Chapter 12

14.5K 295 3
                                    

Lee's Pov

May kumakatok sa pinto. Papunta na sana ako kaso naunahan ako ng aking anak na bukas ang pinto

"Tita Max!! Where Spaun?" sabi ni Zeles

Nagulat ako na si Max pala ang nagpunta.

"Zeles, baby? Nasaan ang Mommy?" Tanong ni Max. Nagpunta na ako dun alam kong busy pa si Sweetie sa pag aayos ng mga binili namin

"Max" sabi ko

"Lee. Hindi ako magtatagal, kailangan ko lang kausapin si Naih" sabi niya. At nagpunta ako sa kinaroroonan ni Sweetie

"Sweetie, nanjan si Max" bigla naman niyang iniwan ang mga inaayos niya at tumakbo papunta sa sala.

Namiss niya siguro yung Bestfriend niya? Tagal din kasing hindi nag punta dito

Naih's Pov

Nung malaman ko kay Sweetie na nanjaan si Max tumakbo ako papunta kay Max at nung makita ko siya niyakap ko siya ng mahigpit.

"MAX NAMISS KITA!! TAGAL MO RIN DI BUMISITA DITO SA BAHAY!!"

"Tss. Maingay ka pa rin. Hindi ako magtatagal may tatanong lang sana ako" sabi ng kaibigan kong sobrang Hambog

"Ano naman yun aber?" tanong ko nakataas pa ang isang kilay

"Sasama ba kayo sa Palawan? Bukas na aalis kung sasama kayo ed----" hindi ko na tinapos ang sinabi niya at sinagot na ang tanong niya

"OO NAMAN MAXPEIN!!"

"Sige alis na ako, tinatawagan kasi ni Deib si Lee hindi daw sinasagot ni Lee"

"Tita sasama po ba si Spaun?" tanong ni Zeles kay Max

Nako namiss ko rin ang batang iyon.

"Yes. Sige alis na ako Naih. Lee! Alis na ako!" hindi ko napansin na nakasunod na pala si Sweetie sa akin, masyado ko kasing namiss yung hambog kong kaibigan. At umalis na nga siya. Agad kong tinawag si Manang Wendy para siya na lang ang mag ayos ng mga pinamili namin. Konti na lang naman yun. Minsan siya ang kumikilos dito pero minsan ako siya ang nagbabantay kay Zeles.

"Sweetie tinanong nga pala ni Max kung sasama daw tayo sa Palawan"

"Anong sinagot mo?"

"Syempre oo. Namiss ko na rin kasi sila Mang Pitong at ang mga Moon."

"Kailan naman yan?"

"Bukas. Di ka ba busy nun?"

"Nope"

"Daddy i'm sleepy na"

"Halika na Baby. Akyat na tayo sa room mo" sabi ni Manang Wendy

"Ako na Manang. Matulog na po kayo dahil bukas po kayo ang magbabantay dito" namiss ko na rin kasing patulugin si Zeles ng ako lang

"Saan po kayo pupunta Maam?"

"Manang ayoko pong tinatawag niyo kong Maam, Naih na lang po"

"Ah... Naih. Naih nga po"

May kumatok na naman sa pinto. Si Manang na ang nagbukas, at sino ang pumasok? Ang Ate ko

"Hi Sissy. Hi Lee. Hi my cute pamangks" sabay yakap kay Zeles. Dito muna tumitira si Ate, oras daw na makakita siya ng rent na bahay, dun na daw siya titira

"Ate pupunta daw tyo sa Palawan bukas" Sabi ko at lumaki ang ngiti niya. Psh! Alam kong nag papantasya na naman ito kay Maxwell!

----------------------------------
Pls vote
Thank you

HE'S INTO HERWhere stories live. Discover now