Nagising ako sa alarm ng aking cellphone maaga kasi kaming aalis ngayon dahil lilipat na kami ng bagong tirahan dahil sa pangyayareng hindi inaasahan
Bago ako umalis nag libot libot muna ako sa dalampasigan
Ma mi miss ko ang lugar na ito lalong Lalo na yung mga Kaibigan ko, dito na ako lumaki nakakalungkot lang isipin na iiwan na namin ang lugar na itoHabang nag lilibot ako ay tumunog ang aking cellphone, tumatawag si mama nag bitaw muna ako ng mabigat na Pag hinga bago ito Sinagot
"Anak umuwi ka na malapit na tayong umalis" malungkot na Sabi nya narinig ko ang mabigat na Pag bitaw ng hininga nya sa kabilang linya nalungkot agad ako dahil ayoko pang Iwan ang lugar na ito napaka ganda ng mga tanawin ang aliwalas sa mata, napangiti na lang ako ng may halong lungkot
"Opo mama parating na po" malungkot na Sabi ko
Ito na siguro ang panahon para mag paalam
Paalam na Carl Manzano
Siguro mas mabuti na din ito para maka Pag move on hindi ko na din kaya Pag nakikita kita, mas sumasakit Lalo ang dibdib ko hindi ako nag sisisi na minahal kita it's lesson learned for me salamat at paalam.
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko
Umuwi na agad ako sa bahay dahil aalis na kami mayamaya lang, pagkapasok ko ay niyakap ko agad si mama at umiyak sa kanya na parang isang batang paslit"Ok lang yan my princess lagi mong tatandaan na nandito lang kami sa tabi mo kapag may problema ka" tumango ako at mas lalong hinigpitan ang Pag kaka yakap ko Kay mama dahil masyado akong naging emosyonal sa mga sinabi nya "mag Sabi ka samin pakikinggan ka namin hindi ka nag iisa my one and only princess kasama mo kami"
Hinahod ni mama ang likod ko upang patahanin ako. nag papasalamat ako sa dyos dahil sila ang naging magulang ko wala ng mas hihigit pa sa Kanila I'm so lucky to have them."Sabihin mo sakin anak kapag may nanakit pa sayo babasagin natin ang Bungo nun" natawa ako sa inasta na papa, lumapit sya samin ni mama at yinakap kami ng mahigpit
"Tama na ang drama my princesses aalis na Tayo"
Nalungkot ulit ako ng sinabi ni papa YunUmakyat na ako sa kwarto para kunin ang aking bagahe na hinanda ko kahapon tinignan ko ang bawat sulok ng aking kwarto ma mi miss ko to sobra
*Knock knock*
"Anak hihintayin ka namin sa baba" hindi na lang ako sumagot dahil baka maiyak ulit ako bumaba na ako ng kwarto at andun sila mama at papa na nag hihintay sakin
Nilagay na namin ang mga gamit namin sa likod ng kotse ni papa sumakay si mama sa harap at si papa naman si driver's seat at ako naman at sa likod, pinaandar na ni papa ang kotse at kami ay tahimik lang buong byahe napapansin ko din na madalas nila akong tignan sa rear mirror alam Kong nag aalala sila sa akin nginitian ko na sila na sinasabing ok lang ako.
Nagising ako ng may tumapik sa balikat ko si mama pala hindi ko na malayan na nakatulog ako Pag labas ko ng kotse ay hindi ko maiwasang mamangha sa laki ng bahay kumpara sa bahay namin sa Pangasinan ang laki nito kaya hindi ko maiwasang mag tanong
"Mama bat ang laki ng bahay natin e tatlo lang naman tayong tutors dyan?" Ngumiti sakin si mama at alam Kong may itanatago sya sakin kilala ko si mama at alam Kong pilit lang ang ngiti na Yun tinignan ko naman si papa ng nakakunot ang noo ngunit ginantihan nya lang rin ako ng ngiti so weird alam Kong may tinatago talaga sila sa akin.
Kinuha na namin ang mga gamit sa likod ng kotse at pumasok sa loob ang laki nito at ang ganda
Tinuro sakin nila mama at papa kung saan ang kwarto ko ang laki at maaliwalas sa paningin dahil kulay puti ang aking kwarto may bintana sa gilid nito at kitang kita ang sikat ng araw at magandang tanawin bumaba na ako para kumain."Anak nag pakuha na ako ng mga yaya at bodyguard na magbabantay sayo" kumunot ang noo ko nagtataka ako sa mga ikinikilos nila ano bang problema.
