From Eden

113 3 0
                                    

Sabi ko hindi kita isusulat, dahil baka mawala ka sa'kin...pero ngayong matagal ka nang lumisan, oras na ata-- para mapakawalan na rin kita.

B E A

ABALA ako sa pagpapatong-patong ng mga kahon na naglalaman ng mga donasyon sa isang tabi.

"Atoy, may gusto raw itanong 'tong si Deanna, para raw sa project."

"Hala 'la nga, si Ate Mona talaga."

Narinig kong mahinang sambit ng volunteer na si Deanna.

Napalingon ako kay Ate Mona, isa sa mga kasamahan ko rito sa pinagbubuluntaryohan kong charity at s'ya ring nagsisilbing coordinator. Kinagiliwan n'ya akong tawaging Atoy kahit pa 'di naman talaga iyon yung tawag n'ya sa akin nung nasa kolehiyo pa ako at unang magtrabaho para sa kanya.

Napabaliktanaw tuloy ako sa kung bakit 'yon yung tawag n'ya sa akin.

Kabado ako at halos wala pang kain, bumabaliktad ang sikmura ko, ito na ang araw na lalabas ang resulta ng bar exam.

Halos mapatalon ako nung biglang tumunog ang telepono ko, tumatawag si Ate Ella.

"Bea! Passed!"

Nanigas ako, si Ate Ella kasi pumunta talaga s'ya sa harap ng korte suprema para makita ang resulta kasama ang mga supportive baklita n'yang friends na sina Ate Mona at Kuya Synjin.

"Ha?! Atoy na ako?!"

Nabulol ko pang sabi sa halip na attorney. Narinig ko ang malakas na tawa ni Kuya Synjin. Anak ng pucha nakaloud speaker pala!


Napailing na lang ako.

"Ano 'yun, Deanna?"

Nakita ko itong akala mo nanliit bigla nung tawagin ko ang pangalan n'ya.

"Ano, Ate Bea ano po--"

Sa pagiging malikot nito dahil ata sa kaba ay natabig n'ya yung mga librong donasyon rin sa isang tabi.

Napatili ito at buti na lang din na nasalo n'ya ang mga iyon.

"Kalma lang, Deanna." Natatawa kong saad.

"Uhm...Pano po--? Pano po kayo nakamove on?"

Parang biglang may tumusok sa dibdib ko.

"Ha?"

Maangmaangan ko pa.

"Uhm...ano--sabi kasi ni Ate Mona, eh maharot daw po kayo't may mga experience sa relationship."

Napahalakhak ako. Ang akala talaga ng lahat sobrang landi ko.

"Oh sige, anong gusto mong malaman? Move on saan?"

Napalunok si Deanna, at napasandal sa poste sa tabi n'ya.

"Doon...doon sa pinaka minahal mo."

Parang bumalik sa akin lahat. Nagreplay na akala mo lumang pelikula.

Septyembre 2019

"Lecheng late na naman 'tong mga to!"

Asar na bulong ko sa sarili, eh paano ba naman, ilang oras na lang eh magdidilim na pero wala pa rin yung mga kasama kong mag-aayos ng pagkain para sa frosh welcome party!

Halos gusto na tumakas ng puso ko sa dibdib ko sa lakas ng tibok nito nang dahil sa kaba. Tatawagan ko na sana sila nang makita ko sa malapit na room si Therese! Hay salamat! May kasama na rin.

Tinakbo ko na lang yung distansya naming dalawa.

"Hoy There--" natutop ko yung bibig ko noong marealize kong may kausap pala s'ya.

Pamilyar s'ya sa akin. Ito ba 'yung Cait? Hindi, eh.

"Bea" untag nya sa akin. Hala kilala n'ya ako?!

"May sinasabi si Therese."

Uuwi raw pala muna sya dahil may dance practice pa sila nitong si...Jhoana. At nakapustura na tong Tere na 'to para sa event mamayang gabi, 'di pwedeng mapawisan syempre!

Pero nataranta ako, baka mamaya eh malate pa sya! Baka magsolo ako mamaya kung mamalasin! Kaya dalidali kong binuksan ang bag ko at inabot sa kanya ang extra kong red shirt!

Saka naman ako nakipagchikahan dito kay Jhoana habang lumayas si Therese para magpalit ng damit.

"ATE BEA!"

Naibalik ako sa kasalukuyan noong magsalita si Deanna.

"Natulala po kayo d'yan. Mamaya n'yo na lang po siguro ako sagutin nung tanong ko at tinatawag na ako ni Kuya Synjin."

Napatingin lang ako sa sahig.

Jho...pano nga ba?

-WLR

Playlist One Shots ft.VolleybellesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon