Chapter 21 Movie marathon

12 6 0
                                    

Chapter 21

Hoy! Eion, bwisit! Sigaw ko dahil kanina ko pa siya hinahabol pero ang bilis maglakad,

Napahawak naman ako sa balikat niya, habang humihingal, tinignan ko naman ang mukha niyang nalilito.

Grabe ha! Ang bilis mo maglakad, sabi ko sakanya,

Oh, bree! Anong ginagawa mo dito?

Sinapok ko naman siya,

Wow! Katapos kitang habulin yan yung sasabihin mo? Inis na sabi ko.

Ngumiti naman siya ng nakakaloko.

Ikaw ahh! You choose me over Taehyung, ngisi niya sakin, ano may nararamdaman ka na ba para sakin?

Sinapok ko naman siya ulit!

Hoy! Eion, tigil tigilan moko sa kakaganyan mo ahh? Pasalamat ka nga, pinili kong tulungan ka kesa sa grades ko.

Pffft! Hahhahah! Diko naman kasi sinabing tulungan moko, pero since andito kana, sige, pumapayag nako,

Abat! Ang kapag din ng mukha ng isang to! Parang ako pa ang may utang na loob,

Tara sakay na sa motor ko,

Woah! Astig, first time ko atang sasakay ng motor, since palaging kotse ang dala ko,

First time mo? Tanong niya sakin,

Oo, sagot ko.

Tara angkas na! Ipaparanas ko sayo ang pinaka masayang ride, ngisi niya sakin.

Hoy! Mr. Perez, mahal ko pa buhay ko no! Kaya ayusin mong mag maneho.

Trust me, Bree. Masaya to! Sabi niya sabay angkas sa motor niya,

Kaya angkas na, sinunod ko naman ang sinabi niya.

Pinaandar naman nkya yung motor, saka nako umangkas.

Hawak ng mabuti paalala niya kaya sinunod ko ang sinabi niya, humawak ako sa likod ng sasakyan ng motor.

Sure ka na ba jan sa pinili mo, halakhak niya, baka gusto mong humawak sa abs ko, kasi mas sigurado buhay mo dito, ngiti niya sakin.

Hinampas ko naman siya,

By the way, did you ever break a rule? Tanong niya habang hindi pa pinapaandar yung motor,

Ofcourse not, mabilis na sagot ko,

Now, you exprience how to break one sabi niya sabay paharurot ng motor,

Waaaaaah! Sigaw ko ng pinaandar niya ng sobrang bilis yung motor! As in, parang nauna o naiwan na ata dun sa pinag parkingan namin yung puso ko sa sobrang kaba,

Hold on Bree, it's not always bad to break the rule, sabi niya habang nagmamaneho, always live like it was your last day, do what makes you happy. Sinunod ko ang payo niya saka inenjoy yung ride, hindi na din ako natatakot kagaya kanina,

And this long night, one thing I realize,

Wag kang sasama kay Eion! Its not always bad to break the rule? Halos lumuwa yung kaluluwa ko sa sibrang bilis niya magmaneho! Buti nalang binagalan na niya ng konti yung pag drive, humahampas naman sa balat ko ang sobrang lamig na hangin.

Tumigil kami sa isang convenience store,

Baba ka muna Bree! Bibili tayo ng pagkain para hindi tayo magutom mamaya sa mga paper works,

Tsk, since ako naman ang tutulong sakanya, ako na yung pumili ng pagkain namin,

Kinuha ko yung tatlong malalaking Vcut, dalawang garapon ng stick O saka isang malaking ice cream,

Tinignan ko naman si Eion habang naghihintay sa side, inaabot ko naman sakanya yung pinili kong pagkain, syempre siya magbabayad,

Yan lang? Tanong niya.

Tumango naman ako,

Nung magbabayad na siya sa counter ay napansin ko naman ang pag ngiti ngiti ng babae sa counter, iba din ang karisma ng isang to!

Saka na kami sumakay ulit sa motor binitbit ko na yung dala naming pagkain,

Wala pang ilang minuto ng tumapat kami sa isang bahay na may gate na kulay pink pati kulay ng dingding ay pink.

Siguradong bahay mo to? Tanong ko sakanya,

Tumango naman siya saka sinuri, sabay tingin sa bahay na kulay pink, ngumiti naman ako ng nakakaloko,

Im not what youre thinking, sabi niya.

It was my little sisters favorite color, kaya yan din yung naisip kong kulay ng bahay na ipapagawa ko, pagpapakiwanag niya lumungkot naman ang mata niya, ano kayang meron sakanila ng kapatid niya?

Pinapasok naman niya ako sa loob, namangha ako, kasi sobrang linis may dalawang couch na kulay blue, saka isang tv na tama lang ang laki,

Umupo ako dun saka sinuri yung bahay, parang bahay ng batang babae,

Nilapag na niya yung notebooks niya, ako naman kinuha yung garapon ng stick o.

Inabutan ko naman siya ng Vcut pero tinanggihan niya, kaya yung stick O nalang binigay ko,

Tsk! Dahan dahan sa pagkain ng maalat, paalala niya,

Tumango naman ako,

Yes master! Saludo ko sabay subo ulit ng Vcut.

Dont call me master, tunog drig lord. Natawa naman ako sa inasta niya,

Binuksan niya yung TV.

Yaman talaga ng isang to naka netflix hinagis naman niya sakin yung remote para pumili ng panonoorin,

Pinili ko yung Sabrina, umupo naman sa tabi ko si Eion, habang hawak yung baso ng icecream, ngayon yung lampara lang niya ang nagsisilbing ilaw.

That's boring, kumento niya,

Anong boring ka dyan! Takot ka lang, pssh!

Kaya pinastforward niya nasa gitmang part na kami kung saan hinahabol na niya yung babae dala yung gunting,

Waaaaaaah! Napatili naman ako ng malapit na niyang masaksak yung babae,

You're too noisy, kala kobang hindi ka takot? Ngisi niya sakin,

Ano!? Hindi kaya, tssk! Nagulat lang ako sa effect, pagtatanggi ko,

Waaaaaaah! Sigaw ko ulit ng humarap papalapit yung panget na manika,

Pffffft! Effect pala hah! Nagpipigil na tawa niya,

Pero ang mas nakakatakot akala ko english ang subtitle, natawa naman ako, hahahhaah! Mula kanina kasi akala ko talaga english yung subtitle.

Nilipat naman niya sa iba, puro love story na, kaya ako ang pumili.

Do you believe in love? Seryosong tanong niya habang nakatingin sa kawalan.

Syempre naman! Love is anywhere, pwedeng sa kamag anak mo, naalala ko naman sina mama papa at ate, sa kaibigan, naalala ko naman si Meighan kahit na tinraydor niya ako kaibigan pa din yun, at minsan nararamdaman mo to kapag umibig o nagka crush ka na sa isang tao, napangiti naman ako ng maalala ko si Taehyung

Still do you like Taehyung? Tanong niya habang hindi pa din sumasagot,

Yes. Hindi naman yun magbabago, napasinghap naman ako, ng maalala ko kung papaano niya kaayaw sakin,

Then, I let you to feel that love for him, but one thing that I can't promise, I won' let that feelings for him will last for a month.

My Idol Is A Famous Snob Writer(Bangtan Series 2) Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon