The Demon's Bride

11.7K 200 3
                                    

28th in August

"You think they will like me?" Kinakabahang tanong ko kay Jonathan. Ngayon niya ako ipapakilala sa parents niya. 2 years na kami at ang relasyon namin ay di pa legal both sides.

"You're perfect." Everyone knows I'm not.

Nasa labas na kami ng bahay nila. Ito na talaga. Ipapakilala na niya ako. I feel so small in this big house. Sumisigaw ng karangyaan ang bahay nila. Pumasok kami sa bahay nila at agad bumungad sa amin ang isang babae.

"Jonathan, you're here." Sabay halik niya sa pisngi ni Jonathan. Sinulyapan niya ang kamay naming magkahawak. "Let's go. Dinner's ready." Tumalikod ang mama niya at dumiretso sa dining room. Sumunod naman kami sa kanya.

Umupo kami ni Jonathan sa kanang bahagi ng lamesa habang ang ina niya ay nasa harap namin at ang ama niya ay nasa gitna.

"Mom, Dad. I would like you to meet my girlfriend. Miranda." Pakilala ni Jonathan. Doble ang kaba ko nang dumapo ang tingin nila sa akin at agad nilang binalik ang tingin sa pagkain na para bang wala silang pakialam sa presensya ko.

"Jonathan, kumusta ang kompanya?" Pangunguna ng tatay niya. I don't know how to react. It's like I felt embarrassed for myself.

"It's going good, dad."

"Jonathan, you know I don't like that girl." Saad ng mama niya bigla. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Jonathan.

"Mom..."

"Miranda Victoria Cateñeho anak ni Rina Cateñeho at Victor Rodriguez. Di mo man lang dala-dala ang apilyedo ng ama mo. You think I like you for my son? Your parents is murderer. Nasa kulungan sila tama?" Sinasabi yun ng ina niya na para bang ayos lang sa akin na sabihin niya yun. "Nasa kulungan sila, tama?" Mariing tanong ulit ng ina niya. Napayuko ako at napatango.

"Mom, please... Nakakahiya-"

"Nakakahiya talaga siya. Why you want that girl anyway? May babae namang mas desente diyan at pera lang ang habol sayo niyan." Saad naman ng papa niya.

Nagsimula ng sumakit ang lalamunan ko. Nangingilid narin ang luha ko. Ito ang pinakanakakahiyang bagay na nangyari sa buhay ko. The last thing I want is to embarrass myself to the front of my love.

"Dad, please. I don't want you to talk to her like that."

"Jonathan, there's so many girl that are rich, descent and have a perfect background. Why you want her? Ginayuma ka ba?" Nag aalalang tanong sa kanya ng mama niya.

Pinag uusapan nila ako na para bang wala ako rito.

"Mom, please!"

"I don't know what to do with you anymore, Jonathan. Ilang beses naba naming sasabihin sayo na hiwalayan ang babaeng yan dahil ikakasal kana?"

Nanlaki ang mata ko at agad na napatingin sa kanila. Sumilay naman ang ngiti sa labi nila.

"Oh? You didn't know. Jonathan will be marrying a rich girl. He already have a fiancee." Malambing saad ng ina niya sa akin.

Napatingin ako kay Jonathan. Hinihintay ang sasabihin niya. Sana di ito totoo.

"It's true."

Shit!

Agad akong tumayo at tumakbo papaalis sa bahay nila. Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha. Ang lalaking nag iisang kadangga ko sa lahat ay mawawala na. Di ko namalayan na hinabol pala ako ni Jonathan.

"Miranda, wait." Hinawakan niya ako sa kamay at pinaharap sa kanya. "I'm sorry I didn't tell you. I don't want to marry another woman rather than you. You're my life, you know that. Di ko sinabi sayo kasi gagawa ako ng paraan para di matuloy." Pinahid nia ang mga luha sa pisngi ko. "Stop crying. I'm so sorry, Mira." Hinalikan niya ako sa noo at niyakap. "I should have told you. Please don't be mad at me."

