Min Ah on the media. I know I said flowery pero wala na akong ibang makitang pic. _ _")
Sa mga naghintay, so sorry for the long wait.
Chapter 10
Hindi ko mapigilang titigan ang sarili ko sa salamin habang hinihila pababa ang suot kong puting damit. Grabe, nakakapanibago at the same time parang ang weird nitong dress sa katawan ko.
Sabado ngayon at guess what, ngayon din ang date daw kuno namin nong si MK. Kung bakit ba kasi kailangang itong damit pa na to ang isuot ko.
But wait, pwede ko namang hindi isuot to kung gugustuhin ko ah. Para namang may magagawa si MK pagbinali ko 'yong promise ko diba? I smile wickedly.
Nagdecide akong hubarin agad ang damit nang..
"Don't you even think about it.."
Nakasimangot kong nilingon ang kadarating lang na si mama sa may pinto.
"That dress look so cute on you at nangako ka ng iyan ang isusuot mo sa date nyo.." nahulaan ata nito ang balak ko at nang-aasar na idiniin pa talaga ang salitang date.
"Eh kung cute man lang mas lalong ayoko ng suotin to noh!" Nakabusangot kong reklamo. "Ma, kampihan mo naman ako please...ayoko talagang isuot toh eh."
She shook her head na may kasamang tsk.
"Issa dear, a promise is a promise. Hindi ka dapat nangangako ng isang bagay na hindi mo naman pala kayang tuparin... and no, hindi kita kakampihan dahil that dress really looks good on you." hinagod niya ako ng tingin with a proud mommy face. "Grabe, nagmana ka talaga sakin, you look so beautiful.."
I rolled my eyes. But deep inside di ko mapigilang maconscious. Totoo nga kayang bagay sakin 'tong damit? Do I really look good in it? Si mama lang naman may sabi non eh. And knowing moms, kahit hindi sasabihin pa rin nilang maganda basta anak nila.
I internally groan at the thought.
Wala na. Pihadong sobrang kahihiyan aabutin ko nito. Paano na lang kung makita ako ng mga school mates ko? Talagang bibitayin ko si MK pagnangyari 'yon!
"Ma please?" I gave her my puppy face while nakapraying position pa ang kamay.
"No." she grins wickedly making my face fall. May pinagmanahan nga ako.
If I know, sinadya talaga ni MK na kakutsabahin 'tong si mama at talagang pinagkakaisahan nila ako ngayon. Si mama pa, eh kung makapagreact nong kinonfirm ko na may date nga kami ni MK eh dinaig pa ang may ikakasal na anak sa tuwa.
"O talikod bilis!" Utos niya sakin na agad lumapit.
"Ha? Bakit?"
"Ano pa eh di aayusin natin yang buhok mo.." bago pa ako makareklamo ay agad niya akong hinawakan sa balikat at hinilang makaupo sa isang upuan.
"Teka sandali lan--aray!" Napangiwi kong daing nang bigla nitong hilain ang tali ng aking bun kaya bumagsak ulit ang buhok ko sa aking balikat. Nanlaki ang mata ko nang may inilabas itong hair iron. "Ma!"
"Tumigil ka at wag kang malikot kung ayaw mong makalbo ko 'tong buhok mo.."
Napanguso na lamang ako sa sobrang inis habang hinayaan siyang hila-hilain at kortehin ang kawawa kong buhok. Nong matapos siya ay pinaharap niya ako sa salamin with a very smug smile.
"Oh, ano sa tingin mo?"
Hindi ako nakaimik dahil sandali ring nafocus ang atensyon ko sa aking repleksyon. Nakalugay na ngayon ang buhok ko, at dahil sa panay tali ko non kaya ngayon lang lumabas ang nakatago kong bangs na nakawala may bandang gilid ng aking mukha. The rest is pawang straight sa likod at talagang tinuwid pa ni mama ng husto to keep my long hair on my back.
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love (Editing)
Teen FictionMeet Jeff Ethan Milano. Mabait, matalino, simple pero gwapo. Kahit saksakan man siya ng katorpehan mahal ko pa rin 'yon. Don't get me wrong, hindi kami talo. Sino ako? I am Issa Catrina de Castro, next awardee for That's My Tomboy (joke lang). I'm h...