1

8 1 0
                                    

NAGLAHO
08.11.19

Nawala man bigla ang mga bagay nating nakagisnan
Patuloy pa rin itong nasa puso't isipan
Nawala man ang mga ninuno ng ating bayan
Mananatili ang pasasalamat sa dami ng kanilang pinagdaanan

Isa ang teknolohiya sa dahilan ng pagbabago ng kultura
Kasama na rito ang internet world o social media
Naglaho na ang tradisyon na minsan ding nasa ating alaala
Mga tradisyon na naghahatid sa atin ng leksyon at saya

Sa panahon ngayon, di alintana ang laki ng pagbabago
Mula sa anyo hanggang sa pananalita ng mga tao
Pati alpabeto at kultura ng mga Pilipino
Unti-unti na ring nagbabago, lumalabo at naglalaho

Gayun pa man, iba-iba ang ating paninindigan
Meron pa ding hindi nagpapalamon sa panibagong kaalaman
May mga Pilipino pading patuloy na lumalaban
Na sana maibalik ang naglaho at dati nating kinagisnan

Unsaid WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon