Burn"Ikaw Cholo ah. Iba tindig mo kanina. Lalaking lalaki! Mukhang napaselos mo pa yata yung Drei na 'yon!" Narinig kong wika ni Kaycee.
Inarapan naman kami ni Cholo at nagpatuloy lang siya sa paginom ng delight niya.
"Oo nga pare! Ang pogi mo banda kanina, sayang ka talaga! Recruit na sana kita sa varsity team eh!" Sabi ko naman at siyempre as usual ginatungan nanaman ako ni Kaycee damuho.
"As if ka naman sunog! 'Di ka nga kasali sa varsity tapos irerecruit mo 'yan si bakla! In your dreams Burn."
Minsan talaga ang sarap gumawa ng tarpapel na may nakalagay na napaka epal na mukha ni Kaycee. Masama bang mangarap?
Noon palang.. pangarap ko na talagang maging isa sa mga basketball players, pangarap kong bansagan bilang isang napakagaling na basketbolero. Kaso hindi parin yun nangyayari, maliit daw kasi ako, saka sabi ng karamihan.. hindi daw pasok sa standards nila ang itsura ko.
"Don't worry Burn, you're going to be the most valuable basketball player of Stoneridge University, not now but someday.." Medyo naliwanagan ako at nagkaron ng pag-asa nang sabihin sa 'kin yun ni Lea. Kahit kailan talaga ay napaka-positive niya.
Pero kailan kaya yung someday na yun? Baka graduate na 'ko lahat lahat dito sa Stoneridge eh hindi ko pa nararanasan maka-shoot ng bola sa gym.
Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon. Parepareho kasi kaming walang second class. At para malaman niyo, magkaklase pala kami ni Kaycee, si Cholo ay medicine ang kinuha, while kami ay Forestry at yung kay Lea naman ay Biology. Mahal ko kasi si inang kalikasan kaya yun yung pinili ko.
Ewan ko lang kay Kaycee, mukha naman siyang ugat kaya siguro ganon.
"Lea anong naramdaman mo kanina?" Biglang tanong ni Kaycee.
"Wala." Mahinang tugon ni Lea habang nakatutok sa phone niya. Alam naming nasasaktan siya, ayaw niya lang talagang aminin.
"Sabi ko na nga ba una palang, cheater 'yang jowakels mo e." Medyo mahina lang ding sambit ni Cholo kasi baka may makarinig.
"Pwede ba, hayaan niyo nalang si Lea, pano siya makakamove-on kung panay kayo tanong? Pano siya makakalimot kung kayo yung nagpapaalala?" Sabi ko sakanila at seryoso lang ang tingin nila sa 'kin. May mali ba sa sinabi ko?
"Ikaw ba 'yan Burn?" Tanong sa 'kin ni Cholo sabay kapa sa noo ko na tila ba chinecheck kung may lagnat ako.
"Kapag seryosong bagay kasi. Dapat seryosohin." Paliwanag ko na lamang. At napatango silang tatlo.
"Kahit mukha akong tarantado, marunong naman ako magseryoso no!" Pahabol ko pa.
"Tanga! Hindi lang mukha, tarantado ka talaga!"
Bwiset ka, Kaycee.
Hindi ko parin batid kung bakit nagawang hiwalayan nung Dreiton na 'yon si Lea. I mean, maganda si Lea, mabait, masipag, matalino. Halos nasakanya na nga lahat e tapos pinagpalit pa?
Pano nalang ako ne 'to kapag nagka- girlfriend? ;(
*Bzzt*
Naramdaman kong may nag-vibrate sa loob ng bag ko kaya naman agad kong kinuha mula ron ang cellphone ko at nakitang tumatawag pala yung pinsan kong si Jayco. Dali-dali ko naman 'yong sinagot.
"Oh?" Tugon ko.
"Uy, nandito na 'ko sa bahay niyo."
"Ge." Yun lamang ang nasabi ko at binabaan ko na agad siya.