Unspoken Word Poetry

136 10 0
                                    

UNSPOKEN WORD POETRY
           (Ano Ba Tayo?)
Written by: Mhai Villa Nueva

Lumipas ang ilang taon muli tayo ay nagkita. Ang saya dahil ikaw na kaibigan ko ay hindi nawala. Subalit, paano nalang kung isang gabi tayo'y nagtabi? Ang bugso ng init sa katawan, ang tawag ng laman ay hindi napigilan. Nagsanib, naging isa tayo sa gabing iyon. Hindi mo napigilan, at hindi ko rin napigilan. Uhaw na uhaw sa mga labing kay tagal nang 'di nadampian! Ang nagliliyab na apoy ay mas lalo pang uminit. Naging mapusok at marupok tayong dalawa. Subalit  wala tayong may pinag-sisihan  dahil kapwa tayong dalawa ay may gusto na gawin ang bagay na iyon na dapat ay sa magkasintahan laman. Oo. Walang tayo, pero sa ginawa natin ay dinaig pa natin ang mag sing-irog.

Una, naging dalawa, tatlo, apat at hindi na mabilang sa kamay ang ating ginagawa. Pinaligaya mo ako, at ganun din ako sa'yo. Hinubog mo ang mananabik ko, at ganun ka din sakin. Hinanap hanap mo ako, hinahanap hanap din kita. Isang tawag, text mo lang agad ako'y pumapayag. Ang mga ngiti sa labi ay hindi na maalis alis. Dating magkaibigan, na ngayo'y magkasundo sa tawag ng laman.

Sa mga lumipas pa na buwan ay mas lalo tayong nasasabik. May kasunduan tayo na hanggang roon lang. Subalit, paano ko hindi bibigyan ng kahulugan ang mga panunumbat mo kung halata naman? No'n una ay ayaw mo pang aminin, sa huli ay hindi mo rin napigilan. Nagulat ako, nagtaka, at nagtanong sakin sarili. MAHAL NIYA NA BA AKO? Subalit, imbes na mag-usap tayo, ay iniwasan mo ako. Ngayon ako ay litong-lito. Puso't isip ko ay nagtatalo. Hindi ko alam, at hindi ko talaga alam. Hanggang sa nakaramdam ako ng galit sa'yo.

Paano ko pipigilan ang aking puso kung ikaw mismo ang laman, daing at sinisigaw nito? Oo. Aaminin ko, hindi ko napigilan ang sarili ko na mahulog sa'yo. No'ng nalaman kong nagseselos ka ay nanlambot ang aking puso. Nang mag-usap ulit tayo, ay kinakabahan ako, natatakot na baka ay galit ka pa rin sakin. Pero, paano 'to? Hindi ko man lang kayang magalit sa'yo dahil ang puso ko mismo ay taliwas sa aking isip. Sinasabi ng utak ko, magalit ako sa'yo, subalit itong puso ay umaangil sa isip ko.

Hinayaan kitang mawala. Hinayaan kita na hindi ako kausapin, na baka sa darating na araw ay makakalimutan na kita. Pero putang ina! Makalipas ang ilang buwan ay nagparamdam ka ulit. Ang pusong suwail ay muling nanabik. Ang isip ay hindi na makapag isip. Nagulat nalang ako, bakit ika'y bumait! Pinaparamdam mo na naman sakin ang mga bagay na hindi ko dapat aasahin. 'Yong lambing mo sakin ay mas lalong lumalim. 'Yong noon na, 'di ka nagpapaalam ay ginagawa mo na ngayon. Tipong dapat ikaw lang ang nakakaalam ay pinapaalam mo na rin sakin. Nagpapaalam ka, nagsasabi ka kung saan ka pupunta.

'Tangina! Ano ang ibig sabihin nito? Ngayo'y nalilito. Takot din magtanong kung bakit mo ginagawa mo ang mga bagay ito?

Kung may pag-ibig ka sakin, bakit hindi mo sabihin? Ayaw kong umasa at ayaw na ayaw kong mag assume na magiging tayo. Pero tanong ko lang sa'yo?

Mahal mo na ba ako? O, paaasahin mo nalang ba ulit ako katulad nang ginawa mo noon?

Mga mapang-akit na salita, ako'y nagpadala. Huwag naman sana luluha ng kusa! Bagaman, ako'y umaasa na muli nating pagkikita, na tayo'y magsasama na naka-ngiting masaya.

Ano Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon