Chapter 1 [Praeteritum]

116 8 4
                                    

"Dave okay ka lang?" 

Bumalik si Dave sa kanyang katinuan ng biglang nagsalita si Claire.

"Ah, Oo bakit naman?"

"Eh kanina pa kitang kinakausap tila hindi mo naman ako pinapansin" ani ng dalaga

 "Pasensya kana ha? May mga bagay-bagay kasi na gumugulo sa isipan ko"

"Sus! Wag mo nang intindihin yan kung hindi naman importante, halika ka na nga since Biyernes ngayon ite-treat kita" masayang sabi ng dalaga.

Asaran,Tawanan,Yabangan,Kulitan yan palagi sila, kung sila'y pagmamasdan, para silang magkasintahan. Pero hindi, hanggang magkaibigan lang talaga sila.

 [FLASHBACK]

2 months ago

Dave's Point of View

"Dave mahal kita" nabigla ako nang biglang magtapat sa akin si Claire sa backstage, mahal ko siya, dahil simula pagbata ay itinuri ko siyang isang nakakabatang kapatid. Ni-isang porsyesnto wala akong pagnanasa sa kanya dahil malaki ang respeto ko sa kanya.

  

"Claire sorry pero---

"Pero ano? Hanggang magkaibigan lang ba tayo? hindi ba pwedeng lumevel-up naman tayo? Hindi ba pwedeng maging magKAibigan nalang tayo?" natameme ako sa sinabi niya, hindi ko akalain na may nararamdaman na pala sa akin ang bestfriend ko, ayoko ko siyang masaktan, ayokong magwakas ang aming pagiging magkaibigan dahil sa letseng nararamdaman niya.

"Claire may~~

"May ano?"

"May girlfriend na ako" Diretsong sabi ko sakanya. May girlfriend ako at halos magtatlong buwan n na kami at tsaktong monthsary na namin bukas.

"S-ssino?" Hindi ako makapagsalita parang pumipilo ang dila ko. Natatakot ako, natatakot ako dahil matalik rin niya itong kaibigan.

"SINO!!! MAGSALITA KA!! Sino??!!!" kung kanina ay napaka kalmado niya, ngayon ay tila umuusok na siya sa galit.

"Si Lexie" 

Nagkaroon ng katahimikan ng halos isang minuto. Inaasahan ko na babatuhin niya ako ng mga masasakit na mga salita, pandidirian , sasampalin o sisigawan. Pero lumuhod siya sa harapan ko.

  

"Clai--Claire.. Ano ba? tumayo ka nga diyan"awat ko sa kanya.

"Ayaw mo sa akin dahil loner ako, Ayaw mo sa akin dahil dalawa lang ang kaibigan ko na siyang ginago ako, Ayaw mo sa akin dahil hindi ako sikat hindi kagaya niya."

"Pero Dave please.. I'm Begging you .. Akin ka nalang?  

"Claire...  Huwag mo akong piliitin sa mga bagay na hindi ko gusto, Mahal ko si Lexie at mag-tatatlong buwan na kami. Malaki ang respeto ko sa iyo dahil malaki ang utang na loob nang pamilya ko sa nanay at tatay mo, Pero wala kang karapatan na diktahan ako, Isang respeto lang sana sa nararamdaman ko, kasi kung wala ka nun kaya kong kalimutan at talikuran ka na parang bula.

[END OF FLASHBACK]

Halos Isang buwang hindi nagkibu-an sina Dave at Claire pero dahil kay Lexie naging magkaayos sila. Humingi sila ng tawad sa isa't isa at tinanggap at sinuportahan na rin ni Claire ang namamagitan kita Dave at Lexie.

"Oh siya alis na ako mag aalas kuatro na at tila wala ka naman sa katinuan, Bye Bestfriend, Ingat!"masayang paalam ni Claire na nagiwan pa ng halik sa mga pisngi ni Dave.

SC Academy of Screaming Devils [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon