Prologo

755 25 24
                                    

A/N: My first story here on wattpad and I've decided to REWRITE and REPUBLISHED it. Sana masuportahan.😊 If you happened to notice any typos and grammatical mistakes, feel free to point it out. I'll edit na lang.

~~~~~

Any act of copyright infrigement is punishable by law.

All Rights Reserved

~~~~~

Prologo :

My name is Issa Catrina de Castro. Psh, IC na nga lang. Masyado kasing bitter sa sikmura ko pangalan ko. I may not be your typical teen. Maganda RAW kasi ako. Tss, hindi pwede gwapo? May brains din namang maipagmamayabang. Cute at loyal na kaibigan. Ano pa bang kailangan nyo'ng malaman? Ah... Opo, tomboy po ako. Sadly I wasn't gifted with a guys... Err--alam n'yo na, 'yong tumatayo? Bawal pala green dito.

But enough of me...

Ang storyang ito ay hindi lang po tungkol sa akin kundi sa kaibigan ko rin na si Ethan. Sa'n nga ba ako magsisimula? Silly me, magsimula tayo sa araw kung kailan nag-umpisa ang lahat....
.
.
.
.
.
.
There he goes again...

I was shaking my head habang pinapanood ang kaibigan kong dinaig pa ang mata ng tarsier sa pagkalovestruck.

Ethan was currently sat at our usual spot sa cafeteria habang nakatitig sa crush niyang si Monette Janis Cautiver. For short, school's beauty queen, captain of the cheeerleading squad, dance floor goddess ng dance club at every boys walking dream. Oo, she's all that. Pero may kasabihan nga na kapag sikat ka lumalaki rin ulo mo.

Kaya siguro itong kawawa kong kaibigan, nagkakasya na lang sa tingin. Malapitan nga.

"E-eherm!" I cleared my throat pero nanatiling naka-glue ang mata nito sa babaeng tumatawa sa kabilang table.

"Eherm!!"

Still no response.

Eh kung sapakin ko na 'to?

"Oww! What the hell..." Galit itong lumingon na agad napalitan ng inis nang makita ako. "Langya naman Issa, hindi mo ba alam na parang lalaki yang kamay mo kung makasapak..."

"At hindi mo ba alam na tinalo mo pa si Tiger kakalaway diyan sa buto mong sukdulan hanggang mount Everest ang taas ng tingin sa sarili niya..." Si Tiger ay ang aso kong bulldog.

Inukupa ko yung bakanteng seat sa tabi niya at kinuha ang juice mula sa kanyang tray, sabay sipsip sa straw.

"Ang sabihin mo naiinggit ka lang, kasi walang tumitingin sayo..."

Nagkunyari akong nabilaukan.

"Excuse me, wala sa bokabularyo ko ang salitang inggit. Tsaka ung froglet na yon na masarap buhusan ng isang batyang ipis, ay hindi ko po type! At anong sinasabi mong walang tumitingin? Ano ako walking air na di nakikita?"

He chuckled. "Stop twisting the statement IC, alam mo kung ano ibig kong sabihin.."

"Well ang alam ko lang ngayon ay gutom ang sikmura ko so enough with the nonsense talk..."

He watched amused ng sunggaban ko ang aking creamy carbonara with matching sandwich.

"Vhuket?" Puno ang bibig na inis kong tanong. Pinakaayaw ko talaga sa lahat yong pinapanood akong kumain.

"Para kang baboy." Bulong nitong nakangiti.

"Anong sabi mo?!"

"Wala! Sabi ko maraming intimidated sayo kaya natatakot silang tumingin..." he muttered bago ngumisi. "O eto babe may burger pa ko, gusto mo?"

No Ordinary Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon