumising ka na! Mahuhuli ka na sa klase mo!" hmmmm!!tss ang aga-aga pa eh... Kahit labag sa loob ko na bumangon mula sa aking kinahihigaan ay dali-dali akong tumayo at nagpunta sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa kusina kung saan naroroon si mama.
"Oh Keycee,kanina pa kita ginigising ahh..Ano ka bang bata ka? Alam mong
maaga ang pasok mo pero nagpupuyat ka pa'rin" sermon ni mama...Sanay na ako sa ganyan nya.Lagi na lang yan tuwing gigisingin nya ako sa umaga upang pumasok sa paaralan ay may pa-almusal s'yang sermon sa'kin. Palibhasa'y kaming dalawa na lang ang magkasama.Yung magaling kong ama,iniwan kami ni mama noong nalaman n'yang nagdadalang-tao si mama sa'kin.Nung una ay nagalit ang mga magulang ni mama dahil hindi sya pinanindigan ni papa.Ngunit di naglaon ay natanggap na din nila ang pagdadalang-tao ni mama dahil "biyaya" daw ako ng diyos.Ako naman ay lumaki sa pangangalaga ng tita at lola ko kaya hindi ako masyadong sanay na kasama ang nanay ko.Tinatawag nga nila ako'ng "lola's girl" dahil hindi ko kaya'ng malayo sa lola ko.Ngunit ng pumanaw si lola ng dahil sa sakit ay kinuha na ako ni mama sa bahay nila lola.Labag man sa kalooban ko ang makisama sa kanya ay wala akong magawa dahil wala akong ibang mapupuntahan bukod sa kanya.Hindi naman sa galit ako sa nanay ko pero pakiramdam ko kasi isa akong malaking pagkakamali kapag kasama ko sya.Para ba'ng napakamalas kong nilalang dahil ng isilang ako,kung anu-ano nang dagok ang naranasan ng pamilya ko.Una,iniwan ng tunay kong ama si mama,pangalawa,namatay si lolo ng dahil sa pamamaril,pangatlo,naaksidente si lola na naging dahilan ng pagkalubog namin sa utang para sa pagpapagamot nya..Hayys basta ang gulo..Nahihirapan ako.

-wala nang prolouge toh mga pards.tinatamad ako ehh..abangan nyo na lang ang mga susunod na kabanata..babush!!😁

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Happy PillWhere stories live. Discover now