"Ma,pa" tawag ko sa Kanila at agad namang tumingin sa akin
"May problema ba"agad Kong tanong na ikanayuko ng ulo nila
"May kailangan ba kayong sabihin sakin mama papa?" Nakita ko ang pagkabagabag sa kanilang mga mata nahintay ako ng isasagot nila"Anak kasi may problema kami sa bussines natin sa London hindi na daw lumalago iyon" pagpapaliwanag ni papa so anong ibig nyang sabihin iiwan nila ako dito?
"Kailangan namin pumunta doon anak kasi baka bumagsak ang bussines natin mahirap na alam mo naman na pinaghirapan Yun ng lolo mo diba at ipinamana sa akin? Sana maintindihan mo anak" nagaalalang Sabi ni papa tumango na lang ako at umakyat papunta sa kwarto rinig ko ang pagtawag nila ngunit hindi ko na ito pinansin isinubsub ko agad ang aking mukha sa unan hindi ko maiwasang umiyak
Bakit? Bakit ganon Pati ba naman sila iiwan ako? Akala ko ba andyan lang sila sa tabi ko tuwing may problema ako? Pero bakit ganon? Iiwan nila ako dito? Naiintindihan ko naman sila e but I'm her daughter I should be the one priority ang selfish man Pero gusto ko nasa tabi ko lang sila*Knock knock*
Pumasok si mama at umupo sya sa kama ko at umayos naman ako ng upo tiningnan ako ni mama na parang tinatanong kung ayos lang daw ba ako sinuklay ni mama ang buhok ko gamit ang kanyang Kamay
"My princess" paninimula nya
"Sana maintindihan mo anak para sa iyo tong ginagawa namin gusto namin na mabigyan ka ng magandang kinabukasan" Sabi ni mama na hanggang ngayon ay sinusuklay ang buhok ko niyakap ako ni mama at hinalikan sa noo
pumasok si papa sa kwarto ko at yumakap din samin ni mama siguro nga kailangan ko muna Silang intindihin"Naiintindihan ko ma,pa" nginitian nila ako at ginantihan naman nila ako ng matamis na ngiti
"Next week pa naman ang alis namin ng mama mo so may time pa tayo para makapag bonding, magbihis kayo at aalis tayo" Sabi ni papa at ako naman ay tumango lang lumabas na sila at ako naman ay naligo muna simple lang ang aking sinuod isang T-Shirt at ripped jeans at rubber shoeBumaba na ako at nakita ko sila papa nginitian ko lang sila at pumasok na sa kotse
Pumunta kami sa amusement Park ang ganda at ang laki nito
May nakita ako Ferris wheel at Sabi ni papa sasakyan daw namin lahat yan bumili na si papa ng ticket para sa pangkalahatang rides kabado ako dahil first time ko lang sumakay dito hinawakan ni mama ang Kamay ko kaya medyo nawala ang Kaba sa aking dibdib malapit na umandar ang ferris wheel kapit kapit ang Kamay namin nila mama at papa tumingin ako sa langit at napangiti ako ang saya para akong lumilipad sa kalangitan tinignan ko sa papa at mama na naka ngiti sa akin hindi ko maiwasang malungkot dahil aalis na sila next week nginitian ko na lang din silaPag katapos namin sakyan lahat ng ride ay kumain kami sa isang restaurant halatang masasarap ang mga putahe pumunta na si papa sa cashier para umorder
"Anak mag iingat ka ha? Pag umalis na kami huwag kang malulungkot babalik din kami agad tawagan mo lang kami Pag may problema ka ha?" Nginitian ko si mama at tumango dumating na si papa dala dala ang mga masasarap na putahe pagkalapag nya sa table ay kumuha na agad ako
"Ang sarap" Sabi ko na lang na ikinatawa ni mama at papa napangiti na lang ako dahil pansamantalang hindi ko muna makikita ang mga ngiti nila
Umuwi na kami sa bahay pinag usapan namin kung kailan ako mag I start pumasok sa aking paaralan
"Bukas ay papasok ka na nakaayos na lahat ng papeles mo bago pa tayo pumunta dito sinigurado naming wala ka nang po problemahin" Saad ni papa Ewan ko kung anong mararamdaman ko may part na excited na akong makita ang aking paaralan at may part na nalulungkot dahil miss ko na ang aking paaralan sa Pangasinan
Gabi na nang makauwi kami kaya pagkatapos ko kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at tinignan ang mga sulok nito
This is the new beginning Sabi ko sa sarili ko at nag simula ng matulog

YOU ARE READING
FARICH UNIVERSITY
Fiksi RemajaAddison Del Mundo isang babaeng nag transfer sa Farich University at sa Pag transfer nya dun makakabangga nya Isa sa mga sikat sa kanilang University. Grade 9 student na si Addison Del Mundo and math ang strength niya. Gugulo ang buhay niya simula n...