I'm not mad. It's just hurt. Isipin ko palang na mawawala siya sa akin para na akong pinapatay. Niyakap ko siya pabalik.

"I will fight for us."

Tumango ako at umiyak sa dibdib niya. I believe in him. We will get through this.

We will fight for us.

Hinatid ako ni Jonathan sa bahay. Di na namin pinag usapan ang nangyari sa bahay nila. Bago ako nakaalis sa kotse ay hinawakan pa niya ang kamay ko.

"I love you, Miranda. We will get through this I promise. Trust me."

"I trust you and I love you." Mahina kong sabi.

"Goodnight, Mira."

"Goodnight, Johnny."

"Sorry ulit."

"I love you." Umalis na ako sa kotse. Lumabas naman siya at hinabol ako. "Bakit?"

"I love you too." Hinalikan niya ako sa labi. Agad din naman akong napapikit. Agad nawala ang bigat sa dibdib ko. It feels like home. "Bye."

Umalis na siya. Pumasok naman ako sa maliit kong bahay. They right my mother and father is in jail because of murder. Sanay na ako sa panghuhusga kaya lang napahiya ko si Jonathan sa harap ng pamilya niya.

Si Johnny muna bago ako.

Yan talaga ang tinatandaan ko.

Nakaramdam naman ako ng gutom. Tama di ako nakakain ng maayos sa bahay nila Johnny.

"Gusto ko ng pagkain." Saad ko. Wala akong pagkain dito.

May kumatok naman sa pinto. Napatingin ako sa oras 10pm na.

"Sino naman ang maghahanap sa akin ng ganitong oras?"

Pinagbuksan ko ng pinto kung sino man yun. Napangiti ako nang makita si Johnny.

"Ba't nandito ka na naman?" Sabay sandal ko sa gilid ng pintuan.

"Nagugutom ka."

"How did you know?"

"Ah... I just know." Sabay iwas niya ng tingin. "Halika." Sabay talikod niya. Sinundan ko siya at hinawakan ang kamay niya. Naramdaman ko naman ang paghinto niya.

"You okay?" Tanong ko.

"Uh... Oo naman." Naglakad lang kami hanggang sa napunta kami sa madilim na parte ng kalsada. Naunang pumasok si Johnny sa gubat sa gilid ng kalsada.

"Johnny! Ba't ba tayo nandito?" Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nilagay niya ang daliri sa bibig sabay kindat sa akin. Hinila niya ako papasok sa madilim na gubat.

Halos wala akong makita kaya nadadapa na ako.

"Johnny!" Nadapa na ako. "Aray!" Naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin. "Nakikita mo ba-" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ang mga mata niyang umiilaw sa gitna ng dilim. Asul ito.

Bago pa ako makatanong sa kanya ulit ay nakakita na ako ng liwanag. Namangha ako nang nasa harap namin ang isang malaking puno at ang mga dahon nito ay umiilaw.

"Wow." Umalis ako sa pagkakabuhat niya at namangha na sa puno. Nalimutan ko na ang dapat na itanong sa kanya.

"Halika rito." Napatingin na ko kay Johnny. May lamesa sa tabi niya. Umupo siya sa upuan. Umupo naman ako sa katabi niyang upuan.

Madaming pagkain sa lamesa kaya kumain na ako.

"Ang ganda naman dito. Pano mo nalaman ang lugar na ito?"

Napatingin ako sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Will you marry me?"

Napatigil ako sa pagsubo sa sinabi niya.

"Pero paano ang magulang mo-" natigil ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Will you marry me?"

"P-pero-"

"Will you marry me?" Nahinto ako sa paghinga nang magtama ang mata namin. Bakit iba ang mata niya kesa sa dati?

"Y-yes." Agad dumapo ang labi niya sa akin. It feels so unfamiliar but its good. It gives sensation into my body.

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon